Chapter 63

1.8K 60 14
                                    

Trisha's Pov

"Nakikita niyo ba ang dalawang bilog na ito?"

Tumango ako samantalang si Van naman ay hinawakan ang kamay ko

"May bukol po ba ang anak namin?" Kabadong tanong ko

Ano ba ang dalawang bilog na iyon? Bukol ba ng anak namin? Baluktot ba ang namin?

Biglang natawa ang doctor kaya nagkatingan kami ni Van. Baliw ba ito?

"Ang dalawang bilog na ito ay ang mga anak niyo" natatawang ani niya

MGA?! AS-IN? MGA?!

"Kambal ang iyong anak" tuwang sabi ng doctor

Napanga-nga ako at agad niyakap si Van

"Waahhh twin!" Tuwang-tuwa na sabi ko

I can't believe it!

Napatigil kami ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad na kaming tumayo at nagpa-alam sa doctor saka ko sinagot ang tawag

"What the fuck Trish?! Bakit ang tagal mong sagutin?!"

Inilayo ko ang cellphone ko dahil sa nakakabinging tinig ni Erika

"Easy dear Erika, ano bang problema?"

"S-si Athena manganganak na yata!"

Agad akong nataranta sa sinabi ni Erika

"What? Asan na kayo?"

"Andito na kami sa hospital, hali na kayo"

"Lumiko ka dali at magtungong hospital"

"H-ha? Sinong na-hospital?" Kunot-noong tanong ni Van

"Si Athena manganganak na raw!"

****

"Asan si Athena?" Agad na tanong ko kina Erika

"Nasa loob pa din eh, kanina pa nga kami nag-aantay" sagot din agad ni Erika

Napatingin ako kay Xander na pabalik-palik sa paglalakad

"Asan sina Danna?" Tanong kong muli

"Wala pa eh" kibit-balikat na sagot ni Drake

Sabay-sabay kaming tumayo ng makita ang doctor na lumabas

"Ikaw ba ang asawa?" Tumango si Xander sa tanong ng doctor

"Well, hindi pa manganganak ang asawa mo false alarm lang iyon but you need to ready dahil medyo malapit narin siyang manganak"

"Ha? False alarm? So hindi pa siya nanganak? Jusmaryusip! Baka ako pa ang manganak ngayon dahil sa taranta tapos false alarm lang pala? Tang'na naman" inis na sabi ni Erika

"Easy" hinagod pa ni Drake ang likod ni Erika

Napatingin ako kay Van na hinawakan ang kamay ko

"Twin ang anak namin ni Trish" anunsyo ni Van

Napatingin saamin ni Erika.

"Erika!" Tawag namin lahat dahil nahimatay siya

"Van naman! Bakit mo binigla?!"

"Hindi ko naman alam na mabibigla siya akala ko ma-su-surprise siya" kumakamot ng batok na sabi niya

"Surprise? Gago! Gulat pa din yun!" Saka ko siya binatukan

"Aray!" Sigaw niya at agad tumakbo. Syempre hindi ko siya mahahabol dahil nga buntis ako

"Huwag kang lalapit saakin! Tandaan mo! Hindi ka tatabi saakin mamaya! Sa lapag ka matutulog!"

"Trish naman"

"Huwag mo akong ma-Trish Trish! Huwag mo akong hawakan! Bwesit ka!"

"Trish.."

"Shut up! Hindi ka matutulog katabi ko!" Naka-cross-arm kong sabi

"Sorry na.."

"Shut up! Tara na Drake uwi na tayo sasabay ako sainyo"

Napatingin saakin si Drake kaya pinandilatan ko siya tumingin din si Drake kay Van at nakita kong tinakot ni Van si Drake

"Drake?! Tara na sabi eh!"

"O-oo tara"

Napangiti ako ng palihim. Haha akala mo Van mako-kontrol mo? Pwes mas astig ako sayo

"T-teka kotse to ni Van ah? Bakit tayo rito sasakay?" Kunot-noong tanong ko

"Sira kotse ko" tipid na sagot ni Drake saka binuhay ang kotse

"T-teka? Saan ka pupunta?"

"May na-iwan ako" tipid na sagot niya saka bumuba ng tuluyan

Bakit amg tipid niyang sumagot?!

Ipinikit ko ang mata ko dahil napapagod na ako. Naramdaman ko na rin namang pumasok na si Drake ng kotse kaya idinilat ko ang mata ko at laking gulat ko ng hindi si Drake ang nakita ko

"T-teka b-bakit ka andito?" Kabadong tanong ko

"Kotse ko 'to bakit?" Sagot niya at pina-andar na ang sasakyan

"Itigil mo itong sasakyan! Tang'na hindi ako sasama sayo! Ibaba mo ako!"

"Trish naman" malumay na ani niya

"Galit ako sayo hmm" pinag-cross ko ang dalawang braso ko

"Sorry na"

"Sige na nga" ngiting sabi ko

Ngumiti din naman siya. Naging tahimik na ang sasakyan

"Gutom ka na?"

"Hindi matutulog lang ako dahil pagod na ako"

"Ok sige..gigisingin nalang kita kapag nasa bahay na tayo"

Tumango ako sakanya at hinayaang pumikit ang dalawang mata ko. Inaantok na talaga ako

Naramdaman kong binuhat ako ni Van pero hindi ko pa din minulat ang mata ko. Pagod talaga ako.

"Pagod ka na nga talaga.." aniya saka bumuntong hininga

"Hindi mo dapat pinapagod ang sarili mo dahil baka mapano ang dalawang anak natin" bulong niya at hinawi ang buhok na kumuwala sa pagkakatali

Naramdaman kong tumayo siya kaya agad kong idinilat ang mata ko at hinawakan ang kanyang kamay

"Saan ka pupunta?" Walang lakas na tanong ko

Bakit ba ako subrang pagod?

"Ipaghahain ka...gigisingin nalang kita kapag luto na"

Tumango ako sakanya at pumikit ulit.

✂ ----------------------------------

This chapter was so lame! Tss bawi nalang ako sa susunod.

And Attention! 2-3 remaining chapters! Huhuhu malapit na mag-the end.

Sorry po pala kung hindi ako nakapag-UD kahapon. Busy lang talaga saka gumawa po kasi ako ng Story for my project. At dahil tapos na ang project ko ito na naman ang gagalawin ko! So kung makayanan kong mag-UD mamaya mag-u-UD ako ba't im not sure pa okey.

The Fight And SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon