Chapter 11

8.2K 201 7
                                    

He kiss me.

He kiss me.

He kiss me.

Bigla akong namula at pumiglas sa pagkakahawak sa kanya. At bigla na lamang nagliwanag dahil sa mga flash ng mga camera ng mga photographers na naroroon. Eto ba ang tamang timing para ipakilala sa lahat si Austin bilang boyfriend? O bilang fiancee? Bigla na lamang akong hinawakan ni Austin sa balikat at dahan-dahang inalalayan papalabas ng hall. Parang nag slow-mo ang nangyayari. Para akong siraulo na nawala sa katinuan ng dahil lamang sa isang halik. Pull yourself together, Ziah!

"Pull yourself together, Ziah!" bulong ni Austin. At lahat ng tao sa hall, mga reporters at kung sino-sino pa ang sumusunod sa amin.

Madam Z! Is this guy is your boyfriend?!

Miss Ziah! Please answer the question!

"Brett! Sue! You need to go," sabi ni Austin kala Sue at maingat niya akong ipinasok sa sasakyan, hindi ako makapagsalita pero nakatitig lang ako kay Austin. Tumingin siya sa akin at natawa.

"Ziah? I'll definitely see you tomorrow! Brett! You know what to do," at isinara na ni Austin ang pintuan ng sasakyan at hindi ko alam kung papaano siya tatakas sa dami ng reporters na nakaharang sa daan.

Bumalik na lamang ako sa ulirat ng nakalayo-layo na kami nila Sue at Brett sa venue ng Magic Ball. Nakatitig sa akin si Sue at tila nag-aalala sa akin. Ngumiti ako at hinawakan ang mga labi ko.

"What happen Madam?! Bakit bigla na lang nagkaroon ng gano'n?" seryosong tanong ni Sue sa akin.

"I was kissed by a man, Sue." at bigla na lamang napahinto si Brett sa pagdadrive.

"Brett! Ano ba?!" naiinis na sabi ni Sue.

"Si Madam kasi! Tama ba yong narinig ko? Hinalikan siya ng lalaki?!" nanlalaking matang tanong ni Brett kay Sue. Bumalik naman ang tingin ni Sue sa akin at hinintay akong matapos sa pagiging tulala ko. Hinawakan ako ni Sue sa balikat at iniharap sa'kin. 

"Madam? Bakit ninyo hinayaang halikan kayo ng lalaking iyon? Kaya naman pala nababaliw na  naman ang media dahil 'yon pala ang nangyari. Mabuti sana kung kilalang kilala niyo na siya?" nakakunot ang noo ni Sue at alam kong naiinis siya sa nangyari. Bumuntong hininga ako at hindi na muling nagsalita pa. Sa biyahe namin hindi matigil ang tunugan ng mga cellphones namin at iisa lang ang nais nila ang mainterview ako at makilala nila si Austin. 

Hindi namin 'yon pinansin hanggang sa makarating na ako sa bahay, hindi ko na din naabutan si Shine dahil maaga itong nakatulog. Dumiretso ako sa kuwarto at inihiga ang pagod na pagod kong katawan. Paniguradong bukas ay malaking issue na naman ang aking kakaharapin. Habang sa pagkakahiga ko hindi ko maiwasan ang nangyari kanina, hinawakan kong muli ang labi ko at inulit ang mga eksena sa isip ko hanggang sa di ko namalayang nakatulog na ako. 

-

Narito naman ang pinaka highlights ng taunang Moonlight Magic Ball. Masayang masaya naman na humarap sina Georgina Smith at Matthew Cruz na kamakailan lamang na lumipat sa Moonlight network dahil sa pagkakaroon ng problema sa kanilang CEO. Mukhang happily in love naman ngayon ang CEO ng ZAC Network kung saan naimbitahan itong maging panauhing pangdangal ng nasabing pagdiriwang. Naaktuhan naman ang sweet na sweet na kiss ng ang sabi ng mga sources ay boyfriend daw niya. Matatandaang nagkamit ng parangal sa Malacañang si ZIah Alfonso-Costavo bilang isa sa mga pinakasuccessful woman sa bansa. 

Nagising ako sa malakas na volume ng TV at pagyugyog sa kama. Pinilit ko namang imulat ang mga mata ko at naaninag kong talon ng talon si Shine sa kama pinilit ko siyang paupuin pero dahil sa sobrang antok na antok pa ako wala akong lakas para gawin 'yon. Napansin ko ring may parang tao na nakaupo sa may tapat ng bintana. 

Rent A Gentleman 2 (ZIAH & AUSTIN STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon