Chapter Twenty One: Unexpected Confession

Start from the beginning
                                    

"It's okay, Tita!" Nang sumulpot ako ay nakapagpalit na ako ng damit. "I forgot to inform you, may lakad po pala kami ni Jared ngayon."

Nagdududa na tinignan ako ni Mommy. "Saan naman ang lakad ninyo?"

"May lunch date kaming dalawa." Lumapit ako kay Jared at kumapit sa braso niya. "We got to go. Mom, Tita! Bye!" At hinila ko na siya palabas bago pa nila kami pigilan.

"Pinapunta mo lang ako rito para takasan sila?" Nakapameywang na tanong ni Jared nang tuluyan kaming makalabas ng boutique. I had to admit, ako nga ang tumawag at nagpapunta sa kanya roon. Iyon lang kasi ang naisip kong paraan.

I gave him my sweetest smile. "Wala akong choice. At saka sabi mo naman kanina hindi ka busy."

Napakamot siya ng ulo. "Haist! Bakit ba ako nagpauto sa'yo?"

"sorry kung naabala kita. Promise, last na ito!" At nag-peace sign ako sa harapan niya.

Inirapan lang ako ng loko. Nagtatampo na siya ng lagay na iyon.

"Bumalik ka na sa office mo." Itinulak ko na siya patungo sa nakaparada niyang kotse. "Aalis na rin ako." 

Ngunit bigla siyang pumihit paharap sa akin. "Pagkatapos mo akong pakinabangan paalisin mo ako. No way!" Then he grabbed my hand. "Sinabi mo rin lang na may lunch date tayo, ituloy na natin."

"As in now?"

"As in now! Dahil iniistorbo mo ako dapat lang na i-treat mo ako ng lunch."

"Jared, wala akong pera." Ngunit tila wala siyang narinig at patuloy sa paghila sa akin. "Fine! Ililibre na kita ng lunch. But in one condition." Doon lamang siya huminto at lumingon sa akin. "Ang motorbike ko ang gagamitin natin." Ang tinutukoy ko ay ang Ducatti superbike ko na hindi naibenta noon ni Jianne.

"I don't think it's a good idea." He whispered while wearing his helmet. Mabuti na lang at may dala akong extra para may magamit siya.

"Hindi kita pipilitin kung ayaw mong sumakay." Obyus naman na napipilitan lang siya. Kung tama ang hinala ko baka ito pa ang unang pagkakataon na makakaangkas siya ng motorsiklo. "Iyon nga lang hindi kita mati-treat ng lunch."

"Sabi ko nga!" At saka mabilis na umangkas sa likuran ko. Ngunit pag-start ko ng engine ay mabilis siyang kumapit nang mahigpit sa katawan ko.

"Easy ka lang, Jared! Baka mamatay ako sa suffocation bago pa man tayo makaalis dito."

"Sensya na, excited eh!" He laughed. Nakaramdaman kong lumuwag ang pagkakakapit niya.

"Relax! Safe tayong makakarating sa pupuntahan natin. Just stay put."

"Hindi iyon ang inaaalala ko. Ang inaalala ko ay baka pagtripan mo lang ako."

Next Time I Fall In Love (Soon To Be Published)Where stories live. Discover now