"Omaygush Athena w-wait i will call our family doctor" yun ang huli kong narinig kay Trisha then everything went black

****

"She's fine" rinig kong sabi

Napahawak ako sa noo ko dahil masakit

"Thanks god and your awake...wait wag kang tatayo or gagalaw" pigil saakin ni Trisha. Napakunot ang noo ko

"Your not feeling well right?" Na-w-weirdohan na ako kay Trisha. Tumingin ako kay Erika pero tumango lang siya saakin at sinabing magpahinga. Andito rin pala si Erika

Ano bang nangyayari?

"So bakit daw ako nahimatay?"

"Paano ka hindi hihimatayin? Hindi ka raw kumain ng hapunan tapos stress kapa kinaumagahan tss don't worry ito na yung lugaw kumain ka ng marami" sagot saakin ni Trisha

Parang dinurog ang puso ko sa narinig. Akala ko buntis ako pero akala lang pala

"S-si Xander?"

"Hindi pa nahanap eh...Drake told me that Xander is not in his Office so may clue ka bang pupuntahan niya or madalas niyang puntahan?" Agad akong umiling

Wala akong alam.

"Magpahinga ka muna Athena don't worry uuwi si Xander im sure may inaasikaso lang yun" tumango nalang ako kay Trisha

Asan ka na ba kasi Xander?

"Magpahinga ka na muna Athena...may kailangan pa kaming aasikasuhin so? Mauuna na kami ahh" tumango ako kay Erika

"Sige salamat and mag-ingat kayo"

"Wag na mag-isip ng marami ubusin mo yan at magpahinga ka na...just call us if andito na si Xander ok?"

"Sige salamat talaga"

Pagka-alis nila ay kumain ako. Kailangan kong kumain ng marami. Dahil hahanapin ko si Xander

Napailing ako dahil wala akong clue. Bakit hindi siya umuwi? Hindi naman kami nag-away ah?

Nagpahinga ako ng kaunti saka nag-bihis at lumabas ng bahay.

Bubuhayin ko na sana ang makina ng sasakyan ngunit nakita ko ang kotse ni Xander papalapit sa bahay namin kaya agad akong bumaba ng kotse at sinalubong siya

"X-xander?"

"Im sorry Athena kong nag-alala ka it's... ahmm birthday kasi ng businesses partner ko so ayun he invited me then nag-inoman kami nalasing ako kaya hindi kita natawagan im really sorry"

"O-ok lang yun"

"You look so stress and trisha told me your sick so mag-l-leave muna ako ngayon para alagaan ka para bumawi narin" Dahan dahan ang ginawa kong pag-tango

"Kumain ka na? Do you want me to cook?" Umiling ako

"Ahmm...tapos na akong kumain"

"Magpahinga ka na muna" aniya saka ako ginaya papasok ng bahay

"May gusto ka bang kainin? Magluluto ako"

Napa-isip ako. Ahmm i want a—

"Popcorn?" Natatawang tanong niya

"Paano mo nalaman? Are you a mind reader?" Kunot-noong tanong ko. Umiling siya

"Nope"

"Pero paano mo nga nalaman na Popcorn ang gusto kong kainin?"

"Because of your smile? At saka kabisado ko na naman ang gusto mo" nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya

"Wait for me magluluto muna ako ok?" Aniya saka ako hinalikan

Lumabas na si Xander sa kwarto saka ko lang din na-alalang kailangan ko pa palang tawagan sina Van

"Hello?"

"Wala ka ba talagang Clue Athena? Kanina pa kami naghahanap pero hindi namin na hanap. Alam mo bang may date sana kami ni Trisha ngayon?" Agad na bulalas ni Van

Napailing ako habang nakangiti

"Ghad! You sound so gay! The fuck Van!"

"Don't call me Gay! You owe me ones Athena and you need to pay for it"

"Ghad! Ok fine i will pay you...what can i do?"

"It's lateral money Athena...you will pay the bills for our Date"

"The fuck! Don't tell me nalulugi na kumpanya niyo?"

"The hell no! Ahh buti na-alala ko you need to pay for my gas also"

"Nakakarami ka na Van!"

"Ayaw mo?" Na-imagine kong nag-pout siya then yung boses niya rin ay naging malumay

"Tss...oo na ako na magbabayad para sa Date niyo and also for your gas tss nahiya naman ako sayo"

"Yes! Ahmm naka-uwi na si Xander right? Dahil maghahanda na ako para sa date namin ni Trish kailangan gwapo ako ahh oo nga pala gwapo naman talaga ako....Athena pag-pa-reserve ka sa 5 star restaurant nila Ethan"

Ang yabang talaga ni Van..

"The F! Ako na nga magbabayad ako pa ang mag-papa-reserve?"

"Magpapa-pogi nga ako para hindi ako iwan ni Trish" parang bata tong si Van tss but i find it sweet. Sana nga sila ni Trisha na sa huli

"Ok sige na nga bye"

"Bye"

Nangbinaba ko na ang Cellphone ko ay agad akong napatingin sa cellphone ni Xander tumunog kasi kaya kinuha ko

"Hi Xander this is Jessa don't forget to save my number alright? Nga pala if you want an another round just text or call me...aantayin ko"

Napatakip ako sa bibig ko. Is Xander cheating on me!?

The Fight And SacrificeWhere stories live. Discover now