Chapter 1

7.2K 142 5
                                    

Danna's Pov

"Grabi hindi ako makapaniwalang Matanda na tayo"

"Matanda? Sa pag-kaka-alam ko ang salitang Matanda ay para sa mga may idad na at gumagamit na ng sungkod, ehh maayos pa naman yang tayo mo ah?" Pambabara ni Erika

"Alam mo Erika? Ayan na naman yang sakit mo eh akala ko ba nag-bago ka na?"

"Danna kapag ipinanganak kang ganyan, ganyan ka na talaga forever, saka fetus palang ako nang-babara na ako"

"Ah talaga? Sa maniwala?" I said sarcastically

"Ohh mag-aaway na naman kayo?" Sabat ni Trisha

"As always si Trisha na naman ang Referee ,alam mo Trish matanda na sila bahala na sila sa buhay nila, duh nakaka-stres kaya yang dalawang yan parang ipinag-lihi sa manok putak ng putak" sabat din ni Athena

"Duh whatever Athena" Umirap pa si Erika

*beeeppp*

"Oh andito na ang Van"

"Ha? Andyan na ang Vampire ko?" Nag-pa-panic na sabi ni Trisha, binatukan naman siya ni Erika

"Ang sabi ko andito na ANG Van at hindi ko sinabing andito na SI Van" pag-ulit ni Erika

"Sorry naman, tss ito kasing si Van bakit ba Van ang pangalan niya? Siguro dahil sa Van siya ginawa? Hahaha" nakitawa na rin ako wala eh boring eh saka medyo ok naman yung joke ni Trisha

"Bakit ko narinig ang gwapo kong pangalan?" Ani ni Van na kakapasok palang sa bahay, agad namang tumayo si Trisha at yumakap kay Van

"Yahh Vampire i miss you" ito na naman ang sakit nila, ang Mag-PDA

"Yahh i miss my Witch too" tapos nag-kiss pa sila sa Harap namin

"Yuck!" Sigaw ni Athena at nag-takip pa ng Mata, OA talaga tong si Athena

"Get a room" walang emosyong sabi ko

"Huy Trisha Van tama nayan baka nakakalimutan niyong andito kami" mataray na sabi ni Erika

"Duh! Mga Bitter lang kayo kasi wala pa ang mga Labs niyo" binelatan pa kami ni Trisha saka sila naunang lumabas

Ay nasabi ko na bang pupunta kami ng Beach? Kasi naman po mag-bo-bonding kami kasi nga super duper busy kami sa School you know College na kami

"Ang tagal naman ni Xander" pag-mamaktol ni Athena

"Huy Athena wag ka na ngang pumutak dyan ,mag-buhat ka nalang ng gamit at aalis na tayo" ang bitter talaga ni Erika siguro nag-away sila ni Drake

"Guess who"

Napangiti naman ako dahil kilala ko ang boses na iyan at hindi ako pweding mag-kamali, ang may-ari ng boses na ito ang pinaka-mahal ko

"Hmm? Mahal ko?" Naka-ngiti kong sabi

"Halata ba ang boses ko?" Niyakap pa ako ni Ethan patalikod

"Hindi naman halata ang boses mo"

"Ehh bakit mo nahulaan?"

"Hmm? Siguro dahil kabisado ko na ang boses mo?"

"Talaga?" Tumango naman ako

"Teka bakit ang tagal mo?"

"Traffic eh bakit miss mo na ako noh?"

"Paano kong Oo?"

"Sabi ko na eh, miss mo na ako, ako pa sa gwapo kong to at Matcho pa"

"Ang hangin ohh"

"Syempre—"

"Hot ka? Duh Ethan tumigil ka sa kahibangan mo saka hindi ikaw ang Hot si Sun"

"Sinong Sun? Uupakan ko yan" ani niya at humiwalay na sa yakap

Seloso as ever. Pa-tripan nga

"Ugok si Sun hindi mo kilala?"

"Magtatanong ba ako kong alam ko?"

"Ok bibigyan kita ng Clue... Gwapo siya Hot tapos malaging nakangiti"

"Mas Gwapo pa rin ako saka mas Hot saka alam mo ang mga lalaking palangiti bakla yan panigurado" i chuckle

"Bakla? OA mo naman hindi ba pweding masiyahin lang siya?"

"Ang lalaki kasi hindi yan palangiti kasi gusto nila yung Cool sila tingnan"

"Mukha mo"

"Gwapo?"

"Ugok, tara na nga baka maiwan pa tayo"

"Sabihin mo muna sino yang Sun na yan ha?"

"Hindi mo talaga alam?" Umiling naman siya na parang bata

"Bumalik ka nga sa pagiging Kinder Sun lang hindi mo pa alam"

"Ha? Hindi ko kilala yang Sun tapos babalik ako ng kinder? So you mean he's a teacher?" Napa face palm nalang ako

"Ugok ka talaga kahit kailan, Araw yung ibig kong sabihin si Haring Araw"

"Ahh Sun ,paano kong gumawa kaya tayo ng Son?"

"Tumahimik ka"

"Ayaw mo non?"

"Shut up Ethan"

"Huy Danna Ethan ,dyan nalang kayo?"

"Panira kayo eh gumagawa pa kami ng Son este pinag-uusapan namin si Son i mean Sun oo Araw" pahamak talaga tong Ethan na ito baka ano pang isipin nila

"Wag kayong maniwala diyan sa Ethan na yan"

"Sakay na kayo para maka-alis na tayo Traffic pa naman"

"Yes Driver Van"

"Aba Danna ma-driver ka diyan ,tadyakan kita eh saka gawing Done" tapos ayun nag-tawanan sila Drake ayy andito na pala sila?

"Ikaw kasi eh" ani ko at sinuntok si Ethan

"Oh bakit? Anong ako?"

"Ang daldal mo kasi eh"

"Ha? Anong pinag-sasabi mo?"

"Bakit mo sinabing Done ang pangalan ko nong high-school pa tayo"

"Yun ang sabi mo eh, saka d ba sabi mo Im Done—"

"Tumahimik ka na nga lang at buhatin na yang maleta"

"Wag masyadong mainit ang ulo Bebe ko" ani niya saka ko hinalikan sa Cheeks at binuhat na niya ang maleta pumasok naman ako sa Van at sinalapak na sa Tainga ko ang Headphone

"Galit ka ba saakin Bebe ko?"

"Ha? May sinasabi ka?"

"Ang sabi ko galit kaba saakin" hindi ko marinig ang sinabi niya kaya tiningnan ko ang baba niya

"Gamit?" Kunot-noong tanong ko, bumuntong hininga naman siya saka kinuha ang headphone sa tainga ko

"Ang sabi ko galit ka ba saakin"

"Ahh, hindi naman bakit?"

"Wala" ani niya at binalik na ang Headphone sa tainga ko, pumikit naman ako at sinandal ang ulo sa Ulo niya, matutulog na muna ako

✂-------------

Thank you sa mga nag-aantay ng Update ko. Nagustuhan niyo ba? Ok lang ba? Hindi ba lame ang Chapter? Anyway bukas nalang ulit ang Update dahil medyo busy pa ako sa School.

Yun lang thank you ulit sa pag-babasa kong meron man! Haha

~iKeyshia

The Fight And SacrificeWhere stories live. Discover now