Chapter 24

1.9K 70 4
                                    

Danna's Pov

"Im sorry.....Edrian" napayuko ako

"A-anong ibig mong sabihin Na?" Para siyang naging Semento dahil sa sinabi ko

"Nanghihingi ka ng paumanhin dahil sa lalaking iyan naputol ang ating kasal? Am I right Na?....ohh no need to apologize Na i understand at saka pareho naman nating hindi gusto na maputol ang kasal d ba?"

"Im so sorry Edrian pero mali ang iniisip mo...Una palang hindi kita Mahal Edrian im sorry kung ginawa kitang panakip butas hindi ko iyon sinasadya pero napagtanto kong kahit anong pilit ko sa sarili ko lalong lalo na sa isip ko hindi ko talaga kayang isipin na mahal kita dahil ang laman lagi ng puso at isipan ko ay si Ethan....sana mapatawad mo pa ako Edrian" agad na dumapo ang kamay ng Mom ni Edrian sa aking pisngi

"Napa-kawalang hiya mo! Mangagamit ka! Ginamit mo ang anak ko para Makapasok ka sa U.D tapos ngayon gagamitin mo na naman ang anak ko para sa pag-mo-move on mong malandi ka!?"

Sumikip ang aking puso dahil sa mga binitawang salita ng mom ni Edrian. Napakasakit pero kailangan kong tanggapin ang katutuhan. Yun naman talaga ang sasabihin niya d ba? Alangan namang magpasalamat siya dahil ginamit ko ang anak niya.

"I-ibig mong sabihin Danna...m-mahal mo pa din ako?"

"Kahit minsan Ethan hindi ka nawala sa isipan ko" mangiyak-ngiyak na sabi ko agad naman siyang tumayo at niyakap ako peo agad rin siyang bumulagta sa lupa dahil sa lakas ng suntok ni Edrian

"Edrian!" Sigaw ko. Hindi ako makapaniwalang nagawa niyang saktan si Ethan. Hindi na talaga siya ang Edrian na nakilala ko

"Bakit ba lagi kang umeepal? Iniwan mo na si Danna tapos babalikan mo na naman? Bakit ha!? Nag-sawa ka na sa babae mo?"

"At ikaw naman pagkatapos mo akong gamitin sa tingin mo wala iyong kapalit? Pagkatapos mo akong gawing panakip butas hahayaan ko nalang kayo? No way! Nakamit ko na ang dati kong hinahangad at hindi ko na hahayaang mawala pa ito sa kamay ko magpapakasal tayo sa ayaw at sa gusto mo" saka niya hinila ang braso ko

"Hindi nga kasi kita mahal"

"Hayup kang babae ka! Napakalandi mo! Manggagamit! Ang dapat sayo ay ang mabulok sa bilangguan!" Sigaw ng mom ni Edrian. Napapikit ako ng mariin

"Kaladkarin palabas iyang babaeng 'yan" sigaw ng mom ni Edrian sa mga Guards na lumapit saamin pero laking gulat namin ng lapitan siya ng mga ito at hinawakan sa magkabilang balikat

"Mga bobo ang sabi ko yang babaeng iyan ang damputin niyo at hindi ako!" Galit na giit ng mom ni Edrian

"Anong hindi ikaw?" Isang pamilyar na boses

"E-evilyn?" Di makapaniwalang tanong ng mom ni Edrian at pansin ko pang namumutla ito

"Manggamit? Hindi ba ikaw iyon?" Ngumisi pa ang mom ni Ethan pero pansin kong sa ngisi niyang iyon ay may halong lungkot. Ano bang meron sila?

"Hindi ako manggamit!"

"C'mmon wag na tayong maglukuhan rito..
Alam mo sa sarili mong manggagamit ka't sinungaling" mas lalong nalungkot ang mga mata ni Maam Evelyn. Nagtataka ako at ang ibang tao dahil sa eksena

"Hindi ako manggagamit at sinungaling!" Parang naiiyak na ang mom ni Edrian pero pinipigilan niya lang ito

"Hindi ba ginamit mo iyang anak mo sa pamilya ko?"

Mas lalo akong naguluhan dahil sa sinabi ng mom ni Ethan. Ginamit ng Mom ni Edrian si Edrian laban sa pamilya nila Ethan? Naguguluhan ako pati na rin si Ethan at ang mga tao pati Parents ko nakakunot ang mga noo na tila naghahanap ng sagot at paliwanag kong ano nga ba ang pinagsasabi nila

"Hindi ko ginamit si Edrian...totoong anak niya iyan" bumuhos na ang luha na kanina pa pinipigilan ng mom ni Edrian. Kimunot ang noo ni Edrian dahil sa sinabi ng mom niya

"Hindi mo parin ba matanggap sa sarili mo ang katutuhanan? Na nabuntis ka sa lalaking hindi mo kilala?" Mas lalong kumunot ang noo ko. Ibig sabihin anak sa labas si Edrian? Hindi niya tunay na ama iyong kinilala niyang ama ngayon?

"Pagkakamali iyon wag mo ng ungkatin pa!" Madiin na sabi ng mom ni Edrian

"Hindi ba ginamit mo si Edrian para makakuha ng yaman galing sa pamilya namin? Hindi ba naging kabit ka ng aswa ko na pera lang ang habol at kasikatan ng asawa ko? At dahil may nangyari sa inyo isang beses at nabuntis ka ilang araw eh pinapanagutan mo iyon sa asawa ko? Pero ang hindi mo alam pinasundan na kita non at pinaimbestigahan at nalaman kong nagpatira ka ng isa pang lalaki at sinabing buntisin mo ako at dahil nabuntis ka nga kaya ka yumaman dahil sa naangkin mong yaman ng pamilya namin at andito ako sa harapan mo para bawiin lahat ng yaman namin" mas lalong namutla ang mom ni Edrian

"Huwag Evelyn...maawa ka...sorry kong nabulag ako sa pera pasensya" lumuhod pa ang mom ni Edrian habang umiiyak

"M-mom?" Sambit ni Edrian

"Ngayon saan na kayo pupulutin? Wala na ang mansyon niyo dahil amin yun at lahat ng yaman na galing sa pamilya namin ay nabawi ko na" ani ng mom ni Ethan

"Huwag Evelyn...parang awa mo na..
Wala na kaming mapupuntahan ng dalawa kong anak"

"Hindi mo ako anak" cold na sabi ni Edrian

"A-anong pinagsasabi mo E-edrian? Anak?"

"Huwag mo akong tawaging Anak! Hindi mo ako anak! Wala akong inang katulad mo!" Ani ni Edrian saka umalis

"Maawa ka Evelyn maawa ka saakin"

"Bakit? Naawa ka rin ba saakin noon? Nong nagmakaawa ba ako sayo naawa ka? Hindi d ba? Kaya hindi din ako maawa sa isang katulad mo na panira ng pamilya"

Ngayon alam ko na kung bakit noon nagawa iyon ng Mom ni Ethan. Kong bakit niya ako binigyan ng pera at sinabihang pera lang ang habol ko sa anak niya ay dahil nangyari iyon sa kanya. Naiintindihan ko siya. Siguro'y na trauma lang siya oh d kaya ayaw niyang mangyari iyon sa anak niya

Kinaladkad na paalis ang mom ni Edrian. Tumingin saakin ang mom ni Ethan at ngumiti then she mouthed

"Im sorry and i hope you'll forgive me someday" tapos tumingin rin siya kay Ethan at ngumiti din

The Fight And SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon