Chapter 36: Closet

13K 681 191
                                    

"Who lives in a pineapple under the sea?"

"Spongebob Squarepants..." tamad kong bulong. Nakaupo ako sa aking swivel chair habang nakatitig sa pinapanood. Ang aking boss nama'y abala nanaman sa kanyang drawing table.

"Absorbant and yellow and purous is he!"

"Spongebob Squarepants..." I sighed and continued watching the show. When I can't take the boredom anymore, I stood up and turned off the TV.

Ilang araw na akong ganito. Naiinis ako dahil palagi akong nakatunganga lang sa trabaho. Wala siyang pinagagawa sa akin. Ang mga tinuro sa akin noong three-days training ay hindi ko rin mai-apply.

Pumamaywang ako't naglakad patungo sa kinaroroonan ni Architect pero natigil din ako agad nang biglang tumunog ang telepono. Mabilis akong nagtungo pabalik sa aking pwesto para sagutin ang tawag. Paminsan-minsan lang kasi may tumawag dito kaya naeexcite ako palagi sa tuwing nag-riring ang telepono.

"Hello..." ani ng isang babae pagkasagot ko ng tawag. Malambing ang boses nito.

"Good morning, Ma'am. This is Savanna Esquivel. Architect Constantine's secretary..." I introduced.

"What? Who?" tila lito nitong tanong.

"Savanna Esquivel, Ma'am. Do you want to make an appontment with..." hindi ko natapos ang sasabihin dahil biglang tumili ang babae sa kabilang linya.

"Holy shit, Savanna! Savanna! As in Savanna Caroline Esquivel? Oh God!"

Napakurap ako saglit. She knows me? Who is this?

"Uhh, who am I talking to po?"

"Sav! Ako 'to! Reina! Reina Avila-Solace! Dios mio! You can hear me now? Is this really Savanna? And you're Cryd's secretary?"

My eyes went wide in recognition of the name. "Reina Avila?"

And she added 'Solace' in her name! Does that mean Nico and her are already married? OMG.

"Oo! As in R-E-I-N-A, Reina! Kaibigan mo 'ko! Do you remember me? Gods! Nico! Nico, tara dito!"

"Ohmygods!" tili ko. "Reina!" Napatalon pa ako sa sobrang katuwaan. Nilingon ako ni Architect pero nag-iwas ako agad ng tingin. His stares are really intimidating.

"Grabe, Sav! You've been MIA for years! Where have you been? What happened to you? Gosh! We really need to catch up! Tamang-tama at may inuman dito mamaya dahil celebration ng pagkapromote ni Velvs at Will sa trabaho! Yayayain ko nga sana si Cryd!"

Alam kong hyper si Reina pero hindi ka naman akalaing maka-basag pinggan pala ang kanyang boses. Inilalayo ko pa ang telepono mula sa aking tainga dahil naaapektuhan ang ear piece ko. Masakit sa tainga.

"Sav..."

Napatalon ako nang nasa gilid ko na pala si Architect. Ang buhok niya'y magulo at suot-suot niya ang kanyang eyeglasses. He slightly leaned forward to tap the telephone. Nag-loudspeaker ito kaya rinig na rinig ang sunud-sunod na tanong ni Reina na hindi ko naman masagot.

"You two are definitely going!" pinal na sabi ni Reina pagkatapos ng mahaba niyang litanya. Na-stress yata sa ingay niya si Architect dahil napahilot ito sa kanyang noo.

I Heard YouWhere stories live. Discover now