Entry #27

13 0 0
                                    


Title: Between Life and Death
UN: LavenderMoonlight20

Paano nga ba ako napunta sa kabilang mundo? Mundo kung saan nakikita ko ang lahat. Subalit hindi nila ako nakikita. Nararamdaman ba nila ako? Hindi.. Isang tao lang ang nakakaramdam sa akin, yun ay ang taong nabangga ko habang tumatakbo ako at pilit na tumatakas sa taong alam kong may masamang gagawin sa akin. Siya si Leslie ang babaeng karibal ko kay Andrew. Si Andrew ang lalaking mahal ko. Saan nga ba nagsimula ang journey kong ito? Journey na sa hinagap ay hindi ko maimagine at matanggap. Bago nangyari ang bangungot sa buhay ko ay masaya kami, masaya ang buong pamilya ko. Nagbabike pa ako sa harapan ng bahay namin, habang si Rachel ay nagpraparaktis ng baseball, si Dolly ay nakasakay sa stroller niya, habang si mama at papa ay masayang pinapanuod kaming tatlo at kinukunan ng litrato.
Ako si Louzy Bect, 14 years old. Ito ang aking kwento.
--------------------­-----------
Isang dapithapon ng June habang pauwe na ako ng bahay galing sa school ay dumaan muna ako sa isang malawak na taniman ng palay. Sariwa ang hangin dito at masasabi kong maganda ang lugar. Dahil malamig at umuulan ulan ay nakasuot ako ng bonet na kulay pula at makapal na jacket na kulay brown. Nasa kalahati na ako ng tumana ng makita ko si Mang Joe, ang misteryosong kapitbahay namin.
"Oh louzy, pauwe kana ba?" Tanong nya sa akin. Ngumiti ako at sumagot.
"Opo, galing po ako sa paaralan"..
"Ah ganun ba? May tambayan ako sa ilalim ng malawak na tumana, gusto mo bang makita?"
"Talaga po? Nako.. Sigurado akong magugustuhan yan ng kapatid ko, pwede po bang sa ibang araw nalang?" Tanong ko.
"Ngayon na.. Saka mo nalang isama dito ang kapatid mo, mainit doon dahil may malaking pugon. May wine rin na pwede nating tikman." kumbinsi pa nito sa akin.
Naisip ko wala namang masama kung sumama ako saglit, maaga pa naman para umuwe ng bahay.
"Sige po.. Pero saglit lang po ako dahil baka hanapin ako nila mama." wika ko.
"Oo naman.. Saglit lang. Sige halika na.." Aya nya sa akin.
Nagtungo kami sa sinasabi nyang hukay..Bumaba ako at ganun rin sya. Tama ang sabi nya maganda ang lugar at mainit sa loob. Hinipo ko ang ulo ko at napag-alaman kong nahulog ang bonet na suot ko.
"Mang Joe hahanapin ko lang po ang bonet ko. Sayang po kung mawawala." paalam ko at saka tumayo.
"Iha, mamaya mo nalang hanapin yun, wala naman sigurong magkaka interes doon. Kukuha ako ng wine dyan ka lang." sagot nya at itinulak ako paupo.
Bigla akong kinabahan, bakit parang nag-iba ang tono ng boses nya mataas ito at parang galit? Nagkibit-balikat nalang ako at iginala ang aking paningin. Nakita ko sa mesa di kalayuan ang isang matalim at makintab na itak. Yung kabang nararamdaman ko kanina ay mas lumakas pa noong makita kong may malaking palakol rin sa may gilid ko. Gosh! Ano ba itong pinasok ko? Hindi naman siguro sya masamang tao. Pero kahit anong kumbinsi ko sa sarili ay andyan pa rin ang katotohanang natatakot na ako.
Tumayo ako at akmang tatakas.
"Saan ka pupunta? Heto ang wine atin ng buksan?" Tanong ni Mang Joe sa akin na nanlilisik ang mga mata. Kulang nalang ay lunukin nya ako ng buhay.
"Uuwe na po ako Mang Joe, baka hinahanap na ako nila mama. At saka pagabi na rin po." sagot ko at mabilis na tinungo ang hagdan paakyat.
"Hindi pwede!! Dito ka lang!" Mariin nyang sigaw at sinugod ako.
Sa taranta ko ay mabilis akong umakyat ng hagdan pero hindi ko mabuksan ang batong nakaharang sa butas. Hinawakan nya ako sa paa at pilit na hinila pababa. Sa pagkakataong ito ay umiiyak na ako. Natatakot ako para sa sarili ko. Natatakot na ako sa inaasta nya.
"Mang Joe.. Wag po.. Marami pa po akong pangarap. Aalagaan ko pa po ang pamilya ko." Samo ko pero hindi nya ako pinakinggan. Hinataw niya ako ng bote sa ulo at dahil doon wala na akong maalala pa sa nangyari.
Nang magising ako ay mabilis na akong tumatakbo palabas ng hukay. Binilisan ko ang pag takbo, ayukong maabutan ng matandang yun. Sa pagtakbo ko ay nagpapalit ang panahon at lugar. Anong nangyayari? Bakit nag-iiba ang panahon? Nakarating ako sa school namin at nabangga ko si Leslie, hindi ko sya kaibigan pero kilala nya ako at kilala ko rin sya.
"Louzy?" Sambit nya sa pangalan ko.
"Asan? Wala naman si louzy eh." sagot ng kasama nya.
Hindi ko na pinansin pa kung bakit hindi ako makita ng kasama nya pero nagtama ang paningin naming dalawa ni Leslie at alam kung nakita nya ako. Tumalikod ako at muling tumakbo. Nakarating ako sa bahay ni Mang Joe at hindi ko alam kung bakit. Pumasok ako sa loob at hinanap sya. Natagpuan ko sya sa banyo na nakahiga sa bathtub habang nakababad dito at malakas na humahalakhak. Nadako ang tingin ko sa patak ng dugo sa aking paahan.
"Dugo?" Usal ko.
Nakita ko ang bracelet ko na nakalagay sa isang gilid ng bathtub. Hinawakan ko ito at pinatunog, sa pagkalansing nito ay nangilabot ang aking buong katawan. Anong meron? Nakita ko ang patak ng dugo na patungo sa isang maliit na cabinet. Pinuntahan ko ito at akmang bubuksan na ng marinig ko ang boses ni Mang Joe, sumisipol pa ito at malawak ang ngiti. Nang buksan nya ang pintuan ay tumakbo ako palabas ng bahay at nagtungo sa bahay namin.
Nakaupo lang sila sa sala at hinihintay pa rin ang pag-uwe ko.
"Mama?"
"Papa?"
"Rachel?"
"Dolly?" Usal ko pero ni isa sa kanila hindi ako nakikita. Hindi ko alam ang nangyayari. Bakit invisible ako sa paningin nila? Naiyak na ako, hanggang kailan ako magiging invisible sa paningin nila? Pinagmasdan ko lang sila habang patuloy na umaagos ang aking masaganang luha sa mga mata. Lumabas ako ng bahay at napansin ko ang panunuyo ng bulaklak, alam kong kakabukadkad palang nito kahapon pero bakit agad natutuyo na? Sariwa palang ito kahapon sa pagkakaalam ko. Tumingala ako sa langit at napatong
"bakit po nangyayari to sa akin? Muling nagpalit ang panahon napadpad ako sa kagubatan na hindi ko alam kung saan. Nahiga ako sa pagitan ng ugat ng kahoy habang nakatingin sa langit. Unti-unting nalagas ang mga dahon ng puno at sumibol rin agad. Gaano na ako katagal dito? Hinahanap pa rin ba ako nila Papa?
Sa kabilang parte ng kakahuyan ay nakita ko ang umiiyak na mukha ni papa. Tumayo ako at lumapit dito.
"Papa..andito ako" haplos ko sa mukha nya na hindi maiwasang maiyak. Biglang nagpalit ang panahon, nakita ko si Mang Joe na isinakay ang kahon sa sasakyan nya at nag drive. Iniisip nya kung saan dadalhin ang box. Masama ang kutob ko may kakaibang laman ang box na yun. Huminto sya sa isang coffeeshop kung saan naroroon din si Andrew na nalaman na ang pagkawala ko kasama nya si Leslie. Napansin nila ang matanda na kakaiba ang ikinikilos kaya minbuti nilang manmanan ito. At ng may mapansin na kahina-hinala ay agad na sinundan. Umuwe ito sa bahay nila kaya ang duda nila ay naibsan bagamat palaisipan pa rin sa kanila ang pagkawala ko. Sa kabilang banda nakita ni papa ang bonet na suot ko. Niyakap nya ito habang umiiyak.
"Anak.. Nasaan kana ba? Umuwe kana." Sambit nya.
Nagkaroon ng kaunting pag- asa ang puso nya na buhay pa ako, naniniwala pa rin sya at umaasang babalik ako. Pinahanap nya ako sa mga pulis pero maging ang mga pulis ay walang idea kung nasaan ba talaga ako. Si Rachel ay nagkaroon na rin ng duda sa aming kapitbahay kaya naman pinasok nya ang bahay ni Mang Joe. Nakita nya ang notebook nito na may sketch ng animo'y bitag para sa tao. Wala syang ibang nakita maliban sa isang notebook na maliban sa sketch ay may drawing din ito ng hukay o anu pa man. Nanindig ang balahibo nya ng mabasa ang isang pahina kung saan nakasulat ang mga pangalan namin.
"Bect daughters?? Kami yun ah." Takang usal nya. Kinuha nya ito at iniuwe sa bahay. Muntik na syang mahuli ni Mang Joe kung hindi nya binilisang umalis ng bahay nito.
Sa kabilang banda nasa sasakyan pa rin ni Mang Joe ang box na may bahid ng dugo. Nang mahalata nya ang pagdududa ng kapatid ko ay agad syang nag isip ng paraan kung paano nya lulusutan ang imbestigasyon.
"Nasaan ka po nung June 14, Mang Joe?" Tanong ng pulis sa kanya.
"Nasa bahay!" Walang gatol na sagot nya.
"Anong ginagawa nyo?" Muling tanong ng pulis.
"Nanunuod ng tv" sagot nito.
"SINUNGALING!!!" Sigaw ko.
"Ikaw ang kumuha sa akin!!" Dugtong ko pa habang patuloy na umiiyak.Nakatanaw lang ako sa kanila na abala sa paghahanap sa akin, muling nagpalit ang panahon at nakita ko si Andrew, ang buong akala ko ay nakikita nya ako kaya nakatingin siya sa akin, ngumiti pa ako pero isang guni-guni lang pala ang lahat. Ako lang ang nakakakita sa kanya. Nang hahawakan ko na sya ay bigla syang naglaho sa harapan ko. Hindi ko pa rin naiintindihan ang lahat. Muling nagpalit ng panahon at nakita ko si Mang Joe na binuksan ang box na nasa sasakyan nya at inayos ang laman nito. Nakita ng sariling mga mata ko ang katawan ko na pinag pira-piraso nya at isinilid sa sako saka isinilid sa box.
"Ang aking k-katawan! P-patay na ako?" Sambit ko na hindi makapaniwala. Humagulgol ako ng iyak. Hindi na ako makakabalik pa sa pamilya ko, sa pamilya kong miss na miss na ako. Patay na ako at hindi nila alam yun. Hindi nila alam ang nangyari sa akin. Hindi nila alam na pinatay ako ng aming kapitbahay.
"Louzy, ngayon alam muna na patay kana, isa nalang ang kaylangan mong gawin ang iwan na sila." mula sa isang tinig. Hindi ko alam kung paano nya nalaman ang pangalan ko.
"Ako nga pala si Mina, 12years old." pakilala nya.
Si Mina ay nakilala ko sa gubat nung panahong nasa pagitan ako ng mga ugat ng puno.
Ibig bang sabihin patay na rin sya?
"Ayuko.. Ayukong iwan sila, mahal ko sila at hindi ko sila iiwan!" Tanggi ko.
"Yan rin ang naramdaman ko noon, pinatay niya rin ako, nilunod nya ako at pagkatapos ay iniwan lang ang katawan na nakalutang, pero kaylangang gawin natin kung ano ang dapat, hindi habang panahon tayong mananatili lang rito sa between dahil wala na tayong pag asa pang muling mabuhay!" sagot nya.
"Bakit sya pumapatay?" Tanong ko.
"Hindi ko alam! Walang nakakaalam kundi ang sarili lang nya. Pero sabi ngbisa kong nakilala dito ay killer talaga sya. Nababaliw na sya at nasisiyahan sya sa ginagawa."
Umalis na sya sa harapan ko at iniwan ako. Hindi ko pa kayang iwan ang pamilya ko. Pinagmasdan ko ang pagplaplano ni Mang Joe upang patayin naman ang kapatid ko.
"Rachel.. Mag-iingat ka." Bulong ko na sana marinig nya. Walang ginawa si mama at papa kundi ang hanapin at hintayin ako. Gabi-gabi umiiyak sila sa pagkawala ko. Ang box na kanina ay nasa sasakyan pa ay dinala na ni Mang Joe kung saan nya itatago. Dinala nya ito sa tambakan ng basura kung saan tinatambakan ng lupa ang mga basura. Sinundan pa rin siya nila Andrew at Leslie pero huli na ang lahat mukhang malilibing na lang rito ang katawan ko habangbuhay. Ipinapatapon nya ito pero tumanggi ang operator lalo na ng mapansin nyang may dugong lumalabas mula sa box.
"Kinatay na hayop lang yan, believe me!" Kumbinsi sa kanya ng matanda.
Umiling ito..Nagkaroon ako ng kaunting pag asa na baka maabutan pa nila. Pero agad ding pumayag ang lalaki ng abutan sya nito ng pera. Sumisipol pa ang matanda habang pinapanuod ang pagbagsak ng lupa sa box kung saan naroroon ang aking katawan.
Nang makita ni Mang Joe na natabunan na ang box ay mabilis nya ng nilisan ang lugar.
Dumating sila Andrew at dahil sa pag-aakalang hindi pa nakakarating roon si Mang Joe ay nahiga muna sila sa lumang kubo hanggang sa makatulog. Ginamit ko ang katawan ni Leslie upang makausap at mayakap sya. Gustong gusto ko na syang yakapin ng mahigpit.
"Louzy??" Bulalas nya ng makita ang mukha ko. Ngumiti ako sa kanya ngiting huli na namin itong pagkikita.
"Andrew.." Sambit ko sa pangalan nya.
Hindi ko maiwasan ang umiyak kaya pumatak na ang mga luha ko. Pinunasan nya ito gamit ang kamay nya.
"Dumating ka, saan kaba nanggaling? wag ka ng aalis ha? Wag muna ulit akong iiwan!!" Wika nya habang umaagos ang luha sa mga mata. Tumayo sya at niyakap ako ng mahigpit na mahigpit.
" Pinuntahan kita dahil magpapaalam na ako sayo, wag muna akong hintayin. Hindi na ako babalik. Ito na ang huli nating pagkikita. Aalis na ako andrew, at hindi muna ulit ako makikita pa, pero babantayan kita, tatanawin kita mula sa malayo. Ako ang magiging anghel mo." wika ko.
"Wag!..wag kang aalis.. Wag mo akong iiwan..please! Louzy!!! Please.. Waaaaaaagggg!!!" Tutol nya at mas mahigpit akong niyakap.
"Andrew.. Mahal kita, mahal na mahal kita." sambit ko at ipinikit ang aking mga mata. Nagdampi ang aming mga labi sa una at huling pagkakataon.
Nang idilat ko ang aking mga mata ay matamis akong ngumiti sa kanya.
"Aalis na ako..wag muna akong hintayin, may mas deserve sa pagmamahal mo. May mas magmamahal sayo higit pa sa pagmamahal ko." wika ko.
"No! Louzy. Never! Hindi ka aalis. Hindi mo ako iiwan! Diba?" Hilam sa luhang tanong nya.
Hinaplos ko ang kanyang mukha habang unti-unti akong naglalaho sa paningin nya. Nagising sya habang tinatawag ang pangalan ko at malakas na umiiyak.
"Louzy!!!!" Patuloy nyang tawag sa pangalan ko. Niyakap at inalo sya ni Leslie na ok lang sakin kahit nasasaktan ako.
"Sssshhh-- tahan na.. Makikita rin natin sya. Matatagpuan natin sya." wika nito.
Umiling lang si Andrew.
"Hindi.. Hindi na natin sya makikita. Nagpaalam sya sa akin..umalis na sya." Patuloy nito.
"Andrew.. Makinig ka sa akin. Ang panaginip ay kabaligtaran ng reyalidad."
"Hindi yun panaginip. Totoo yun." At pinagpatuloy nya ang pag-iyak.
Wala akong magawa kundi ang panoorin lang sya habang nasasaktan.
Sa kabilang banda ang plano ni Mang Joe sa kapatid ko ay hindi natuloy. Mautak ang kapatid ko para kumagat sa pain nya at ako lang ata ang tanga na nauto nya.
Isang gabi ay nanggaling sya sa kung saan ng mawalan ng preno ang kanyang sinasakyan. Namatay sya sa pamamagitan ng pagsabog ng sasakyan nya. Kabayaran na rin yun sa pagpatay nya sa akin. At itinapon, itinago nya sa lahat ang aking katawan.
-------------------------
Lumipas ang mahabang panahon na sa tingin ko ay sampung taon na ganto lang ako, nakatunghay sa kanila habang umiiyak. Minsan nasa dalampasigan ako pinapanuod na lumubog ang araw, minsan nasa parang ako at hinihintay ang pagsikat ng araw at kadalasan nasa kinatatayuan ko ako nakatunghay lang sa mga taong mahal ko. Sa paglipas ng panahon unti -unti ko ng natatanggap ang pagkamatay ko kahit na masakit at mahirap. Maraming nagbago. Hindi pa rin ako nakakalimutan ni Andrew kahit na matagal na panahon na ang nagdaan. Ikinasal na silang dalawa ni Leslie na sana ay ako. Nakamove on na ng bahagya ang aking pamilya sa pagkawala ko base sa aking nakikita. Si Rachel sa kasalukuyan ay may asawa na at buntis ito sa panganay nya. Si Dolly ay dalaga na at kasing laki ko na nung nawala ako at AKO? HETO! Nananatili pa ring bata ang itsura. Sila ay mas matured na. Andito pa rin ako kinalalagyan ko sa kabilang mundo. Mundo kung saan ako lang ang nakakakita sa kanila. Siguro kung hindi ako pinatay ay may sariling pamilya na rin ako kasama si Andrew at tapos na ako sa pag aaral. Bagamat patay na rin ang taong kumuha sa buhay ko ay hindi pa rin ako lubusang masaya, hindi ko nakuha ang katarungang nais kong makuha.
"Louzy, it's time, kaylangan na nating umalis, at magtungo sa dapat nating kinaroroonan. Hindi ka nila makakalimutan. Kung mananatili ka lang rito hindi mo sila mapapatahimik at isa pa wala ka ng makakasama pa, nagdesisyon na ang lahat na umalis rito." Paalala sakin ni mina.
"Sige, sasama ako sa pag alis nyo. Tuluyan ko na silang palalayain pero hindi ko sila iiwan, mananatili akong nasa puso nila. Pero teka lang.. Kahit ilang sandali nalang gusto ko pa silang makita" sagot ko.
"Sige.. Sumunod ka sa tagpuan , sa malaking puno na natatamaan ng matalim na sinag ng araw, doon tayo magsisimulang maglakad." Sagot nya. Naging kaibigan ko na rin sya dito. Sya ang lagi kong kasama. Tumango lang ako. Desidido na ako sa gagawin ko, matagal na panahon na ang nagdaan at hindi na ako makakabalik pa sa kanila. Kaylangan ko na ring maging masaya dahil okay na sila.
Pagkaraan ng ilang sandali ay tumayo na ako. Papalubog na ang araw at kaylangan kung sumama sa kanila. Dahil kung hindi magiging mag-isa nalang ako dito at walang kasama.
Ang mga buto ko ay tuluyan ng natabunan ng mga damo at kinain na ng lupa. Walang nakakaalam, walang nakakita. Mananatili itong lihim hanggang sumapit ang isang araw na may makakuha nito mula sa ilalim ng lupa at basurahang kinaroroonan. Ang katawan kong itinago sa mga magulang ko ng isang taong hindi ko alam kung ano ang naging atraso ko para gawin nya yun sa akin. Nagtungo na ako sa kinaroroonan nina Mina. Oras na para lisanin namin ang lugar na kung tawagin ay between. Nakita ko kung gaano sila kasaya dahil lilisanin na nila ang lugar na ito.
"Halika kana Louzy" aya sa akin ni Jake na biktima rin ni Mang Joe.
"Oo, sasama ako sa inyo!" Wika kong nakangiti. Inihagis nya sa akin ang dalang bola at sinalo ko, I used to play it with Rachel noong buhay pa ako.
Bago ako tuluyang sumunod sa kanilang patawid na sa kabilang buhay ay lumingon ako sa kinaroroonan ng mga mahal ko sa buhay.
"Mama.. Papa.. Rachel.. Dolly..at Andrew.. Mahal ko kayo, naniniwala akong muli tayong magkikita at magkakasama-sama pagdating ng tamang panahon.. paalam..." Kaway ko sa kanila habang maluha luha ang aking mga mata. Pinilit kong ngumiti.
"Hihintayin ko kayo, hihintayin ko ang pagdating nyo. Hihintayin ko kayo pag tama na ang panahon sa --Kabilang buhay!" Dugtong ko pa.
Tumalikod na ako at tumakbo patungo sa kanila na masayang nagsisimula ng maglakad patungo sa dapat naming puntahan - Ang Paraiso ng mga taong kahit kaylanman ay hindi na muling mamamatay sa Kabilang Buhay.. Kung saan kasama na namin ang lumikha sa akin, sa kanila at sa iyo. Ang Diyos na kahit kailan ay hindi natutulog. Ayuko ng kwestyunin pa ang nangyari sa akin dahil alam kong ang lahat ay may dahilan at patutunguhan. smile emoticon
-
--=WAKAS=--

Write A Shot Contest: TragicWhere stories live. Discover now