When Harry Met Chandy

70 1 0
                                    

THIRTEENTH DAY

"Sabi ko naman kasi sa'yo huwag mo na akong sunduin eh, naghintay ka tuloy ngayon." Sabi ko kay Harry na halos isang oras na naghintay sa akin sa sala ng dorm na tinitirahan ko.
"Sus, kahit mag-extend ka pa ng isa pang oras walang problema." Nakangiting sagot ni Harry.
"Loko mo. Oh siya, halika na." Nakangiti kong aya sa kanya. "Iba na talaga ang japorms natin ngayon ah? City boy na. At nagbabrushed-up ka na ng buhok." Sabi kong pabiro na ikinatawa ni Harry. Kilala kasi siya sa lugar namin na parating naka-crew cut. At simula ng makilala ko siya, hindi ko siya nakitaan ng bangs. Iyon kasi ang gustong buhok ng tatay niyang security guard para sa kanya. At bukod sa buhok ay malaki rin ang ipinagbago ng pangangatawan nito. Kung dati ay hanggang tenga niya ang taas ko, ngayon ay hanggang balikat niya na lang ako. Kapansin-pansin din ang pagiging maskulado ng katawan nito na tulad ng sa katawan ni Chad sa suot nitong fit na plain white t-shirt.
"Siyempre naman Manila Boy na ako eh." Ani Harry sabay tawa na lalong nagpasingkit sa kanyang mga mata.
"O siya Manila Boy, ano bang plano natin ngayon?" Tanong ko.
"We will watch a movie." Nakangiti nitong sagot.
"Ay gusto ko 'yan." Sabi ko.
"I know." Ani Harry sabay taas ng magkaparehong kilay nito.

Sa Eastwood kami nagpunta ni Harry para manood ng sine. At Crimson Peak ang pamagat ng pelikulang napagkasunduan naming panoorin.
"The movie is good but nothing compared to Pans Labyrinth." Pagkukumpara ni Harry sa pelikulang pinanood namin sa pelikulang Pans Labyrinth. Iisa lang kasi ang director ng dalawang pelikula, si Guillermo Del Torro.
"I agree with you. Pero naenjoy ko ang Crimson Peak. Gusto ko yung romance, goth at twist ng pelikula. To be honest I love it." Pag-amin ko kay Harry. "At aminin mo may part na natakot ka? Yung sa simula, narinig kong sumigaw ka?"
"Grabe naman, hindi naman natakot, nagulat lang. Nabigla kasi ako." Natatawang sabi ni Harry. "Kasi naman fini-fee ko talaga yung movie." Depensa niya at pagkatapos ay nagbigay rin ng marami pang punto niya si Harry. Medyo on the technical side ng movie ang inexplain niya. And that's what I like about Harry kapag movie ang pinaguusapan. Magaling siyang mag-explain. Ramdam mo yung hilig at passion niya sa movies. Kaya magkasundong-magkasundo kami dahil isa ang pelikula sa marami naming parehong kinahihiligan.
Bigla ko tuloy naalala noong 4th Year High School kami ng pareho kaming mag dahilan  na may sakit huwag lang pumasok sa afternoon class  ng PE namin makanood lang ng pelikulang 'Gravity'. Nag dahilan akong may dysmenorrhea at si Harry naman ay migraine mabigyan lang ng excuse letter from the clinic. At ng bigyan nga kami ng excuse letter ng clinic ay diretso agad kaming dalawa ng sinehan. At pagkatapos manood, as expected, balitaktakan at palitan kaming dalawa ng kuro-kuro tungkol sa pelikula.

"Wait here, aalis lang ako saglit and I'll be right back." Paalam sa akin ni Harry. Agad naman akong tumango at pagkatapos ay agad tumalikod si Harry at lumakad palayo. Habang pinagmamasdan ko siyang lumalakad ay biglang sumagi sa isip ko ang ilan pang mga masasayang memories namin ni Harry. Medyo marami dahil mula ng maging magkaklase kami ng Grade 2 ay naging magkaibigan na kami. Kung hindi nga lang namatay yung tatay niya after high school graduation namin hindi kami magkakahiwalay. Marahil hindi rin hihinto ng pag-aaral niya si Harry at hindi rin sila lilipat ng ibang bayan . At malamang sa malamang magkasama kaming lumuwas ng Manila para dito mag-aral. Unlike me na Third year college na, first year college pa lang si Harry. Siguro dahil matalino at may hitsura kaya tinanggap si Harry bilang waiter sa restaurant niyang pinagtatrabahuhan. Nasa ganoon akong pagmumuni-muni ng biglang mag ring ang aking cellphone. Ganoon na lang ang ngiti ko ng makita ko ang pangalan ni Chad na siyang tumatawag.
"Hello Chan! How's your day?"
Tanong ni Chad sa medyo may kababaang boses.
"So far so good." Sagot ko.
"That's good." Ani Chad na bagamat sinubukan gawing masaya yung boses niya bakas ko pa rin ang pagkapilit nito. "Anong ginagawa ninyo ngayon ni Harry?"
"Well, katatapos lang namin manood ng Crimson Peak at ngayon hinihintay ko lang siya may pinuntahan sandali."
"Ah ganun ba?" Si Chad.
"Eh ikaw, how's your day?" Tanong ko sa kanya.
"Boring. I feel incomplete." Sagot niya
"Bakit naman?" Tanong ko.
"Because I'm not with you. And I miss you." Medyo seryosong tinig ni Chad.
"Naks! Mga banat? Magkikita kaya tayo bukas."
"I know. And I'm so excited about it. Pero ewan ko ba, I'm feeling kinda jealous right now." Pagtatapat niya.
"With Harry?" Natatawa kong tanong. "Chad, Harry is one of my closest friends if not my closest friend. Diba nasabi ko na sa'yo yan?"
"I know. But I can't help it. I'm jealous."
"Medyo ang ganda ko lang diyan. You know what you should do. Planuhin mo na yung lakad natin bukas, dahil like you, I'm excited too." Sabi ko.
"Okay, okay. Sige. I'll call you again later to let you know the plan."
"Okay." Sagot ko.
"I miss you."
"I miss you too." Medyo kinikilig kong sagot. "Anyway I have to go andito na si Harry." Paalam ko habang nakatingin ako kay Harry na papalapit sa akin na may bitbit na dalawang ice cream cone. At nagpaalam na rin sa kabilang linya si Chad.
"I know Vanilla is your favorite pero naisip kong baka gusto mo ng ibang flavor that's why bumili rin ako ng chocolate. Now you choose." Nakangiting tanong ni Harry.
"Vanilla." Nakangiti kong sagot sabay abot nito sa kamay ni Harry. Ngunit ewan ko ba, clumsy siguro ako kaya bahagyang dumulas yung ice cream sa kamay ko, mabuti na lang hindi ko nabitawan, yun nga lang natapon ang halos kalahati ng ice cream sa apa ko.
"Sorry." Agad kong paumanhin kay Harry. Kung bakit hindi ko alam.
"Don't worry, bibili na lang ulit tayo." Kalmadong sabi ni Harry.
"Naku huwag na, gagastos ka pa. Meron pa namang natira, okay na ito."
"Are you sure?" Paninigurado niya.
"Oo. Okay na 'to." Sagot ko.
"Knowing you, hindi ka rin papayag na magpalit tayo so I'll just share part of my ice cream with you." Ani Harry sabay dahan-dahang inilipat ang halos kalahati ng ice cream mula sa apa niya sa apa ko. At pagkatapos ay tiningnan ako nito at ngumiti at sinimulang kainin ang ice cream niya.

Naglakad-lakad muna kami ni Harry sa mall, window shopping habang pinaguusapan ang mga buhay-buhay ng mag-aya na siyang mag-dinner.
"Kakain tayo sa alam kong magugustuhan mo." Nakangiting sabi ni Chad at marahan nitong hinatak ang aking kamay. At wala naman akong nagawa kung hindi excited na sumunod.
Gano'n na lang ang abot tenga kung ngiti ng tumapat kami sa isang bar/restaurant na may nakalagay na 'Home of the best Sisig'. Ibang klase talaga itong si Harry hindi nakakalimutan ang mga favorites ko.
"You can choose pork, chicken, seafood etc. Marami silang klase ng sisig." Excited na sabi ni Harry.
"Hay naku Harry, you never fail! You're the best!" Natutuwa kong sabi kay Harry.
"I know."
"How did you find this place eh bago ka pa lang dito sa Manila?" Nagtataka kong tanong ng makapasok na kami sa loob at makaupo."
"Nakikita mo yung waiter na 'yon?" Ani Harry sabay kaway niya sa itinuturong lalaki na kumaway rin pabalik at nakangiting lumalakad papalapit sa amin. "That's Jun. Kasama ko sa dorm." Dugtong niya.
At ng nasa harapan na namin si Jun ay ipinakilala niya kami sa isa't-isa. Pagkatapos ng pagpapakilala ay kinuha na nito ang order namin.
Makalipas ang ilang sandali ay bumalik na si Jun dala-dala ang inorder namin. At ng sinimulan na naming kainin, hindi ako makapaniwala, totoong they have the Best Sisig nga.
"Sabi ko sa'yo eh." Pagmamalaking sabi ni Harry. "And you know the best part of it, aside sa masarap ito, mura na discounted pa. Thanks to Jun."
At hindi ko napigilang matawa sa sinabi ni Harry habang sarap na sarap na kumakain. Bukod sa sisig ang isa pang maganda sa lugar na ito ay ang live band na tumutugtog ng love songs habang kumakain kami.
"Okay po. Now it's time for our audience participation. Who wants to sing here on stage?" Nakangiting tanong ng bokalista.
"Me!" Sigaw ni Harry sabay taas ng kanang kamay. Gano'n na lang ang gulat ko.
"Wow! Kakanta ka?" Natatawa kong tanong.
"Anong ako? Tayo!" Natatawa ring sabi ni Harry sabay hatak sa akin patayo.
Noong una may pag-tanggi ako pero wala eh, nadala ng pilit. Kaya ayun nakita ko na lang ang sarili ko kasama ni Harry sa stage nagpapakilala at nakipagbiruan sa bokalista.
"Throwback Time. Let's go back 2013!" Ani Harry at kasabay noon ay pagtugtog ng intro ng kantang #Beautiful nina Miguel and Maria Carey.
Muli hindi ko napigilan ang mapangiti at bahagyang matawa. Yung kantang #Beautiful kasi ay yung kantang kinanta namin ni Harry ng mag duet kaming dalawa as special number namin para sa JS Prom. At isa pa ito sa marami naming hilig. Ang pagkanta. Pareho kaming marunong kumanta. Medyo lang naman.

♬You're beautiful
And your mind is fucking beautiful
And I can't pretend
That doesn't mean a thing to me.♬
I' have to admit, sobrang saya ng ginawa naming pagkanta sa stage. Nakakadala dahil sa overwhelming response ng audience. At dahil nga doon hanggang makauwi ng dorm ay ramdam ko ang saya.
"It was fun." Nakangiting sabi ko habang nakatayo kami sa harap ng pintuan ng dorm.
"Yes it was. And I'm happy you enjoyed it." Ani Harry.
"Oo naman." Sagot ko.
"So should we do it again?" Nakangiting tanong ni Harry.
"Please!!!" Natatawa kong sagot. And I'm being real about it.
At matapos noon ay masaya kaming nagpaalaman ni Harry sa isa't-isa.

Nakahiga na ako at nagpapaantok habang natatawang inaalala ang mga nangyari buong araw ng biglang mag-ring ang cellphone ko. Pagkuha ko ay nakita ko ang pangalan ni Harry.
"♬You're beautiful, good lord you're fuckin' beautiful♬" Ani Harry na biglang kumanta sa kabilang linya pagkatapos kong mag hello.
Nang tanungin ko siya kung bakit siya napatawag, sinabi niyang gusto niyang magpasalamat ulit sa pagsama ko at para sabihing he had fun din. At pagkatapos noon ay nag goodnight na kami sa isa't-isa. Ngunit wala pang isang minuto ay nag ring na naman ang cellphone ko at nang mag hello ako ay nagsimula na namang kumanta si Harry sa kabilang linya.
"Naku Harry tumigil ka na ng kakanta ng #Beautiful, nae-LSS na ako sa kantang 'yan."
"Ahahaha! O siya Goodnight ulit Chandara!!" Natatawang sabi ni Harry.
"Goodnight din Hilario!!" Sabi ko sabay tawa. At pagkatapos nga noon ay ibinaba na niya ang telepono. Ngunit sa muli, wala pang isang minuto ay nag ring na naman ang telepono ko kaya naman agad ko itong sinagot at sa halip na hello, kumanta na ako upang unahan si Harry.
"Sige na Harry, I know ♬I'm beautiful, good lord I'm fucking beautiful and you can't pretend that it doesn't mean a thing♬" Natatawa kong pagkanta.
"Ha? Harry said you're beautiful?" Sabi ng boses sa kabilang linya.
Ganoon na lang ang pagtataka ko ng marinig ko ang ibang boses. Tiningnan ko ang pangalang naka register sa phone. Chad.
"So Chandy nagkakantahan kayong dalawa ni Harry sa phone? Gano'n na ba ang usong pag-uusap ngayon?" Kalmado pero ramdam ko ang selos sa tinig ni Chad.
"Oh no. Hindi yon gano'n. Naglolokohan lang kami ni Harry. Basta I'll explain it to you later. Bakit ka nga pala napatawag?"
"Chandy diba I told you I'll call you to discuss our plan for tomorrow? Nakalimutan mo na?" May pagtatampong tanong ni Chad.
"Sorry nakalimutan kong tatawagan mo ulit ako. Pero hindi ko nakalimutan yung lakad natin bukas. Ano na nga bang plano mo?"
"Sunduin kita diyan sa dorm mo bukas ng 5am. Okay?" Medyo bossy ang tinig niya.
"Ahm, okay." Agad kong sagot.
"O sige, tulog ka na. Goodnight."
"Goodnight!" Sagot ko.
"I miss you! Bye!" Ani Chad at pagkatapos ay naputol na ang kabilang linya.

CHAD & CHANDYWhere stories live. Discover now