CHAPTER 64 - A New Identity: ZERO

Start from the beginning
                                    

"How I really missed you Miko." Rinig kong bulong ni Lance kaya naman napatigil ako sa pagkain at napaangat ang tingin ko sa kanya. Halatang nagulat siya sa pagtingin ko sa kanya at bahagya pa siyang namula at nag iwas ng tingin. Hahaha. Ang gwapo talaga nito. Nakakainis.

"Anong sabi mo Lance?" Kunwari'y tanong ko sa kanya. Hehehe. Kahit ang totoo, malinaw kong narinig ang bulong niya.

"Ah, eh, wala." Nahihiyang sagot niya. Nagkibit balikat nalang ako.

"Ah, akala ko pa naman sabi mo namiss mo ko." Bale walang sabi ko sa kanya. Gusto kong matawa sa reakshyon niya. Medyo nanlaki kasi ang mata niya at lalong namula. Di ko tuloy mapigilang mangiti.

"Aish. Miko naman eh. Wag mo nga akong titigan." Iritang sabi niya. Di ko na napigilan ang mapatawa. Grabe ang cute niyang mamula.

"Hahahaha. Sorry, ayos lang yan. Namiss din naman kita." Sabi ko sa kanya sabay tinuloy na ang pagkain. Alam kong natigilan siya sa sinabi ko at ngayon ay nakatitig sa akin. Ayoko ngang salubungin ang tingin niya. Kahiya kaya.

Di na kami nag imikan hanggang matapos ang pagkain namin. Tinulungan ko siyang maglinis ng pinagkainan kahit na ayaw niya. Nang matapos na kami ay tumuloy kami sa sala at nanood lang ng TV.

"Lance, sinong pinapahanap niya sayo?" Maya maya pa'y tanong ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin saglit sabay ibinalik din ang tingin sa TV.

"Pinapahanap niya ang kapatid niya. Hayato Takishima ang pangalan." Sagot niya sa akin.

"What? Bakit daw?" Gulat na tanong ko. Napaharap siya ulit sa akin at nagtataka akong tinitigan.

"Hindi ko din alam eh. Una niya akong pinapunta sa Korea pero wala doon kaya pinapunta niya ako dito. Teka, kilala mo si Hayato?" Nakakunoot ang noo niya habang matamang nakatitig sa akin. Tumango lang ako ng marahan sa kanya.

"Sa kanya kami nakatira ngayon. Tsk. Paano yan?" Napabuga nalang ako ng hangin at marahas ma sumandig sa sofa.

"Sa totoo lang, ayoko talaga siya hanapin kasi alam ko na may hindi magandang gagawin si Hitomi sa kanya pero pag hindi ko siya nahanap, kapatid ko naman ang mapapahamak. Wala na si mom and dad, yung kuya ko naman wala na kaming balita doon, si Lacey nalang ang natitira sa akin." Malungkot na pahayag ni Lance. Nagulat ako sa sinabi niya.

"Paanong wala na Lance? Don't tell me ..." Hindi na niya pinatapos pa ang tanong ko. Agad siyang sumagot.

"They killed them. They tortured dad cut his hands and send it to kuya Kyohei then they shoot mom through her heart. Si Lacey nalang ang meron ako at natatakot ako para sa kanya kaya sinusunod ko si Hitomi." Dama ko ang lungkot ni Lance. Niyakap ko siya agad ng mahigpit. Curse them all. Bakit nila ginagawa ito?! Bakit kay Lance?

"Don't worry Lance, everything will end soon. I promise you that. We will save Lacey." Mahinang sabi ko sa kanya. Naramdaman ko namang gumanti siya ng yakap sa akin at ramdam ko din ang pagkabasa ng balikat ko. Umiiyak ba siya?

"Please don't do unnecessary things Miko. Ayokong pati ikaw mawala sa akin." Bulong niya sa akin na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Those were just simple words yet I felt like it meant the world to me? Oh Lance, what have you done to me?

Humiwalay ako ng yakap sa kanya. Alam kong medyo nalungkot siya pero bahagya siyang nagulat ng hawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Marahan kong hinalikan ang mga luha niya. I hope I can lessen his pain but I know I cant. Nakatulala lang siya sa akin kaya nama nginitian ko siya.

"Don't worry, I won't. I promise. Marami ka pang sasabihin sa akin diba? Yung gusto mong sabihin noon bago mangyari ang lahat ng to, gusto ko pang marinig iyon kaya I won't die yet. Just not yet." Nakangiting sabi ko sa kanya. Sa sinabi ko, napangiti siya. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. It's just a simple smile pero I felt like it is the most precious smile.

WMAMTG (Unedited)Where stories live. Discover now