Chapter 3

10.1K 183 7
                                    

Matapos kong i-check ang lahat ng departments, projects and trainees bumalik na ako ng opisina ko para mag prepare para sa pupuntahang movie premiere nina James Reader at Nadine Illustrado, naabutan kong naghihintay si Sue sa akin sa loob ng opisina. At ibinigay niya sa akin ang isang folder na naglalaman ng mga information regarding sa Moonlight Magic Ball, napahinto ako sa paglalakad at binasa iyon.

"Moonlight Magic Ball? Kasali ako dito?" Nagtatakang tanong ko kay Sue.

Ang Moonlight Network ang isa sa mga pinaka-rivalry ng kumpanya mula noon hanggang ngayon. Pagmamay-ari ito ng mga San Luis - Delmonico Family, isa din sa mga successful generation when it comes to business.

"They're inviting you to come mam, kung talaga daw bang isa kayo sa mga maimpluwensyang babae sa bansang ito hinding-hindi niyo raw iyan tatanggihan." Dahan-dahang paliwanag si Sue sa akin. Hindi ko alam kung kaninong idea ito pero hinding-hindi ako umaatras sa mga imbitasyon ng mga kalaban.

"Ka..kailangan niyo raw po magdala ng ka-date" Nauutal na sinabi ni Sue. Is there any law na nagsasabing required magdala ng date?!

"What?! A date?! Why do I need to come to that party with a date?! At sino namang may pakana noon?!" Naiinis kong tanong kay Sue. Alam kong hindi alam ni Sue kaya naman nag-sorry ako agad sa pagtataas ng boses. Umupo ako at nakatulalang nakatingin sa folder na binigay ni Sue. Biglang nag-ring ang phone niya at sinagot niya iyon habang nakatulala ako.

"Uhm mam? Si Miss Georgina po na sa kabilang line?" Binigay sa akin ni Sue ang phone at lumayo ito ng bahagya sa akin, umupo at hinintay ang magiging usapan namin.

"Hello?" Maayos kong sagot sa phone at bumuntong hininga.

"Hi Miss Ziah! Have you found my inviteyshen? Regarding the Moonlight Magic Ball?"

"Oh? the invitation? Yes, actually hawak-hawak ko siya ngayon. So, anong pag-iinarte ito?" Napairap kong tanong sa kanya. Bigla naman siyang natawa sa sinabi ko.

"Syempre, titignan natin kung sino ba sa ating dalawa ang sikat at kagigiliwan ng lahat. At syempre gusto ko ring malaman nila na walang nagmamahal sayo dahil wala kang dadalhing ka-date o boyfriend" Kaya pala kating kati siyang iinvite ako dahil sa gusto niya lang ipagsigawan sa buong mundong walang nagmamahal sa akin? Talagang sinusubukan ako ng babaing to eh.

"Don't worry, hindi ko ugaling mag-decline ng invitation lalo na pag galing sa kabilang istasyon at lalong lalo na sayo. I hope hindi ka magisa sa sarili mong mantika, boyfriend? Iyon lang ba? I'll see you on Sunday. Sorry if I have to hang this call, pupunta pa ako sa movie premiere ng dalawang sikat na artista ng Z.A.C. So I am wishing you all the best and long contract there Georgina, and I hope na kayanin nila ang ugali mo. Bye-bye!"

Binaba ko ang phone at binigay iyon kay Sue. Bigla na lang akong napahinto at napa-isip kung paano ko hahanap ng pwedeng i-front sa kanilang lahat. Hindi naman ako pwedeng kumuha ng kahit sino-sino lang dahil kilala ako ng lahat. Napatingin ako kay Sue at naghihintay lang siyang magsalita ako.

"If wala akong ka-date ibig bang sabihin noon ay walang nagmamahal sa akin?" Napakamot naman itong si Sue sa ulo at inisip ang isasagot niya. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at tumalikod na lamang ako at muling binasa ang tungkol sa Moonlight Magic Ball.

"Madam Z? We have to go, kanina pa po nag-aantay si Brett sa baba" Nag-aalalang paalala ni Sue sa akin. Okay sa kakaisip ko sa invitation na ito nawala nanaman ako sa focus. Tumayo ako at kinuha ko na ang bag ko, habang sinusundan si Sue palabas napansin kong halos lahat ng empleyado ko ay nakatingin sa akin. Pag titignan naman sila iiwas naman sila ng tingin? Yung totoo?

Rent A Gentleman 2 (ZIAH & AUSTIN STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon