Roadtrip

47 1 0
                                    

FOURTEENTH DAY

Five minutes before 5 am ng dumating ang sinasakyang taxi ni Chad sa tapat ng Dorm. Sa totoo lang magkahalong antok at excitement ang nararamdaman ko. Antok dahil 4 am pa lang gising na ako para mag-ayos sa lakad namin ni Chad at excitement dahil hindi ko alam kung anong sorpresa ang naghihintay sa gala naming ito.
"Good Morning!" Nakangiting bati sa akin ni Chad pagsakay ko ng taxi.
"Good Morning!" Balik kong bati. "Saan ba tayo pupunta, masyado ata tayong maaga?" Dugtong kong tanong habang umaandar na ang sinasakyan naming taxi.
"Tagaytay."
"Tagaytay? Bakit hindi mo naman agad sinabi sa akin?" Nabigla kong tanong. "Hindi ba malamig doon?" Dugtong ko. Honestly this is my second time na makakapunta ng Tagaytay. Mga 7 years old pa lang ata ako ng una akong nakarating doon. At sa tagal na noon, hindi ko na nga gaanong maalala ang hitsura ng lugar.
"Sinadya ko talagang huwag sabihin sa'yo. Dahil para saan pa itong dala ko?" Ani Chad sabay labas ng varsity jacket sa blue backpack niyang dala.
"Hindi kaya malaki sa akin 'to?" Nag-aalangan kong tanong habang hawak ang iniabot niyang jacket.
"Hindi naman. Sakto lang. Sigurado akong hindi ka na lalamigin niyan?" Nakangiting sagot ni Chad.
"Mukha nga." Sang-ayon ko.
"Tsaka basahin mo yung naka imprentang pangalan sa likod niyan." Utos ni Chad sa akin.
Agad ko namang itinalikod ang jacket at binasa ang nakasulat doon. "Apostol. Apelyido mo 'to diba?" Tanong ko.
"Oo. At ipinapagamit ko na sa'yo yang apelyido ko." Ani Chad sabay ngiti.
"Ewan ko sa'yo!!" Natatawang  sabi ko na may halong kilig na hindi ko ipinahalata. "Eh ikaw anong panlamig ang isusuot mo?" Dugtong kong tanong.
"Wala." Ani Chad sabay iling.
"Isa lang dala mo?" Taka kong tanong.
"Yayakap na lang ako sa'yo sakaling ginawin ako." Nangingiting biro ni Chad.
"Corny mo!" Natatawa kong sabi. "Yung totoo huwag mo kong niloloko, isa lang talaga ang panlamig na dala mo?" Kunwari'y inis kong tanong.
Nakangiting tumingin sa akin si Chad sabay kuha ng Sweater niya sa bag. "Tsaran!!"
"Oy lovebirds, nasa bus terminal na po tayo. Ano na?" Hirit sa amin ng taxi driver.
Agad kaming nagkatinginan ni Chad at sabay na nagtawanan.

Sa bus, dahil siguro kapwa kami antok pa dahil sa aga ng gising namin kanina ay nakatulog kami sa biyahe. Nagising na lang ako sa marahang tapik ni Chad kasabay ng pagbulong ng mga salitang 'Gising na'.
Tulad ng inaasahan malamig sa Tagaytay. 18° sabi ng Google ng icheck ko sa phone.
Kaya naman napagdesisyunan     ni Chad na magkape muna kami sa Starbucks kung saan overview ang taal volcano.
"Ang liit lang pala talaga ng Taal 'no?" Tanong ko matapos humigop ng mainit na brewed coffee. Sa totoo lang ngayon ko lang napagmasdan ng mabuti ang bulkan.
"Small but terrible. Alam mo bang more than 1300 people ang namatay when it erupted January of 1911?" Simula ni Chad.
"Really?" Interesado kong tanong.
"Oo. Pero sabi, yung eruption daw noong 1754 ang pinaka devastating. And it lasted 8 months from May to December."
"Wow. I'm impressed. At talagang ni research mo pa ang Taal Volcano ha?" Natatawa kong tanong.
"Research talaga? Wikipedia lang." Natatawa niyang sagot.
"Sinong magaakala na sobra ang pinsalang maidudulot niyan sa liit niya 'no?"
"Wala naman kasi sa liit o laki yan, kung makakapinsala, makakapinsala."
"Hugot ba 'yan?" Tanong ko.
Tumingin lang sa akin si Chad at ngumiti. Pagkatapos ay itinaas niya ang tasa niya para humigop ng kape.

"Are you ready?" Nakangiting tanong sa akin ni Chad.
"Kapag namatay ako hindi talaga kita patatahimikin." Kinakabahan kong sagot kay Chad. Ganoon na lang ang higpit ng pagkakahawak ko sa kanyang kanang braso.
"Basta ang technique sumigaw ka lang ng malakas." Ani Chad.
Lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko habang dahan-dahang tumataas ang roller coaster na sinasakyan namin.
At ilang sandali pa ay kumawala na ito. Ganoon na lang ang tili ko. Sa pagbagsak ng roller coaster ay parang naiwan sa taas ang kaluluwa ko. Pero di tulad sa akin na ganoon na lang ang nerbiyos, nakita ko kung gaano kasaya ang hitsura ni Chad. Bakas sa mukhang enjoy na enjoy siya sa nangyayari.
Sa totoo lang simula pa noong bata ako ay takot na takot na akong sumakay sa roller coaster pero ewan ko ba kung anong meron itong si Chad at nabuyo niya akong sumakay.
"I swear that would be the first and last time na sasakay ako ng roller coaster." Sabi ko kay Chad ng makababa na kami.
"Okay lang. At least na experienced mo. And you did it with me."
"Well, at least. Pero natakot talaga ako sa kanya."
"Sabi nga nila, eventually you have to face your fears because if you don't get on the risk you won't experience the adventure."
"Yeah, right!" Natatawa kong sabi sabay hampas sa kanyang kanang braso. At tsaka ko napansin ang tila pasa dito. "Ano 'yan?" Tanong ko.
"Cariño brutal ninyo po. Dahil sa higpit ng kapit mo sa akin kanina 'yan." Sagot niya.
"Ako ang may gawa niyan?" Takang tanong ko. "Masakit ba?"
"Okay lang. Don't worry you're worth the pain naman." Muling biro ni Chad.
"Ewan ko sa'yo. Mga banat mo talaga." Sagot ko na gaya ng dati sa mga banat ni Chad may halong kilig. At pagkatapos nga noon ay lumabas na kami ng Sky Ranch.

CHAD & CHANDYWhere stories live. Discover now