Confession And Confrontation

29 1 0
                                    

FIFTEENTH DAY

Tapos na ang klase ko ng magkita kaming dalawa ni Chad. Papauwi na ako noon ng makatanggap ako ng text mula sa kanya. Puntahan ko raw siya sa Basketball court at gusto niya raw akong makita. Abot tenga ang ngiti niya ng makita niya akong paparating. Saglit siyang huminto sa paglalaro at patakbong lumapit sa akin.
"Namiss kita."  Bungad sa akin ni Chad.
"Sobra naman. Madaling araw na tayong naghiwalay kanina diba?"
"Ewan ko ba? Pero parang araw-araw gusto kita buong araw na kasama." Bola ni Chad.
"Ayan ka na naman sa mga banat mo." Natatawa kong sagot sa kanya.
"Dapat masanay ka na. Kapag naging tayo na 24 hours banat 'yan. Non-stop." Natatawang sagot ni Chad.
"Hmmm. Sa simula lang siguro, kapag nagtagal mananawa ka rin." Sabi ko.
"Then try me. Sagutin mo na ako ng magkaalaman na." Ani Chad sabay taas ng dalawang kilay kung saan sa kaliwa ay naroon pa rin ang bandaid na dulot ng insidente kagabi.
"Intay pa." Natatawa kong sagot.
"Hanggang kailan kaya?" Muling tanong niya.
"Ewan natin." Sagot ko.
"Okay, dahil ikaw naman 'yan, I am willing to wait." Nakangiting sabi ni Chad habang nakatingin sa aking mga mata.
"Okay Mr. Apostol, time's up! We're on practice!!" Sigaw ng isang may edad nang lalaking nakatayo malayo sa kinaroroonan namin.
Agad na lumingon si Chad matapos marinig ang tawag sa kanyang pangalan. "Yes, Coach! Just give me two more minutes."
"Okay wrap it up!!" Sagot ng matandang lalaki na ipinakilala sa akin ni Chad bilang si Coach Rannie.
"O sige na, balik ka na sa practice ninyo. Usap na lang tayo ulit." Sabi ko kay Chad.
"Okay, I'll call you tonight. Mga 8pm para siguradong gising ka pa. Okay?"
"Okay sige." Sagot ko kasabay ng pagtango. "Paano, bye na?"
"Sige. Bye Chandy. I love you!" Sagot ni Chad.
At dahil sa sinabi niyang 'yon, kinikilig akong tumalikod at nakangiting lumalakad palayo.
At gaya na rin ng sinabi niya, tinawagan nga ako ni Chad bandang alas otso ng gabi. Ang pag-uusap nga naming iyon sa telepono ay umabot ng halos dalawang oras. At bago magpaalam ay muli ko na namang narinig kay Chad ang mga katagang I LOVE YOU. Sa loob ng isang araw, tatlong beses niya itong binanggit. Haaay, ito nga siguro yung sinasabi nilang I LOVE YOU 3x A DAY.

SIXTEENTH DAY

Tulad ng kahapon, practice pa rin nina Chad sa basketball. Sa Thursday na kasi ang simula ng Basket Ball tournament kaya dapat puspusan din daw ang pagpapractice. At bagamat nahihiya akong puntahan si Chad sa basketball court dahil magagambala ko ang pagpapractice nila, pinuntahan ko pa rin dahil bukod sa gusto ni Chad na daanan ko siya bago ako umuwi ay gusto ko rin siyang makita kahit saglit lang. Tulad niya, parang hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi siya nakikita.

SEVENTEENTH DAY

Nakasakay na ako ng jeep pauwi ng makareceive ako ng text mula kay Harry. Puntahan ko raw siya sa dorm at kailangan niya ng tulong. Wala man sa text niya ang urgency pero nakaramdam pa rin ako ng pag-aalala. Ano kaya ang tulong na kakailanganin niya?
Kaya naman pagdaan ng jeep sa may kanto nila ay agad akong bumaba at nagmamadaling pumunta sa dorm niya. Nakita ko si Harry na nakangiting sumasalubong sa akin.
"I'm happy dumating ka!" Si Harry.
"Siyempre naman. Ikaw pa ba? Malakas ka sa akin. Ano bang maitutulong ko sa'yo?" Bungad kong tanong.
"Halika sa loob." Ani Harry sabay kuha ng kamay ko.
Ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko ng makita ko si Tita Precy, ang mama ni Harry sa sala ng dormitoryo.
"Andeng!!" Patiling tawag sa aking pangalan ng nanay ni Harry. Base sa aking kalkula ay nasa lampas 50 na ang edad nito. Tumanda lang ng kaunti ang hitsura nito pero ganoon pa rin ang hibla ng medyo chubby nitong katawan.
"Tita Precy!!" Tili ko at hindi ko nga napigilan ang sariling lumapit dito at bigyan ito ng yakap.
"Ito mabuti naman. Naku masaya akong makita ka." Abot tengang sabi sa akin ng matanda.
"Ako din po." Sagot ko. Bigla ko tuloy naalala ang mga panahong madalas akong mangapitbahay sa kanila para mag-kakanin-all-you-can. Magaling kasing gumawa ng kakanin si Tita Precy na itinitinda niya sa tapat ng bahay nila.
At pagkatapos nga ng kamustahan ay nagkuwentuhan kami tungkol sa buhay-buhay.
"Mabuti naman at magka lapit lang ang bahay ninyo nitong anak ko dito sa Manila, kahit papaano palagay ang loob ko na may kasama ang anak ko at may mahihingan rin ng tulong."
"Ako nga rin po ay masaya nang makita ko dito si Harry sa Manila, ayun may makakasama na ako. And speaking of tulong, ano pa lang tulong yung kailangan mo sa akin?" Naalala kong sabi sabay tingin kay Harry na nakaupo sa tabi ni Tita Precy.
"Ayun nga. Masyado kasing maraming dalang kakanin ito si Mama, tulungan mo akong ubusin 'to dahil sa dami nito, mananawa lang ako at masisira pa ito." Nakangiting sabi ni Harry sabay turo sa isang plastic bag ng kakanin.
"Paano naman kasi, akala ko'y maraming kasama sa kuwarto niya itong si Harry, isa lang pala. Napadami ako ng gawa. Pero mabuti na rin talaga at dinamihan ko dahil sa'yo pala mapupunta ang iba nito. At isa pa alam kong paborito ang mga ito."
"Ay opo." Agad kong sagot.
"Siya nga pala, may itatanong lang ako, ikaw ba'y may nobyo na?" Nakangiting tanong ni Tita Precy.
Bahagya man akong nabigla sa tanong na 'yon ni Tita Precy malumanay ko naman siyang sinagot ng wala kasabay ng pag-iling.
"Naku ganoon ba? Hindi naman sa nililigawan kita para kay Harry, pero sakaling ligawan ka nitong anak ko naku, bigyan mo ng pag-asa. Bukod sa matagal ka ng gusto nitong si Hilario sigurado akong maaalagaan ka nito." Nakangiting sabi ni Tita Precy.
Tila na speechless ako sa sinabing 'yon ni Tita Precy. Bahagya akong nabigla agad akong napatingin kay Harry na biglang pinamulahan ng mukha.
"Ma?!" Nahihiyang sabi ni Harry.
"Aba'y totoo naman ang sinasabi ko, hindi ba minsang naglalaro kayong dalawa nito ni Andeng sa bahay eh nasabi ninyo sa akin na gusto ninyong maging mag-asawa? Medyo bata pa kayo noon kaya pinagalitan ko kayo. Natatandaan ninyo ba 'yon?" Sabi ni Aling Precy sabay tingin sa akin. "Eh ngayon, 18 na naman kayo, kaya okay na sa akin kung liligawan mo itong si Andeng." Dugtong ni Tita Precy na ngayon ay nakatingin na sa anak.
"Ma?! Ano ba 'yan? Nakakahiya na." Sabi ni Harry na lalong pinamulahan ng mukha.
"Tita Precy palabiro talaga." Iyon na lang ang nasabi ko sa mga pinagsasabi ng matanda. At tulad ni Harry, pakiramdam ko'y pinamumulahan na rin ako ng mukha.

"Pasensiya ka na kay mama, masyadong madaldal. Kung ano-ano ang mga pinagsasabi." Nahihiyang sabi ni Harry habang naglalakad kami pauwi ng dorm. Napilitan si Harry na ihatid ako dahil na rin sa pamimilit ni Tita Precy. Madilim na raw kasi.
"Wala 'yon. Sanay na ako. Pero ikaw mukhang hindi pa sanay?" Natatawa kong biro sa kanya. "Grabe ang pamumula ng mukha mo kanina."
"Bakit ako lang ba? Ikaw rin kaya. Lalo na noong nag-throwback ng kwento niya si mama." Sabi ni Harry.
"Oo nga. Ang talas ng memorya ng mama mo. "Yung mga pinagsasabi natin noong mga bata pa tayo na ilang taon na ang nakakaraan, natatandaan pa rin." Sagot ko.
"Sinabi mo pa. Mabuti na lang hindi 'yong nahuli niya tayong naglalaro ng kasal-kasalan ang ikinuwento niya kung saan gusto mo pa ako noon bigyan ng kiss." Natatawang sabi ni Harry.
"Ay ang kapal!" Natatawa kong sabi. Hindi ko tuloy napigilan hampasin ang balikat niya. "Grabe ka! Mga bata pa tayo noon ah?" Natatawa kong dugtong.
"Chandy!!" Iyon ang tawag na kumuha ng atensiyon namin ni Harry. At ng lingunin namin ito ay nakita namin si Chad, sa gilid ng pintuan ng dorm nakaabang.
Ang totoo ay nakaramdam ako ng kaba. Baka kasi narinig niya ang biruan namin ni Harry at magkaroon ito ng ibang interpretasyon. Bagamat maikling panahon ko pa lang kakilala si Chad, alam na alam ko nang seloso ito. Obvious kasi ito sa mga kilos niya bukod pa sa pagiging vocal niya tungkol dito. Kaya naman agad akong lumapit kay Chad. "Bakit ka nandito?" Nakangiti kong tanong sa kanya.
"Namiss kasi kita." Mahinahon niyang sagot.
"Ikaw talaga Chad." Nakangiti kong sagot. "Halika kumain ka ng kakanin, dala ng nanay ni Harry. Meron ako ditong puto, suman, kutsinta. Halika mamili ka, masarap ito." Alok ko sa kanya.
"Salamat! Pero busog pa ako." Sagot ni Chad na ngayon ay seryoso ang tingin kay Harry.
"O sige, diyan lang muna kayo ipapasok ko lang ito sa ref." Sabi ko at dali-dali akong naglakad papuntang ref. Ewan ko ba, sa tuwing magtatagpo sa isang lugar sina Chad at Harry ay nakakaramdam ako ng tensyon. Na parang kapag tumagal na silang dalawa lang sa isang lugar, magka-clash sila kahit na walang dahilan. Dahil siguro alam ko kung gaano pinagseselosan ni Chad si Harry dahil vocal naman ang una sa kung anong nararamdaman niya sa huli. Kaya naman pagkalagay ng gamit ko sa kuwarto at ng kakanin sa ref ay nagmamadali akong binalikan ang dalawa sa labas.
"Pare nanliligaw ka rin ba kay Chandy?" Narinig kong tanong ni Chad kay Harry dahilan upang mapahinto ako sa paglalakad at pakinggan ang pag-uusap nilang dalawa.
"Hindi. Pero gusto ko siya." Sagot ni Harry na ikinagulat ko.
"Konting respeto lang dahil una akong nanligaw sa kanya." Si Chad na bakas sa tinig ang inis.
"Paano mo naman nasabing nauna ka. Pare mga bata pa lang kami alam na ni Chandy ang nararamdaman ko para sa kanya." Palaban na sagot ni Harry.
"Gano'n ba? Eh kung gusto mo pala siya, eh di sana noon niligawan mo na siya hindi yung pumapasok ka kung kelan meron ng ibang nanliligaw sa kanya." Ani Chad na obvious na sa boses ang galit.
"Iyon nga eh, nanliligaw ka pa lang pare, hindi mo pa siya nobya, wala ka pang karapatan pagbawalan ang ibang nagkakagusto sa kaniya. Huwag kang umasta diyan na parang kayo na." Mahina ngunit palabang sabi ni Harry.
Nang marinig ko ito'y agad ko na silang nilabas. Mahirap na, pakiramdam ko ilang sandali na lang may suntukan ng magaganap.
"Nag-aaway ba kayo?" Painosente kong tanong.
Nagtititigan lang ang dalawa.
"Hindi." Kalmadong sagot ni Harry. "I think I need to go now." Dugtong niya.
"O sige." Sagot ko kay Harry. "Salamat Harry." Dugtong ko. Mabuti na lang at nagdesisyon na si Harry na mauna na. Sa totoo lang, hindi pa ako ready sa mga ganitong confrontation. At ilang sandali pa ay nakita kong naglalakad ng palayo si Harry.
"Sabi ni Harry, gusto ka raw niya, noon pa. Ang tanong ko, gusto mo rin ba siya?" Diretsong tanong sa akin ni Chad.
"Chad, why are you asking me this question again?"
"Ewan ko, para kasing hindi ako sigurado sa sagot mo eh. Ang sabi mo kaibigan lang ang tingin mo sa kanya, pero parang hindi iyon ang nakikita ko." Ani Chad na nakatingin sa mga mata ko.
"Chad, si Harry kaibigan ko at marami na kaming pinagsamahan." Sagot ko.
"Iyon na nga eh, ang hirap makipagkumpetensya sa kanya, dahil diyan sa tagal ng pinagsamahan ninyo. Kaya Chandy please lang, kung gusto mo ako, pwede bang ako lang dahil ako alam mong gusto kita, gustong-gusto, wala ng iba, ikaw lang."

CHAD & CHANDYDonde viven las historias. Descúbrelo ahora