Chapter 23

13.7K 335 22
                                    

Chapter 23

Dumaan ang araw at linggo, nakauwi na si Tyler ng Pilipinas pero kami ay nasa London parin, next week will be our flight going back to Manila.

Medyo naging busy ako nitong nakaraan mga araw dahil nagkaproblema sa mga designs, may konting pinabago lang si Mrs. Bautista pero naging okay na din.

Inaasikaso ko na ngayon ang resignation letter ko. Nag paalam na rin ako sa mga naging katrabaho ko. I will surely miss them. Medyo matagal ko na din sila nakasama, especially Mrs. Bautista, sya ang mentor ko, and she treated me like her daughter too.

Nageempake ako ng gamit ko ng pumasok si Kuya sa kwarto ko na kalong si Zev.

"You're leaving again, and for sure it is for good." Ani ni kuya, ayaw pa nga nya akong pauwiin dahil matagal pa naman daw ang kasal pero masasayang ang ticket namin.

"Kuya, para namang hindi na tayo magkikita nyan. Uuwi ka naman sa kasal ko diba?" Sa kasal ko na kasi sya uuwi, sabi nya ay para daw mahaba haba ang magiging leave nya. And they are planning their wedding too, yun nga lang ay one year after my wedding pa. Sabi ko nga kung pwede lang sabay, but then I guess dapat din ay hiwalay dahil they have their own love story, hindi babagay maisabay sa kasal kasalan.

Wedding is for the two person who truly love each other. Not for thos people na wala namang love na nagaganap. Masasabi mo lang na kasal kayo dahil sa papel pero ang puso nyo hindi. You can fool the people around you but you can't fool yourself or your heart.

Mabilis na lumipas ang mga araw, natapos ko na din ang dapat kong ayusin. Natanggap na at napirmahan na rin ang resignation letter ko.

"So pano? Sa kasal nyo nalang tayo ulit magkita?" Si kuya iyon, nandito na kami ngayon sa airport.

"Ano pa nga ba? Eh ayaw mo naman umuwi ng Pilipinas pa." May halong pagtatampo na sabi ko kay Kuya. Ever since went in London, hindi na sya bumalik ng Pilipinas, kaya kami ang bumibisita sa kanya palagi. Sabi nya ay wala na naman daw syang babalikan pa sa Pilipinas, tutal naman daw ay napunta din kami ng London kaya ayos na daw iyon. Malakas ang kutob ko na may ibang nangyari kay Kuya sa Pilipinas, biglaan din kasi ang desisyon nya na sa London na tumira. Before he went in London, I know he has a girlfriend. Nawalan na din ako ng balita noon sa girlfriend nya tapos nabalitaan ko nalang na may iba na pala si Kuya which is si Ate Sham.

"Hello baby Zev, mamu missed you so much." Salubong ni mommy sa amin ni Zev. Sila kasi ang nagsundo sa amin ngayon, ang alam ko nga ay si tyler ang susundo sa amin kaya nagtaka ako nang sina mommy ang nakita ako.

"How's your flight sweetie?" Tanong ni daddy sa akin.

"Nakakapagod umupo." Sabi ko sabay tawa. Totoo naman, kahit nakaupo ka ay nakakapagod din.

Si mommy ang nagbuhat kay Zev habang pinagtulungan namin ni daddy ang dala naming gamit ni Zev, medyo kasi nadagdagan iyon dahil dinala ko na rin ang mga natira ko pang gamit na nasa London.

Nagdadrive si daddy, sa tabi naman nya ay si mommy, nasa likod kami ni Zev. Habang naiipit kami sa traffic at pinatulog ka na muna si Zev, si mommy naman ay may kausap sa phone nya.

Nang matapos ni mommy ang katawagan nya sa phone ay bumaling sya sa amin.

"LJ ihiga mo si Zev para hindi ka mahirapan." Sabi ni mommy nang makita nya na tulog si Zev sa kandungan ko.

"I'm fine mom." Sabi ko sabay ngiti kay mommy. Ganun naman talaga eh, kapag magulang ka na, hindi ka mapapagod basta para sa mga anak mo. Mom never get tired to us. Napapagod sila pero magpapahinga lang sila saglit and after that, okay na ulit.

Mistakenly Got PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon