CHAPTER 54: Vacation

Start from the beginning
                                    

"Matulog ka muna para mawala yang pagod mo." Aniya.

"Opo."

Nang makarating kami sa house resort ay namangha kami sa ganda ng disenyo ng bahay. Elegante at sobrang peaceful ng dating. Naroon yung tito ni Suho. Binati namin siya at winelcome naman niya kami.

Anim na kwarto lang ang meron kaya naman tatlong room sa babae at tatlo rin sa lalaki. Kaming girls ay tig-tatatlo sa isang kwarto. Sa boys naman ay tig-aapat sa isang kwarto.

Si Tiffany at Jessica ang kasama ko sa kwarto. Sa Yoona, Yuri, Hyoyeon sa isa pang kwarto at sila Seohyun, Sunny at Sooyoung naman sa isa. Sa boys, ewan ko lang. Bahala na sila, pagod na ako at gusto ko pang matulog.

"Akyat na muna kami." Pag-papaalam ko kay Baekhyun. Nag-half smile siya atsaka hinalikan ang noo ko.

"Sige, magpahinga ka na po."

Nang makapasok kami sa kwarto ay nahiga agad ako sa kama. Tinabihan naman ako ni Jessica. Si Tiffany naman ay pumunta ng banyo. Isang king sized bed ang hinihigaan namin, kasya naman siguro kaming tatlo dito.

"I'm so tired." Ani ni Jessica nang nakapikit.

"Magpalit ka muna bago ka matulog. Mahirap matulog ng naka-pants." Sabi ko. Ako naman, tinatamad nako magpalit. Ayos lang naman sakin tong leggings ko.

"Okay." Tumayo siya pagkalabas ni Tiffany ng cr at siya naman ang gumamit ng banyo. Humiga si Tiff sa tabi ko. Niyakap niya ako.

"Tulog me ah." Sabi niya.

Lumabas si Jessica ng banyo at pumagitna sa aming dalawa.

"Yakaaap ko si taeng eh!!" Sabi ni Tiffany.

"Idc."

Idc pala ha? Nagkatinginan kami ni Tiff at sabay kaming tumango.

"What the.." niyakap naman si Jessica ng mahigpit, as in mahigpit.

"the f--"

"Tulog na tayo!!"

--

Nauna akong nagising sa dalawa. Maaga pa at naglalakad-lakad kami ni Baekhyun. Nakayapak ako at dinadama ang buhangin, ganun din si Baek.

"Mamaya doon daw tayo sa may wind mills, emeged, excited na ko." Sabi ni Baekhyun.

"Para kang bakla, tigilan mo nga!" Natatawa kong sabi. Hindi niya yon pinansin at mas lalo niyang hinigpitan ang pagkaka-akbay sakin.

"Hindi ka makakawala sakin ngayon mahal, ang ikli ng suot mo. Sakin ka lang didikit ha?" Aniya.

At tinotoo niya nga. Kahit saan kami huminto at pumunta ay naka-akbay lang siya sakin o 'di kaya nasa bewang ko ang braso niya.

Ngumiti sakin yung isang lalaking foreigner na nakasalubong namin. Ang pogi. Pero syempre 'di ko nginitian pabalik.

"What the.." Nilingon ni Baek yung lalaki.

"Hoy, tumigil ka dyan." Suway ko agad.

"Nginitian ka bes eh?" Hinampas ko siya sa braso. Siraulo 'to.

"Oh ano ngayon? Normal lang yon kasi maganda ko--"

"Tapos ngingitian mo naman pabalik?"

"Wao ha, nakita mo bang nginitian ko rin?"

Tumahimik naman siya doon.

"Hindi po. Pero subukan mong ngumiti pabalik, nako Kim Taeyeon lagot ka sakin." Ginulo niya ang buhok ko

When They Meet Each Other [ExoShidae]Where stories live. Discover now