09-Something

3.5K 71 0
                                    

Jaydee’s POV

Hindi ko makalimutan yung halik, it was the first time na ang babae ang humalik sakin, date kasi puro ako ang nanhahalik. Hindi ko maiwasan mapangiti masarap pala mahalikan.

Gusto ko sana siya puntahan ngayon, pero naisip kong mamaya na lang makikita at makikita ko naman siya dito eh. I hope sana maayos na kami. Sana okay na ang lahat sa pagitan namin.

Habang naglalakad ako papunta sa room hindi ko maiwasan mapangiti pero bago ako makapasok sa room may babae akong nakitang umiiyak. Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip ko pero nilapitan ko yung babae at inabutan ng panyo. Geez hindi ko Gawain ito alam koi yon but now? Ewan ko.

“S-salamat”. Nung lumingon yung babae nabigla ako, si Maddie bakit siya umiiyak.

“Hey? What happen?”. Kahit naman ganito itong babae na ito sakin, nag-aalala ako sakaniya.

“He broke-up with me”. Umiiyak na sabi parin nito, wala akong nagawa kundi yakapin siya, sana kahit papaano mabawasan yung sakit na nararamdaman niya.

“Ano bang nangyari?”. Tanong ko habang nakayakap padin siya sakin. Unti-unti niya kinuwento kung anong nangyari sakanila ni Alex, pero bakit kaya? Patuloy padin umiiyak si Maddie sa balikat ko wala kong nagawa kundi yakapin at halikan siya sa ulo.

Maddie is like a sister to me, kahit na magpinsan lang kami, Ayoko siya nakikiyang umiiyak maybe Alexander has a reason kaya sila nagkaganito.

“Masakit Jaydee, mahal ko siya. .”. Napailing na lag ako niyakap ko siya ng mahigpit alex. . patahanin mo yung pinsan ko kung hindi-hindi ka sasantuhin sakin peste ka.

Ally’s POV

Hindi ko siya nakita buong araw, siguro busy siya mabuti na iyon para hindi ko maalala yung kagabi, yung kagagahan ko kagabi pero hindi naman ako pintulog ng halik na iyon ewan ko ba!

Naging okay naman lahat ng subject ko, at now natatakot ako pumasok sa room baka kasi makita ko dun si Jaydee tapos asarin niya ako, kasi naman eh! Napagaga ko. -_-

Pero bago ako makapasok sa room, napahinto ako nakita ko si Jaydee may kayakap ng iba biglang nanikip yung dibdib ko, Bakit ganito yung nararamdamn ko?

Nakita ko kung paano niyakap ni Jaydee yung babae at hinalikan sa ulo, habang tinitignan ko sila pakiramdam ko may humahampas na takong sa dibdib ko, nakakaramdam ako ng sakit.

Lumingon sa gawi ko yung babae si Maddie pala iyon, pero nung nakita niya ako nagtuloy-tuloy ako pumasok hindi ko alam bakit nagawa ko iyon pero ayokong kausapin si Jaydee o kahit si Maddie sa mga oras na iyon. Feeling ko pinagtataksilan nila ako.

What the hell pinilig ko yung ulo, wala ito magpapacheck-up ako baka mamaya may sakit ako at ito yung mga sintomas nito, Ayoko ng ganito mag-aalala si Papa.

Bumukas ang pinto at niluwa nun si jaydee hindi ko alam pero nung nakita ko siya parang gusto ko umiyak shet ano ba kasing nangyayari sakin? Bakit ako ganito?

“Ally.”.

Hindi ako tumingin nanatiling nakatitig ako sa harapan andun parin yung nararamdaman ko kanina iba na ata talaga ito, pero bakit ganoon ngayon ko lang naramdaman ito?

“Ally galit kaba sakin?”. Please jaydee wag mo’ko kausapin ayoko kita kausapin please lang. . Hindi ko alam bakit may namumuong luha sa mga mata ko ano bang nararamdaman ko.

“Ally okay ka lang bakit ka umiiyak?”. Napatayo ako ng di-oras kinuha ko yung gamit ko, hindi ko gustong manatili sa isang lugar na kasama siya.

“Ally saan ka pupunta”. Rinig kong sabi niya pero nagtuloy-tuloy lang ako papalabas ng pinto. My heart is hurt, pero hindi ko alam kung bakit. . Bakit ako nasasaktan.

Lumabas ako ng campus pumunta ako sa secretplace ko, unti-unti nabawasan yung bigat sa dibdib ko, pero pakiramdam ko hindi okay ano bang nararamdaman ko? Bakit ako nasasaktan at nagagalit?

Naguguluhan na ako, it’s not me! What happening to me?

=

Nagseselos ka ate! HAHA Kayo po naransan niyo na magselos? Ako madalas. Selosa ako eh, Matampuhin hehe. Pero wala ganoon talaga nagselos ako nuon sa taong wala akong laban. :) HAHA it was just all in past.

Happyreading! :*

Vote & Comment. <3

©Unhart.

CHASING HEART : The Player(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon