Chapter 17

13.7K 395 26
                                    

Chapter 17

Kanina pa ako hindi mapakali sa kama ko, ala una na at hindi parin ako nakakatulog. Kanina ko pa naiisip ang post na iyon ni Tyler, I don't know pero may iba eh. May iba akong nararamdaman.

Fuck. Stop assuming things Lj.

Hindi ako mapakali at binuksan ko ulit ang facebook accounts ko at nagtungo sa post ni Tyler na naka tag ako. I don't get it bakit kailangan naka tag pa ako.

Halos mapamura ako sa dami ng likes and comments sa photo na iyon. Binasa ko ang mga comment na naroon.

"Fuck, is that your son?"

"Who's the lucky girl?"

"Who are them in your life?"

"Seriously babe? Papatol ka sa may anak na.?"

Nagkumento rin doon si kuya Kenj at pinutakte ang kanyang comment.

"Happy for you bro, sundan na agad."  The heck? Seriously kuya Kenj? Parang wala kang alam sa nangyayari ah.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Pagkababa ko ay nakita ko naman agad si daddy na nagkakape sa dinning table habang nagbabasa ng dyaryo.

"Good morning dad, where's mom?" Tanong ko rito ng makalapit ako sa kinaroroonan nya. Nagtimpla din ako ng sarili kong kape, may nakahandang breakfast sa table, kumuha lamang ako ng egg and bacon at ipinalaman iyon sa slice bread. Ibinaba naman ni daddy ang binabasa nyang dyaryo.

"Namimili ng ingredients ng lulutuin nya para mamaya." Bigla ko naman naalala kung ano ang mayroon mamaya. Mamanhikan sila Tyler. Tumango lamang ako sa sinabi ni daddy. Nakatingin parin si daddy sa akin kaya napatingin na din ako sa kanya.

"Anak sigurado ka ba sa ipinasok mo?" Tanong ni daddy sa akin.

"Sigurado na po ako dad, para po ito kay Zev. Gusto ko po syang bigyan ng isang buong pamilya dad." Ngumiti naman si daddy sa akin at saka tumayo at lumapit sa akin para yakapin ako.

"My baby is not a baby anymore. You are now making a decisions in your own and I am so proud of you." Humigpit ang yakap ni daddy sa akin at halos maiyak ako sa yakap na iyon na ngayon ko na lamang naramdaman, I feel like I'm a lost kid and now I am finally home. This is my home. My family is my home.

"Kasasabi ko lang na hindi na baby ang baby Lj ko tapos ngayon umiiyak ka na paranf baby dyan." Tumawa ako sa sinabi ni daddy, I missed him.

I remember when I was a child, I always want to be with my dad, I always cry everytime he's going to his office. Hanggang sa isasama nalang nya ako doon at hindi na ako makakapasok sa school ko. Natigil nalang iyon when I was in grade three, inaasar kasi ako ng mga kaklase ko noon na iyakin kaya hindi na ako nagpahatid kay daddy sa school. Sa tuwing ihahatid nya kasi ako sa school, pahirapan pa kapag aalis na sya, umiiyak ako noon para pigilan na umalis sya kaya yung mga classmate ko ay inaasar ako ng iyakin na nga mataba pa. May isang batang lalaki pa nga na nakakita sa akin noon sa ilalim ng malaking puno na umiiyak ako kasi umalis na si daddy. Pinapatahan nya ko sa pag iyak pero hindi parin ako tumitigil noon sa pag iyak kaya may ibinigay sya sa akin na isang necklace na may maliit na ruler.

"Bata wag ka na umiyak, sige papanget ka. Ang cute cute mo pa naman".

"Gusto ko si daddy." Iyak ako ng iyak kasi iniwan nanaman ako ni daddy sa school ko, ayaw ko. Ayaw ko dito kasi inaasar nila ako na mataba daw ako.

"Babalik din si daddy mo, tahan ka na." Sabi nung batang lalaki na lumapit sa akin.

"Gusto ko si daddy." Hindi parin ako tumitigil sa pag iyak hanggang sa may kinuha yung batang lalaki sa bulsa nya at ipinakita nya sa akin.

"Tignan mo to, ang ganda diba? Bigay sa akin to ni mommy. Gusto mo iyo nalang para tahan ka sa pag iyak?" Natigil naman ako sa pag iyak ko at tinignan ang hawak nya, isa itong kwintas at may nasabit doon na isang nota at may letter T. Inilagay nya iyon sa kamay ko.

"Iyo nalang yan bata, ngiti ka na." Sabi naman nito at ngumiti naman ako sa kanya.

"Sir, tayo na po." Sabi sa kanya ng isang malaking lalaki na nakakatakot tignan. Monster.

"Aalis na ako bata, wag ka na iiyak kahit kailan ah?" Tumango ako sa batang lalaki at timalikod naman sya at nagtatakbo na palabas ng school. Itinago ko ang binigay noong batang lalaki sa akin.

Kinabukasan ay hindi na ako humabol kay daddy, pumunta muna ako sa ilalim ng malaking puno baka kasi makita ko ulit yung batang lalaki doon, hindi kasi ako nakapag thank you sa kanya. Pero habang tumatagal ay wala akong nakikitang kamukha noong nakita ko kahapon. Halos tuwing papasok ako ay napunta muna ako sa ilalim ng malaking puno bago ako pumasok ng classroom pero wala talaga yung batang lalaki.

Alas tres na ng hapon ng bumaba ulit kami ni Zev galing sa kwarto. Kinuha naman sya ng kapatid kong lalaki na naglalaro ng xbox sa sala.

Nang magpunta ako sa kitchen at nakita kong abala ang mga kasambahay pati na si mommy sa pagluluto, alas sais kasi darating ang pamilya ni Tyler para mamanhikan. Tinawagan nya ako kanina habang pinapakain ko ng almusal si Zev sa kwarto.

"Mommy, may maitutulong po ba ako?" Tanong ko kay mommy na abala sa kanyang niluluto.

"Nako okay na, patapos na rin naman kami. Mamaya ay iinitin na lamang ang mga pagkain." Tumango naman ako at sinilip ko ang kanyang niluluto. Kare-kare iyon. Paborito ko ang kare kare lalo na ang luto ni mommy.

Nang mag alas kwatro ay naligo binihisan ko na muna si Zev, nagtagal pa nga ako dahil nilinisan ko ulit dahil ang pasaway kong kapatid ay pinaglaro si Zev sa garden kaya puro putik ang mga paa at pawis na pawis pa.

Naligo at nagbihis ako pagkatapos kong bihisan si Zev. Magsuot lamang ako ng isang simpleng white dress. Fitted ang dress kong ito pero hindi syas nakakabastos tignan dahil hindi naman sya sleeveless. Itinali ko naman ang buhok ko, nag flats lamang ako dahil, nahihirapan ako pag naghiheels ako lalo na kapag nagpapakalong sa akin si Zev. Light make up lang ang ginawa ko dahil ayaw ko naman mag mukhang clown sa harap ng pamilya ni Tyler. Suot suot ko naman ang gold necklace na bigay sa akin noon ni daddy. Pinasadya iyon ni daddy dahil ang pinaka pendant noon ay Louisse ang nakalagay.

Kinatok ni Nathan ang kwarto ko at agad ko naman itong binuksan.

"Ate nandyan na yung bisita mo." Tumango lamang ako sa kanya, ang akala ko ay aalis na sya pero pumasok sya sa loob ng kwarto. Sinundan ko lamang sya ng tingin at nakita kong lumapit sya kay tyler na nanood ng cartoon sa kanyang iPad. Sumunod naman ako para kunin ang cellphone ko.

"Ate, sigurado ka na bang magpapakasal ka doon?" Tanong naman ni Nathan sa akin.

"Nate, parehas kayo ni daddy, sigurado na ako. Para kay Zev itong gagawin ko aright?" Tumango naman ang kapatid ko. Nakabihis din ang kapatid ko ngayon. Kinalong nya si Zev at sabay na kaming bumaba. Narinig ko naman ang mga boses na nang gagaling sa dining room, panigurado ay nandoon na sila

Dumiretso naman kami ni Nate sa dinning room at nadatnan ko doon sina mommy at daddy oati na ang kapatid kong babae, kaharap naman nila ang isang magandang babae na ang sa tingin ko'y nasa early 50's pa lamang, katabi naman noon ay ang lalaking nasa ganoon din ang edad at kamukhang kamukha ni Tyler.

Napatingin naman sila sa amin ata agad naman lumapit sa amin si Tyler at kinuha sa kapatid ko si Zev.

"Iyan na ba ang apo ko?" Tanong noong magandang babae na ang sa tingin ko ay ang mommy ni Tyler. Lumapit naman sya kay Tyler at kinuha si Zev, nagaalangan pa si Zev kung sasama sya o hindi sa huli ay sumama din sya.

"Mom, dad Si Lj po, sya po yung mommy ng anak ko at ang pakakasalan ko." Namula naman ako sa kanyang sinabi at natigilan ng ilang segundo. Maya maya ay naramdaman ko naman ang pagpulupot ng kanyang kamay sa aking beywang at inilapit ang mukha sa tenga ko na nagbigay ng ilang milyong boltahe sa katawan ko. Halos magwala naman ang mga demonyo sa aking tiyan dahil sa kanyang sinabi.

"You look so gorgeous tonight baby..."

Mistakenly Got PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon