Chapter 10: Promise

26.7K 994 37
                                    

Mhegan's POV.

Parang may nararamdaman akong patak ng tubig sa buong katawan ko.Dinilat ko ang mga mata ko.Nasa Field ako at umuulan pa talaga.Naalala ko sinabutan nga pala ako ni Aiko dito.

Wala man lang kahit isang tumulong sa akin?Madilim na madilim na dito sa field namin,malamang gabi na eh.Soooo,kanina pa pala ako dito?Nakahiga?Napakasalbahe talaga nung Aiko na yun.At wala man lang nakakita sakin dito para gisingin.

Sinubukan kong tumayo pero ang sakit ng ulo ko.Grabeee!Ganitong ganito din yung nararamdaman ko sa sakit ko noon.Bumalik na kaya?

"Aray!" Napasigaw ako sa sakit ng ulo tapos natumba.Basang-basa na ako sa ulan.Tulong!!! Prince Charming!! Where are you?

Sinubukann ko ulit tumayo,ginamit ko lahat ng lakas ko.At sawakas Nakatayo din!Nasa harap na ako ng entrance ng building namin.Ilang hakbang nalang nasa building na ako.Pero natumba ulit ako.Jusko!!Basang basa parin ako ng ulan.

"Tulong!" Sumigaw ako baka sakaling may tao sa building.May mga janitor naman ng ganitong oras eh.May narinig akong parang may nahulog na kung ano.May tao nga.

"Tulong poooo!" Sumigaw ulit ako.Please naman tulungan niyo akooo.

Hanggang ngayon basang-basa parin ako sa ulan,sinubukan ko ulit tumayo pero hindi ko na kaya.Ang malas ko talaga!

"Sinong nandyan?" May narinig akong isang boses ng lalaki.

"Tulungan nyo po ako!" Sigaw ko ulit.Nakita na niya ako,Buti nalang si Kevin ang nakakita.Baka kung iba yun baka hindi nila ako tutulungan.

"Mhegan!?" Agad siyang lumapit sakin at tinulungang tumayo.Ang bait niya talaga!Pero minsan nakikita ko siyang nangbubully sa iba.

"Anong nangyare sayo?Dadalhin kita sa Hospital!" sabi niya halatang nag aalala

"Wag!Wag!Wag please!Ayaw ko sa hospital" ayaw ko naman talaga,wala naman akong perang pangbayad.Ayoko naman manghiram sakanya.Itutulog ko nalang to mawawala din to.

Biglang sumakit ang ulo ko,Ang sakit sakit.Bigla nalang ako nawalan ng lakas.

"Mhegan!Anong nangyayari sayo?"

Di ko na kayang magsalita,unti-unting sumasara ang mata ko.Ang sakit grabe!

Kevin's POV.

Bumalik ako ng school dahil naiwan ko ang pinakamamahal kong Headset.Mahal kaya yun!Mahal pa sa buhay mo!Hehe.

Papunta na ako ng locker pero may narinig akong boses.

"Tulong!" Nag eecho dito sa loob ang boses.Pamilyar sakin ang boses nayun.Di ko alam kong kanino.

Dahan-dahan na akong pumunta kung saan nanggagaling yung boses.Kinakabahan ako,baka multo yun.Ako pa naman mag isa dito.

"Tulong poooo!" Napatalon ako sa sumigaw.Tao pala!Muntik nako dun ha.

"Sinong nandyan?" Kanina pa tapos ang klase pero may tao parin dito.Sinundan ko kung san nanggaling yung boses.

"Tulungan nyo po ako" Hanggang nakita ko siya.Bakit siya nandito?

"Mhegan?"Agad akong lumapit sakanya.Bakit siya nandito?Bakit ganyan itsura nya?Namumutla,basang basa sa ulan.basta di ko maipaliwanag.

I'm the Bad Boy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon