Chapter 24: Pag-iisipan

17.1K 614 132
                                    

Sorry kung na-spoil ko kayo sa Me Before You sa previous chapter, hahaha. Sorry talaga 😈

-------

"I'm so proud of you!" Tuwang-tuwa na sabi ni Mommy matapos kong ideliver ang valedictory speech ko.

"So, so proud!" Niyakap niya ako ng mahigpit habang si Daddy nama'y panay ang kuha sa amin ng litrato.

I actually didn't expect I'll graduate as SHS Valedictorian. Inaamin kong matalino talaga ako pero hindi naman kasi ako ganoong kapursigido mag-aral. The school year went smoothly for me kaya nagulat din ako nang ipatawag ako sa office two days ago para ibalita ang nakamit kong titulo.

Tinawag ni Daddy sina Genieva, London at Savanna para makasama sa picture. Sav was wearing a white shift dress partnered with her flats. Her hair's finely braided on one side. Pinilit siyang lagyan ng lipstick ni Mommy kanina pero binura ko din iyon. Ayoko ng sobra siyang gumaganda dahil alam kong pasimpleng napapatingin sa kanya ang mga lalaki tuwing dumadaan siya.

"Hey," hinila ko siya papalapit sa akin saka inakbayan. Nakayuko siya't pinaglalaruan ang kanyang daliri, "I'm sorry I couldn't hear your speech."

Cryd: Pinabasa ko naman sa iyo ah.

"Syempre, iba pa rin kapag naririnig ko," she sighed and looked up at me. "I can't wait to finally hear your voice. Gusto kong ang boses mo ang una kong marinig kapag naging success ang operation."

Umangat ang gilid ng labi ko dahil doon. Nakaramdaman ako ng init sa aking puso na siya lang ang nakakapagparamdam sa akin. I pulled her closer to kiss the top of her head.

It's been two weeks since her birthday. Two weeks since we became a couple. Alam kong parang ang bilis nga noon. Hindi manlang tumagal ng isang buwan ang panliligaw ko sa kanya. I want to take it slow for the both of us. Ayokong madaliin dahil ang mga bagay na minamadali, mabilis na nawawala. But, what can I do? She already made her decision and we're both happy about it.

I remembered her telling me, "Now that we're together, you have all the time in the world to court me, right?"

And she's right. Wala namang mali kung lagyan na namin ng label ang relasyon namin. I could woo her all I want, everyday. Ang goal ko talaga ay iyong 'wag niyang pagdudahan ang pagmamahal ko para sa kanya. To show her how loyal I am. I know that we're young. But I'm also aware that this love is extreme.

Dad raised his finger to get my attention, "Picturan ko kayo." Tumango ako at mas inilapit sa akin si Sav. Ngumiti ako ng malawak at pinagdikit ang mga pisngi namin.

Mom frowned, and crossed her arms. "Kapag tayong dalawa nagpapapicture, simpleng ngiti lang. Pero kapag kay Sav, kulang nalang mapunit 'yang labi mo kakangiti. Cryd, huh!"

Natawa na lamang ako. Tinawag ko sina Genieva at London para makuhanan din kami ng litrato. Nagbabangayan pa ang dalawa dahil naiinis si Ieva't kahit dito, may natitipuhang babae si London.

"Ang pangit, pangit ng taste mo sa babae, London." Angil ni Ieva bago yumakap sa akin. "Congrats, Kuya! The best ka talaga!"

"Pwede pa-picture?" A group of girls approached me. Sumipol ang pinsan kong lalaki, "OMG. Chikababes."

"Shut up, London." Genieva nudged him. The boy laughed.

"Pwede?" Nahihiyang tanong ng isang babae mula sa grupo. I remember her. Her name's Megan. Iyong nag-aya sa aking sumayaw noong prom pero tinanggihan ko. So, she graduated too, huh.

I Heard YouWhere stories live. Discover now