ENTRY #5

13 1 2
                                    


Title: Depression
Pseudonym: terrencebvr

Nandito lamang siya sa kanyang silid, nakatakip ang mga tainga, nakabukas ang mga mata. Kumakabog ang dibdib sa kaba.

"Wala ka nang ginawang tama Rea! Pabigat ka na nga't lahat 'di mo pa magawa ng mabuti yung iniuutos ko! Punyeta ka talaga! Sumasakit ang puso ko sa'yo" diwara ng kanyang Ina, habang si Rea hayun at nakatakip pa rin ang mga tainga.

Araw araw ganito na lang ang gawi nila, bawat maling gawin at masabi ni Rea bubusugin siya ng masasakit na salita nito. Nakakaawa, kasi kinalakihan na niya ang ganitong sistema, ni hindi niya alam ang salitang pagmamahal dahil hindi niya ito nararanasan, miski sa mga kapatid niya, uhaw siya.

"Hoy Rea, 'wag ka ngang tatanga tanga diyan! Hugasan mo na yung mga pinagkainan doon, tamad tamad!" Wala. Walang nagmamahal sa kanya, ito ang pakiwari ni Rea.
Kulang na kulang, naiisip niya tuloy, parte ba siya ng pamilyang 'to?

Biktima na nga siya ng pangmamaliit sa eskwelahan, pati ba naman sa sarili niyang tahanan?
Tuwing gabi tanging mahihinang hikbi na lamang ang kaya niyang gawin, dahil hindi niya kayang lumaban, hindi niya kayang manumbat, hindi niya kayang sumagot.
Ano pa bang silbi ng buhay kung ni isang tao, walang nagmamahal sa kanya.
Lahat na lang isunusuka't minamaliit siya.

Nandito na naman siya sa maliit at madilim na kwarto na naging saksi ng lahat ng paghihirap niya, naging saksi kung paano siya hiyawan, murahin, at saktan ng Nanay niya.
Ayaw na niya, suko na.
Kung ganito lang rin ang magiging papel niya sa mundong ibabaw, mabuti sigurong lumisan na lamang siya.
Tahimik lamang si Rea, pinagmamasdan ang lubid na mahinang gumagalaw galaw dahil sa hangin na pumapasok sa silid niya, sa ilalim naman nito ay isang di kataasang bangkito, tumayo siya't dahan dahang umakyat sa nasabing bangko, ipanlupot ang lubid sa kanyang leeg, isang maling galaw lamang ay malalagutan siya ng hininga...
Bago siya nakapagdesisyon ay isang patak ng luha at isang salita na lamang ang naiwan niya.

"Paalam"

Wakas.

Write A Shot Contest: TragicWhere stories live. Discover now