"What the heck?! Ano yon?! Bakit...?? Anong...?" para akong napapasong tinapon ang paper bag papunta sa kanya. Ang lakas pa ng tawa nya dahil sa reaction ko.

I swear, kahit na hindi ko nakikita ang sarili ko, alam ko na hanggang leeg ang pamumula ng mukha ko.

"You...! Bastos ka!" tinulak ko sya sa dibdib ng hindi pa sya tumitigil sa pagtawa. Hinuli lang nya ang mga kamay ko at nilapit ako sa dibdib nya saka ako niyakap. How could he be so sweet after nyang magpakabastos?

"I told you, i-re-ready kita. So ready yourself, sweetheart. Ok? Nagkakaintindihan tayo?" ni hindi ko matugunan ang tanong nya sa akin. Ni tango o iling ay hindi ko magawa. Mas lalo nya tuloy hinigpitan ang pagkakayakap sa akin at hinalikan ako sa ulo.

"Lika na, ihahatid na kita. Maaga pa ang flight ko bukas."

"Fine!" kumalas na ko sa pagkakayakap sa kanya at kinuha na ang bag na dala ko. Nauna na rin akong pumunta sa may pinto sa kanya.

"Hey!"

"Huh?" nilingon ko sya ng tawagin nya ko.

"Yung surprise mo nakalimutan mo." pinamulahan ulit ako ng mga pisngi ng makitang inaabot nya sa akin yung paper bag pero in-snub ko lang sya at sumimangot kaya humalakhak ulit sya.

Napaka nya! Bakit ba naka mood syang mang asar ngayon?

"Ako na nga ang magdadala."

Nauna na kong lumabas sa kanya at wala kaming imikan habang pauwi. Saka lang sya nagsalita ng malapit na kami sa bahay.

"Aalis ako bukas."

"Huh?"

"May presentation kami sa Singapore. Ako at si Livy lang ang pupunta. Maiiwan sa office sina Peter."

"Ok." bakit nya to sinasabi sa akin?

"K. See you next week then." kinantilan nya ko ng halik sa pisngi bago sya bumaba para pagbuksan ako ng pinto.

"Pakabait ka ha? Mag aral ng mabuti." ginulo pa nya ang buhok ko na parang nakikipag usap sa isang batang paslit.

"Ewan ko sayo." pinalis ko ang kamay nya pero tinawanan lang nya ko. "Sige ingat. Pasalubong ko ha?"

Binuksan nya ang likod ng kotse at kinuha ang paper bag. Nag init na naman ang mga pisngi ko ng maalala ang laman non.

"Ok, missis. But for now..." lumapit sya sa akin at ginamit ang isang kamay para hawakan ako sa likod. "Use these. If you're missing me, isipin mo ako."

Halos mabilaukan ako sa sinabi nya. Is he really suggesting what I'm thinking it is?! Seryoso sya?!

"I'll miss you. I'll call you when I have the chance, ok? Don't miss me too much." hinalikan na nya ko ngayon sa labi pero smack lang saka na nya ko pinakawalan.

"Bye. Pasok ka na." wala na kong nagawa ng itulak na nya ko papunta sa bahay at ilagay nya sa kamay ko ang paper bag. Kahit parang napapaso ako hinawakan ko pa rin to ng mahigpit para na rin patakpan ang panginginig ng kamay ko.

Pumasok na ko bago pa man sya tuluyang makaalis. Nagpapasalamat pa ko na hindi ko nakasalubong sina mama o kuya. Or worse si daddy!

Pagpanhik ko ng kwarto ko, agad akong naglinis ng katawan at nahiga na. Late na rin kasi. Halos ten PM na rin ng gabi. May pasok pa ko bukas kaya pinilit kong matulog nalang.

Tatlong oras na ang nalipas pero biling baliktad pa rin ako sa higaan ko. Nagpatugtog na ko ng mga nakakarelax na music pero wala pa ring epekto.

Kinuha ko ulit ang cellphone ko and for the nth time, nag check ulit ako ng facebook. Ang dami ko ng na-stalk na mga kaklase ko. Pati na rin ang timeline ni Lex ay natingnan ko na. Dati kasi hindi ko naman pinagkakaabalahan pang tingnan ang FB page nya pero kanina, for the first time since naging friends kami sa FB, lahat ng posts, photos and videos nya ay nakita ko na.

Operation: Pop My CherryWhere stories live. Discover now