25-I can't stop

3.3K 63 0
                                    

Jaydee’s POV

6 months, bago siya nagpakita sakin ulit, anim na buwan wala siya sa tabi ko, sa anim na buwan na yon pakiramdam ko hindi ako nagexist sa mundo. Ang sakit-sakit dahil mas pinili niya yung lalaking yon kesa sa akin, Anong meron ka axis bakit ikaw ang pinili? Bakit hindi ako? Putangina ginawa ko lahat para lang ako yung piliin. Lumuhod ako nagmakaawa ako wag niya lang ako iwan pero iniwan niya padin ako.

Sa anim na buwan na iyon kahit kailan hindi naging masaya ang buhay ko, pakiramdam ko sawang-sawa na ako sa buhay ko. Babae inom, inom babae. Tangina hanggang dun na lang ba patutunguhan ng buhay ko?

Then may isang taong nagsabi sakin na kung gusto ko siyang makuha ulit pakutin ko siya how? Kahit ano gagawin ko maging akin lang ulit siya. Kinasal siya sakin ng hindi niya alam, na nakaregister na ang buong pangalan niya kasama ng aplido ko para saan pa ang pera kung hindi ko magagawa ang gusto ko.

I lost with her love, nung sa kasal ni Maddie hindi ko na naalis yung tingin ko sakaniya, wala parin nagbago maganda padin siya, siya padin yung babaeng nakakuha ng pansin ko her smile make’s me feel home.

Habang nagsasayaw kami, pakiramdam ko bumalik ulit yung dating jaydee, bumalik ulit ang pagtibok ng puso ko sa dati. She asked me if I have a wife. Hindi ako nagsisinungaling sakaniya, I have right she’s my wife. . My one and only wife.

“How your night mister”. Nakataas ang kilay na sabi sakin ni Maddie.

“It’s great”. Alam niyang lahat pati ang pamimikot ko kay Ally.

“Really pero bakit umiyak siyang umalis?”. Nakakunot ang noong sabi nito sakaniya.

“I know kasi umiyak siya sa harapan ko”.

“Shet naman! Baket? Jaydee naman hanggang kailan mo ba siya titiisin?” Tiniis? Ako? Kung may nangtiis man samin hindi ako yun.

“Ako yung nangtiis maddie? Ako talaga? Sa sobrang pagmamahal ko nga sakaniya kahit na asawa ko na siya hinayaan ko siya sa piling ng iba”.

“Pero fake yung kasal niyo! Techninacally hindi mo pa siya asawa!” Nagtagis ang bagang ko.

“She’s mine. I love her”.

“Eto nanaman tayo, mahal mo nga siya nandun na ako, pero pwede mo naman siyang mahalin ng hindi sinasaktan diba?Ano bang ginagawa mo? Bakit hindi mo na lang siya kausapin ng matino ng matapos na ang dramang ito at ng ikasal nadin kayo”.

“Hindi pa siya handa”.

“Ikaw ang hindi handa jaydee, dahil hanggang ngayon may galit padin diyan sa dibdib mo”.

“Jaydee, you don’t how much she’s inlove with you, kung ano yung sinabi mo sakaniya 6 months ago ginawa niya yun kahit na nangungulila na siya sayo”. Napapikit ako. Geez I was hurting her again dammit.

“Ang hirap nun jaydee, ginusto ka lang niya makita ngayon pero anong ginawa mo? Sinaktan mo nanaman siya sana nga pinaglaban na lang siya ni Axis”.

“what do you mean?”.

“Tanga kaba? He choose you between Axis, pinili ka niya, una pa lang pinili ka na niya, kaya lang duwag ka, hindi mo alam kung paano siya ipaglaban kaya nung sinabi niyang sumuko ka, sumuko ka”.Tumitig siya dito.

“Hindi kasi yun ang kilala kong Jaydee, ang kilala kong jaydee even it hurts he will still chose to fight”. Tinalikuran siya nito. Mali nga siguro maling isinuko niya noon si Ally,  pero siya na lang ba ang dapat lagi sisihin?

Ally’s POV

I miss him, iilang oras palang simula ng nahiwalay ako sakaniya hinahanap-hanap ko nanaman siya, Reality hits me kapag naalala ko yung sinabi niya yung may asawa na siya pakiramdam ko isangdaan kutsilyo ang sumasaksak sa puso ko.

CHASING HEART : The Player(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon