Chapter 7: Basketball

17.8K 775 221
                                    

"Paturo mag-basketball."

Agad na napatingin sa akin sina Nico at Will. Nakaawang ang kanilang bibig sa gulat sa sinabi ko. Uwian na namin at dalawang oras pa bago ang uwian ni Sav kaya naman uubusin ko muna ang oras ko sa pagtetrain.

"Sino ka?" Tinuro ako ni Nico.

"Nasaan ang kaibigan namin?" Dagdag naman ni Will.

Umismid ako, "Is it really surprising that I want to learn how to play your sport?"

Humalakhak si Nico at tinapik ako sa balikat, "Sa totoo lang, nakakagulat talaga! You, of all people, hate basketball. Tapos ay magpapaturo ka ngayon."

"I don't hate it. Hindi ko lang talaga feel."

"Eh bakit ngayon? Feel mo na?" Ani Will.

"Tsaka diba ayaw ni Lady Kiana ng mga nagbabasketball. Kaya nga nag-badminton ka eh." Singit naman ni Nico.

It's partly true. Narinig ko kasi na may naging issue si Lady Kiana noon sa basketball team kaya ayaw niya na sa mga basketball players. So hindi rin ako nageeffort na mag-aral.

"Can't you just teach me how?" Masungit kong tugon saka hinablot ang bola mula kay Will. Paano ba paikutin ito sa daliri?

"Dude, seriously? What's up with you?" Tawa ni Nico.

Si Will naman ay ngumisi, "Sav loves basketball, remember Nico? Lagi siyang kasama nina Velvet at Reina tuwing may game tayo."

Bumilog ang labi ni Nico saka ako tinapik-tapik sa balikat, "Iba na 'yan ah!"

"We're friends." Tinry kong paikutin sa daliri ko ang bola and I failed.

"Lady Kiana o Savanna?" Asked Nico.

Matalim ko siyang tinignan, "Drop it, Nico. Savanna and I are just friends."

"Pinapapili ka lang eh!" Sipol niya saka tumawa. I rolled my eyes and focused on the ball.

"Uy, si Ada!" Will beamed habang tinuturo si Adaleah na nagpapalobo ng bubblegum sa kanyang bibig.

"Ganda talaga ng pinsan mo." Bulong ni Nico.

Binatukan ko na siya, "She's just thirteen, Nico. Saka may girlfriend ka na."

"Crush lang naman." He snatched the ball from me at pinaikot ito sa tip ng daliri niya ng walang kahirap-hirap.

One day, I'll master that trick.

"May kaaway ata si Ada, p're." Will nudged me kaya nilingon ko ang aking pinsan. Pinalilibutan siya ng apat na Juniors but as expected, she remained calm and bitchy.

"She can handle herself." Naglakad na ako palayo. Magagalit lang iyon kapag pinakealaman ko siya.

Nagkibit na lamang ng balikat si Will saka pinigilan si Nico na sugurin ang mga kaaway ni Ada.

Isumbong ko kaya ito kay Reina. Hindi loyal eh.

We went inside the gym. Nandoon na ang mga kateam nina Will at Nico. Their coach approached us, "New recruit?"

"Ay, hindi, coach. Saling ketket lang po. Mag-aaral mag-laro para makapagpasikat." Nico laughed.

Coach Jackson grinned, "Cryd Constantine, am I correct?"

"Yes, coach." Ngumiti ako.

"You want to train with the team o sina Nico at Will nalang?"

"Sila nalang po muna. Ayos lang po ba 'yon?" I'm sure the two need to train with the team later.

I Heard YouWhere stories live. Discover now