This Kiss

75 2 0
                                    

TWENTIETH DAY

Bagama't Sabado at walang pasok ay bumangon pa rin ako ng maaga. May sinat pa rin ako ngunit medyo maayos na ang pakiramdam ko kumpara kahapon. Bago umalis ng dorm kagabi si Chad ay sinabihan niya akong walang problema kung hindi ako makakanood ng laro nila ngayon, mas importante raw na magpahinga ako, pero pinakiramdaman ko namang mabuti ang sarili ko at masasabing kong kaya na ng katawan ko ang gumala. Naisip ko rin namang hindi naman ako mapapagod kung manonood lang naman ako ng basketball at magchi-cheer ng kaunti. At isa pa excited rin talaga akong mapanood maglaro ulit si Chad.
10am ang schedule na laro nina Chad. Past 10 na ng dumating ako sa school. Agad akong tumungo sa basketball court at gaya ng inaasahan ko, maraming tao roon. Agad kong hinanap si Chad sa mga naglalaro ngunit hindi ko siya makita. Pinagmasdan kong mabuti ang mga players at napansin kong hindi pamilyar ang mga hitsura nito. Nang tingnan ko ang score board ay nakita kong ibang mga teams pa pala ang naglalaro. Overtime. Iyon ang nakalagay sa score board. Muli kong ginawi ang mga mata ko sa mga manlalaro at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita ko ang isang pamilyar na mukha. Hindi ako nagkakamali si Bryan ang isa sa mga players na naglalaro. Makati National College. Iyon ang uniporme nitong suot. Muli kong naalala yung nangyari sa amin sa Tagaytay. Hindi pa nga pala naikukwento sa akin ni Chad ang tungkol kay Bryan at sa kapatid nitong ex niya na si Joana.
"Chandy!!" Sigaw ng isang babae na kumuha ng atensiyon ko. At ng lingunin ko ay nakita kong si Lulu na kinakawayan ako at pinapatabi sa bakanteng espasyo sa kinauupuan niya.
Agad naman akong lumapit upang tumabi sa kanya.
"Cheering for your boyfriend, of course." Nakangiting sabi sa akin ni Lulu. Tanging ngiti lang din ang isinagot ko.
"Bagay kayo. Pogi siya at maganda ka naman." Dugtong ni Lulu.
Isang halakhak lang ang isinagot ko sa sinabing 'yon ni Lulu.
"Bakit hindi ka naniniwala?" Natatawang tanong nito sa reaksiyon ko.
"Of course, naniniwala." Sagot ko na natatawa pa rin.
"Kala ko hindi eh. At 'yang si Chad ang mahilig talaga sa petite na maganda, tingnan mo ikaw at tingnan mo yung ex niyang si Joana." Anito sabay turo sa babaeng nakaupo ilang bangko lang ang layo sa kinaroroonan namin. "Actually, marami ang similarities ng physical appearance ninyong dalawa." Dugtong na sabi ni Lulu.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko matapos kong lingunin at makita ang babaeng itinuro ni Lulu. Magkahalong kaba, selos at pagkamangha. Kaba dahil hindi ko iniexpect na makikita ko ngayon si Joana. Selos dahil bagamat pareho daw kaming maganda na sabi ni Lulu, di hamak na mas maganda si Joana. Medyo hawig niya si Heart Evangelista at pagkamangha dahil totoo ang sinabi ni Lulu, dahil maliban sa mukha ay marami nga ang similarities ng physical appearance namin ni Joana. Height, built, lips, nose at boobs na hindi kalakihan. Mata lang ang ipinagkaiba namin dahil medyo chinita siya samantalang akin naman ay bilugan na mala Amanda Seyfried, medyo maliit lang ng kaunti.
At dahil nga sa mga nakita kong similarities naming dalawa ay kung ano-ano na ang pumasok sa isip ko. Isa na rito ang isipin na kaya siguro ako nagustuhan ni Chad ay dahil may hawig ako sa ex niyang si Joana. At dahil nga sa kung ano-anong iniisip ko hindi ko tila hindi ko na naintindihan pa ang iba pang mga sinabi ni Lulu.
"Huy! Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Lulu.
Agad akong tumingin sa kanya at tumango. Sinamahan ko na rin ng ngiti para hindi obvious na pre-occupied ang isip ko.
"Ayan na tapos na ang laban. Ang galing rin talaga ng MCN." Ani Lulu. "Magaling rin talaga maglaro si Bryan. Siya halos umiskor sa team nila." Dugtong nito.
Muli kong tiningnan ang score board at noon ko lang napansin na six points ang lamang ng MNC sa kalaban nitong Pasig City College. Pagkatapos ay muli kong ibinaling ang tingin ko kay Joana na noon ay nakatayo na at pababa na ng hagdan upang lapitan ang kapatid na si Bryan. Ilang sandali pa ay magkasama na ang magkapatid kasama ng team nito sa gilid ng court at nagtatawanan. Siya namang papasok ng team nina Chad para maghanda sa laban nito na susunod na.
Mula sa kinauupuan ko na nasa ikatlong baitang ng hagdan ay natanaw kong pumasok na ng court si Chad kasama ng team nito. Sa simula ay bakas ang aliwalas sa mukha ni Chad ngunit agad itong nagbago ng magtama ang mga mata nila ni Bryan. Naging seryoso ang mukha ng dalawa, lalo na ang hitsura ni Bryan na biglang tumalim ang mga mata. Pagkatapos ay ibinaling nito ang tingin sa kapatid niya. Ganoon na lamang ang hitsura ni Chad ng makita  si Joana tila bahagyang nagulat ito ng makita ang ex, pagkatapos ay yumuko ito.
"Chad!!" Tili ng katabi kong si Lulu sabay kaway. Agad namang iniangat ni Chad ang ulo at agad nahanap ang kinaroroonan namin. Sa totoo lang kung ako lang mag-isa pagkatapos kong makita ang nangyaring tagpo nina Chad at Joana ay hindi ko muna tatawagin si Chad, hindi ko muna ipapaalam na naroon ako upang manood ng laban niya, kunwari ay dumating ako sa kalagitnaan ng laro niya, kunwari wala akong nakita kanina, pero hindi, dahil katabi ko si Lulu na hindi maitago ang excitement na ipaalam na katabi niya ngayon ang "girlfriend" ni Chad. Agad naman kaming nakita ni Chad pagkarinig nito ng tawag. Ilang sandali pa ay seryoso ang mukha nitong tumakbo papalapit sa amin.
"Oh bakit nandito ka? Diba sabi ko sa'yo mas importanteng nagpapahinga ka?" Seryosong tanong nito.
"Okay lang, wala na naman akong lagnat." Sagot ko.
"Makulit ka rin talaga baby ko eh, ano?" Seryoso pa ring sabi ni Chad.
"Chad?" Iyon na lang ang nasabi ko.
"Wait lang." Ani Chad at tumalikod ito at tumakbo palayo. Pagkalipas ng ilang sandali ay tumatakbo na itong pabalik may bitbit na itong dalawang Bottled Water at isang Gatorade.
"Oh ayan, ikaw na uminom ng Gatorade ko, mas kailangan mo 'yan. Tapos ito magtubig ka rin after." Sabay abot sa akin ng Gatorade at bottled water. "Sa'yo Lulu, bottled water lang, isa lang Gatorade ko eh." Ani Chad.
"I understand." Natatawang sabi ni Lulu.
"Eh ikaw anong iinumin mo?" Comcern kong tanong kay Chad.
"Huwag kang mag-alala, malakas itong boyfriend mo." Ani Chad sabay ngiti at kindat sa akin.
"Chad?" Iyon na lang ulit ang nasabi ko.
"Basta baby, relax ka lang diyan. I understand kahit hindi ka mag-cheer ng malakas." Nakangiting sabi sa akin ni Chad sabay hawak sa pisngi ko.
"Ang OA mo, nilagnat lang ako kahapon at pawala na kaya ngayon." Sagot ko.
"Alam mo bang may itinuro pala sa akin si ate kahapon, isang paraan para daw tuluyang mawala yung lagnat mo. At naniniwala akong effective. Basta kapag ginawa ko raw yon dapat may permiso ang may sakit. Gusto mo bang malaman?"
"Oh ano daw 'yon?" Tanong ko.
"Ang tanong may permiso ba ako?"
"Eh ano ba kasi 'yon?" Muli kong tanong.
"Akin na kamay mo, hahawakan ko." Ani Chad. Iniabot ko naman ang kamay ko sa kanya, nagiisip kung anong gagawin niya rito. "Oh ano, may permiso na ba ako?"
"Okay, hawak mo na kamay ko, malamang meron na." Sagot ko na nag-iisip pa rin sa gagawin niya.
"Okay." Ani Chad sabay halik sa gilid ng mga labi ko. "Kisspirin daw tawag doon." Nangingiting sabi niya pagkatapos, na ang mukha ay halos dikit pa rin sa mukha ko. Katunayan nga ay naamoy ko pa ang mabango niyang hininga.
"Ninakawan mo ako ng halik?" Magkahalong gulat at kilig na sabi ko. Bagamat hindi naman ito ang first kiss ko, may kakaibang kuryente pa rin akong naramdaman. Pagkatapos nga noon ay parang may nalasahan akong tamis.
"Hoy, binigyan mo ako ng permiso!" Natatawang sabi niya.
"Akala ko kasi may gagawin ka doon sa kamay ko?"
"Hahaha! Front ko lang 'yon." Natatawa niyang sabi.
"Yari ka sa akin." Kunwaring seryoso kong sabi sa kanya.
"Mamaya mo na ako gantihan ng halik." Ani Chad sabay talikod. Ilang sandali pa ay tumatakbo na itong papunta sa kanyang team. At ng kasama na niya ang kanyang team ay muling tumingin sa amin si Chad at kumaway. Pagkatapos ay ibinaling nito ang tingin kay Joana na ibinaling naman ang tingin sa akin na nagbigay sa akin ng kaunting discomfort. Agad kong inalis ang mga mata ko mula sa pagkakatingin kay Joana.
"Pasalamat kayo, maganda ka at guwapo si Chad, kaya ayos pa rin sa paningin yung mga pabebe ninyo kanina." Natatawang sabi ni Lulu. "May nakaw na halik ka pang nalalaman diyan. First time?" Dugtong nito.
Tinawanan ko lang ang sinabi ni Lulu. "Kung alam mo lang." Iyon na lang ang nasabi ko sa sarili.
Bagamat nanalo sa laban nila ng basketball sina Chad, grabe namang depensa ang ginawa nila. At bagamat ngingiti-ngiti si Chad habang naglalaro ng basketball kanina, bakas sa mukha niya at alam ko ring may bumabagabag sa kanya. At malakas ang pakiramdam kong may kinalaman iyon sa pagkikita nila kanina ni Joana.

TWENTY FIRST DAY

Noong mga unang araw ng pagkakakilala namin ni Chad ay nabanggit na niya sa aking hindi siya klase ng taong palasimba ngunit naniniwala siya at may takot siya sa Diyos. Kaya naman hindi ako umaasa na sasama siya sa akin magsimba ng ayain ko siya. Ganoon na lang ang tuwa ko ng umoo siya.
"Would you believe na sa tagal ko ng hindi nagsisimba hindi ko na alam yung pag kakasunod-sunod ng program." Natatawa niyang sabi.
"Hindi naman mahalaga 'yon. Ang mahalaga sa Diyos binisita at kinausap mo siya sa bahay niya." Sabi ko kay Chad.
Tanging ngiti lang ang isinagot niya.
"Chad, can I ask you a question?" Tanong ko kay Chad ng makalabas na kami ng simbahan bagamat nagdadalawang isip talaga akong tanungin siya.
"Anything." Sagot niya.
"What happened to you and Joana." Diretsa kong tanong na nakatingin sa kanyang mga mata.
Huminga muna ng malalim si Chad bago siya nagsalita. "Do you really wanna know?" Tanong ni Chad.
Tumango ako.
"Sasabihin ko sa'yo ito because I want to be honest with you. Sooner or later malalaman mo rin naman ito at gusto kong sa akin na manggaling."
"Okay." Iyon lang ang nasabi ko sabay tango ulit.
"Bryan and I used to be good friends. At dahil sa kanya kaya naging kami ng kapatid niyang si Joana, na siyang first girlfriend ko. At first I thought everyone in their family likes me, kasi tuwing bumibisita ako sa kanila maayos naman pakikitungo nila. Yun pala si Bryan lang ang gusto ako para kay Joana, dahil yung parents niya at iba pa niyang nakakatandang kapatid hindi ako gusto. Noong una kunwari, sasabihin nilang mga bata pa kami kaya huwag masyadong seryosohin ang pag-ibig, yun pala may mas gusto silang klase ng tao para kay Joana." Malungkot na simula ng pagkukuwento ni Chad na seryoso kong pinakikinggan.
"They tried to do a lot of things mapaghiwalay lang kami. Ni hindi nga nila ako ininvite sa debut party that they've prepared for Joana. Salamat sa facebook, doon ko nakita mga pictures ni Joana being paired with Martin, anak ng isang Filipino-Chinese businessman. I confronted Joana about Martin after, then she told me na pinagkasundo raw sila ng pamilya niya sa pamilya nito at wala raw siyang magawa, at that time hindi raw niya alam kung ano gagawin niya. I got jealous and hurt dahil hindi niya ako nakuhang ipaglaban. Hanggang sa nag-away kami at marami pang sumunod na nangyari. Then we decided to break-up. It was a very difficult time for me. Sobrang nasaktan ako. Doon ko naisip na gumawa ng isang bagay na hanggang ngayon pinagsisihan ko. I used Jodie para pagselosin si Joana. And effective naman because she got jealous. Hindi ko lang iniexpect na yung selos ni Joana ay aabot to the point na magco-commit siya ng suicide. Mabuti na lang naagapan, they were able to save her life. At dahil doon lalong hindi ako nagustuhan ng Pamilya ni Joana, pati si Bryan nagalit na rin sa akin. That's it." Malungkot na pagkukuwento ni Chad ngunit tinapos niya itong pilit ang ngiti. Hindi ako makapaniwala sa kwento niya. For his age, 19, may ganoong drama ng buhay na pala siyang pinagdaanan. At dahil na rin naging honest si Chad sa akin kaya naman naging honest na rin ako sa mga sumunod kong tanong sa kanya. "Do you still love her?"
"Hindi naman nawawala ang love mo sa isang tao diba? Nabawasan? Oo, pero hindi nawala." Nakangiti niyang sagot. "At natatabunan rin ng ibang pag-ibig." Dugtong niya sabay tingin sa akin.
"Ako ba yung tinutukoy mo diyan?" Tanong ko.
"Alam mo ikaw, mahilig kang mag-verify ng mga obvious statements."
"Mahirap na mag-assume." Nakangiti kong sabi. "Pero hindi kaya nagustuhan mo lang ako dahil malaki ang similarity namin ni Joana?"
"Hindi ba pwedeng nagkataon lang, o di kaya'y mga petite talagang klase ng babae ang tipo ko?"
"Nagtatanong lang po."
"Kung iniisip mong nagustuhan kita dahil naaalala ko sa'yo si Joana, trust me hindi. Gusto kita sa ibang paraan."
"Sa anong paraan?"
"Sa paraang hindi ko kayang ipaliwanag, dahil sabi nila ang tunay na pag-ibig walang dahilan at mahirap ipaliwanag." Ani Chad sabay hawak sa aking kamay at halik dito. "Kaya kung ako sa'yo sagutin mo na ako.
Tiningnan ko si Chad at tumungkod kasabay ng paghawak sa ulo nito para ibaba at binigyan ko siya ng halik sa pisngi. "Malapit na because I am falling in love with you na." Tapat kong sabi sa kanya. Nagkabangga ang aming mga mata at sabay na ngumiti. Siya hindi ko alam kung bakit, pero ako dahil sa kilig. At saan ka nakakita ng mag-MU na may kissing moments na? I really believe I like Chad.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Aug 16, 2016 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

CHAD & CHANDYDonde viven las historias. Descúbrelo ahora