Chapter 4 - Animositiy

2.2K 72 18
                                    

Pumunta kami sa CR kung saan naganap ang crime scene..

Naghintay kami duon, dahil dadalin ni sir Ryuu ang dalawang suspects sa loob ng banyo.

"They're coming..." bulong ni Akane.

Ilang minuto ay nandito na sila sie Ryuu kasama si Ivan at David.

Buti na lang at maluwag ang CR. Lumabas si sir Ryuu at kaming walo lang ang naiwan sa loob.

Nakabantay si Reiji at Riye sa pinto. Habang si Ken at Akane ay nasa kabilang dulo.

Nasa may gilid kami ni Hiro at nasa gitna ang dalawang suspects.

"Umamin ka na, killer." Sabi ni Akane.

"Come on. Ng matapos na 'to." Seryosong sabi ni Riye.

"Teka. Sino ba samin?" Tanong ni Ivan. Tinignan ko sya ng mabuti.

"Dapat alam nyo yan sa sarili nyo." Sabi ko at tinitigan sya ng mabuti.

"Ayaw mo ha. Sige. Sasabihin namin kung pano mo ginawa ang pagpatay mo sa magkasintahan." Sabi ni Ken at nagpatunog ng daliri nya sa kamay.

"Mr. Ivan Aguilar..." halatang nagulat si Ivan dahil binaggit ni Hiro ang pangalan nya.

"Mr. Aguilar, tumabi ka. Mr. Jasmin, you are under arrest."

Halatang gulat na gulat si David. Well, it's his fault. Mamamatay tao sya.

"What!? Why me!?" Sigaw nito.

"We'll explain." Sabi ni Hiro.

"Aksidente kang nasukahan nung babae. Kaya pumunta ka ng CR. Totoo yung alibi mo. Pero nakapagtataka naman yata at magfififteen minuites ka nang nagtatanggal ng suka sa pants mo?" Sabi ni Akane.

"Habang nasa banyo ka, dun pumasok si Mr. Ivan na may dalang breadknife at sibMr. Veron na may hawak na wine glass. Sumuka si Ivan sa bowl, umalis sya at naiwan yung breadknife. Pinatong ni Veron yung wineglass nya at umihi sya sa isang cubicle. Ginamit mo yung chance na yun para lagyan ng HCI or hydrochloric acid ang wine nya. Nakalagay yung HCI sa isang maliit na beaker at may takip ito. After mong malagyan ng HCI yung wine ay iflinash mo yung beaker at takip sa isang bowl. Pero namiscalculate ko kami. May nakita kaming isang droplet ng HCI sa gilid ng bowl na ginamit mo. Aksidenteng tumulo siguro after mong itapon yung beaker sa bowl." Sabi ni Ken at namutla sya ng konti.

"Pagkalabas ni Mr. Veron sa cubicle, ininom agad nya yung wine nya at naghello sya sayo. Pero hindi ka naghello pabalik, dahil kinuha mo yung breadknife sa sahig at di ka nagdalawang isip na saksakin sya sa dibdib nya." Sabi naman ni Reiji.

"You used Ethylene Oxide that's inside your bag to fumigate your hands and to erase the evidence that you held the breadknife. Para pag ininspect ka ng mga pulis, walang fingerprint ang makikita sayo. And you also cleanse the handle of the breadknife para mafumigate din yung fingerprints mo. But we are your miscalculation." Sabi ni Riye at sabay pakita ng fingerprints evidences kay David.

"After that you went out and headed the bar again like there's nothing brutally happen. Unfortunately, Veron was still alive to the point that he can manage to crawl and he ended up outside the comfortroom with too much lost of blood. He suddenly relinquish the wineglass until it gets broke." Sabi naman ni Hiro.

"At HCI din ang pinampatay mo kay Kamille. Pero through injection." Dagdag ni Reiji.

"Brilliant. At pano nyo naman nalaman lahat ng yan?" Natatawa nyang tanong.

"I heard it all clearly." Sagot ko.

"Ano yun? May surveillance camera kayo sakin?" Sarcastic na tanong nya.

"Surveillance camera, we haven't. But a transmission device, we definitely have." Sabi ko at lumapit ako sa kanya na ikinagulat nya.

Tumingkayad ako at kinuha ang sticky radio sa likod nya, which is sa collar ng uniform nya. Ang tangkad nya lang. Kasing tangkad ata ni Hiro.

Umatras ako ng konti. Tinanggal ko sa kaliwang tenga ko ang kalahati ng sticky radio. Pinagdikit ko ang sticky radio at ang earpiece, parang nagmagnet silang dalawa, at pinakita ko sa pagmumukha nya yung hawak kong device.

Naging pula ang mukha nya at alam kong naiinis sya dahil naisahan namin sya.

"Umamin ka na." Sabi ni Ken.

"Fuck that! Oo! Ako ang killer! Bakit ko sila pinatay!? Dahil ginago nila ko! Ex ko si Kamille! Oo Ex-girlfriend ko sya! Kaso inagaw sya ni Veron sakin! Balak kong maghiganti, naging kami ng kapatid nya, si Kasey! Nuong una, dapat gagamitin ko lang si Kasey para makuha ulit si Kamille. Pero nuong tumagal, totoong mahal ko na si Kasey!! Aabot na sana kami sa one year, pero ano!? Pinaghiwalay kami ni Kamille!! Sila na nga ang masaya ni Veron, masaya na sila, nagparaya na 'ko! Masaya na ako kay Kasey! Mahal na mahal ko si Kasey pero, di ko alam kung ano nagawa ko at pinaghiwalay nya kami. Ako na nga ang naagawan nuong una, ako padin ang mawawalan sa huli!? Dapat lang silang mamatay!" Sabi ni David na ikinagulat ko. Umiiyak sya ngayon.

Nagulat ako sa nalaman naming ex nya si kamille at ginamit nya ang kapatid nito. Pero di ko akalaing mahal nya pala talaga si kasey at seryoso sya. Kaso pinaghiwalay sila ni kamille.

Napansin ko na kanina pa hawak ni Reiji ang braso ni Ivan. Namumugto ang mata ni Ivan at gusto nyang sugudin si David.

"Hayop ka David! Wala kang kwenta!" Sigaw ni Ivan at nabingi ako duon dahil ang lakas ng sigaw nya. Miski si Akane ay napatakip sa tenga nya.

"Dapat lang sa kanila na mamatay! Ginawa nila akong miserable!" Sigaw pabalik ni David.

"Sa katunayan ay hindi pa naman talaga miserable ang buhay mo. Kung hindi mo sila pinatay, edi sana magagawa mong aminin sakanila na mahal mo talaga si Kasey." Sabi ni Riye kay David.

"Hindi sa lahat ng oras, kakampihan ka ng tadhana at laging swerte lang ang dadating sayo. Minsan subukin mo din na magpakumbaba at tanggapin kahit gano man kasakit." Sabi ni Akane.

"At hindi porket ginawa ka nilang miserable, pagpatay agad ang nasa isip mo. Pwede mo namang gawing masaya ulit ang buhay mo kung gugustuhin mo." sabi ni Reiji.

"Pero anong ginawa mo? Mas ginawa mo pang miserable at komplikado ang sitwasyon mo." Dagdag ni Ken.

"Wag mong paiiralin ang katangahan at init ng ulo mo. Magsikap ka na ibalik sa dati ang buhay mo. Walang gamot ang pagiging tanga kundi pagkukusa. Tandaan mo yan Mr. Jasmin." Sabi ko at tinignan sya ng mabuti sa mata. Halata ang lungkot sa kanya.

"Pero dahil pumatay ka ng tao, hindi lang isa kundi dalawa. Mr. David Jasmin, you are under arrest for attempted murder. Tara na sa kulungan, pagsisisihan mo pa ang pagiging tanga mo." Sabi ni Hiro at pinosas na sya.

Nang makalabas kami sa CR ay nakaabang samin ang mga tantei police.

Binigay na ni Hiro si David kay sir Ryuu.

"Nice work, Atama."

***

Habang nasa biyahe papauwi, hindi ko maiwasang malungkot.

Nakaupo lang ako sa cushion at nakapangalumbaba sa lowtable.

"Iba talaga ang nagagawa ng love noh?" Sabi ko at tumango si Akane.

"Ganun talaga. Love is a sacred thing for each and every person." Sabi ni Ken at tinignan sya ni Akane.

"Saan mo naman hinugot yan?" Tanong ni Akane.

"Sa utak ko." bulong ni Ken at binatukan sya ni Akane.

Pinagtawanan naman sila ni Riye at si Reiji ay nakapangalumbaba lang din sa lowtable.

Si Hiro naman ay nakaupo lang din sa tabi ko pero nakadilat.

"Love is just for strong." Sabi bigla ni Hiro.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Love and tragic are twins. When you can't accept the blues, animosity will be created inside. You can't love someone. You won't be love. Peoples you treasure might be disregard you."

***

Si Akane po yung nasa multimedia :)

Eighth SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon