Chapter 26

12.5K 348 30
                                    

Chapter 26

Nandito kami ngayon sa airport at ilang oras na rin kaming naghihintay nina. Si Mommy, Daddy at Zev ang kasama ko. Ngayon kasi ang uwi ni Kuya at ni Ate Sham.

Hindi ko pa rin nakakausap si Tyler. Tumatawag sya kagabi pero hindi ko sinasagot. Pinatay ko ang phone ko dahil ayaw ko na munang makipag usap. Ayaw ko munang mastress dahil hindi lang naman sarili ko ang kailangan kong alagaan ngayon. May dinadala ako ngayon sa sinapupunan ko kaya hindi ako pwedeng mastress.

May balak pa rin naman akong sabihin ito kay Tyler, pero hindi pa ngayon. Aayusin ko na muna ang lahat. Ilang araw na lang ay kasal na namin pero hindi ko pa rin malaman kung may kasal pa bang matutuloy.

Maya maya ay naaninag na namin si Kuya kasama si Ate Sham. Ilang taon na ring hindi nakakauwi si Kuya dito sa Pilipinas. Simula kasi ng magdesisyon sya na magpunta sa London ay hindi na sya nagbalak pa na umuwi. There's something kay Kuya na hindi nya sinasabi sa amin.

"Zev zev..." Bungad ni Kuya nang makalapit sya sa amin. "Uncle missed you so much little boy." Sabi nito nang kinalong si Zev.

"At kami hindi?" Tanong ni mommy. Inirapan ko lang si Kuya. He love my son so much. Si Kuya kasi ang nakatulong kong magpalaki kasi Zev noong nasa London pa kami, kaya masyado syang malapit sa anak ko.

Nakipagbeso beso sa amin si Ate Sham. Parang may nagbago sa kanya ngayon. Para syang tumaba o dahil lang sa suot nyang damin.

"Let's go, para makapagpahinga na kayo." Aya ni Daddy sa amin.

Alas tres na ng hapon at naipit pa kami sa kahabaan ng traffic. Hindi na ito bago sa Pilipinas. Kahit saan ka ata lumusot ay may madadatnan kang traffic. Umuusad naman kahit papaano pero sobrang bagal pa rin. Mabuti nalang at may dalang pagkain si Mommy kaya hindi magugutom si Zev.

Naisipan kong buksan ang phone ko at nang mabuksan ay sunod sunod ang message na pumasok at halos lahat ay kay Tyler galing. Hindi ko nalang ito pinansin.

Nang medyo umayos ang takbo ng sasakyan ay biglang nag ring ang phone ko. Tinignan ko ito at papatayin na sana ang tawag ng makita ko na si Tita Kristina ito. Ang mommy ni Tyler. Nagdalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba ito o hindi, pero sa huli ay sinagot ka na rin.

"Hello Tita." Bati ko. May naririnig akong mga ingay sa background pero hindi ko nalang ito pinanasin.

"Lj, darling gusto sana kita iinvite mamaya dinner. Umuwi kasi ang mga kamag anak ko at ng Papa Stephen mo, ipapakilala namin kayo ni Zev." Sabi ni Tita sa kabilang linya. Hindi ko alam kung pauunlakan ko ba ang alok ni Tita. Pero naisip ko si Zev. May karapatan sila na makilala si Zev.

"Okay lang po Tita, pupunta lang po ako diyan." Sagot ko kay Tita.

"Nako, ipapasundo nalang kita kay Tyler." Ani tita.

"Huwag na po..." hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay pinutol na ako ni Tita.

"Anong huwag na. Sige na papapuntahin ko diyan si Tyler sa inyo para sunduin ka. Bye." Hindi na ako hinayaan pang makatanggi ni Tita at pinutol na nya ang tawag.

Alas singko ng hapo ng makarating kami sa bahay, hindi kalayuan ang bahay namin pero inabot pa rin kami ng siyam siyam dahil sa traffic. Malala na talaga ang traffic dito sa Pilipinas.

Sinabi ko kina Mommy na kila Tyler ako mag didinner ngayon. Mukha pa ngang nag tampo si Kuya dahil ang akala nya ay mag sasabay kami ng dinner ngayon. Kaya ang sabi ko ay next time bukas nalang.

Umakyat na muna kami ni Zev sa kwarto para mabihisan ko si Zev at nang mabihisan ko ibinaba ko na muna sya kina Kuya para makapag ayos ako.

Nang matapos ay agad na aking bumaba saktong alas sain ng dumating si tyler sa bahay para sunduin kami ni Zev. Nakipag usap na muna sya sait kina Kuya bago kami umalis.

Mistakenly Got PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon