Lalo siyang napaluha, "Kung ganon, bakit ako nasasaktan ng ganito ngayon? Nasaan ka?"

"Nandito lang ako lagi sa tabi mo, Kara. Hindi mo lang napapansin." Hindi ko napigilan ang sarili kong sabihin ang totoo kong nararamdaman. Medyo nagulat siya sa sinabi ko.

"Tell me. How do I unlove you?" Tanong niya.

"Ano bang meron siya na wala ako?"

"Ang puso ko."

This time, ako ang nagulat sa sinabi niya. Napabitiw ako sa mga kamay niya.

"What do you mean.. Alam mo?"

Napatawa siya ng konti, iyon yata ang una niyang tawa sa araw na 'to. Nakakalungkot na nakakatuwa.

"Yes, Kean. Alam ko nung una kaya ka ganyan kasi friends tayo pero, hindi naman ako manhid eh. Ang sakit kaya nun, nung hindi niya nakikita yung presence mo? Pero ikaw, hindi ka nawala sa tabi ko, not even once. And I want you to know that I really appreciate it. Promise." Napa promise sign pa siya.

Bigla akong nahiya. All this time alam lang pala niya? Pero at the same time, natuwa ako na hindi ko maexplain.

"Kara, bakit 'di nalang kase ako? I promise you I will never hurt you."

"Masaya ako kase kaibigan kita, at sana magkaibigan parin tayo pagkatapos nito." Bigla siyang napayuko, "Kung natuturuan lang sana ang puso, wala na sanang taong nasasaktan at lumuluha ngayon. Pero hindi eh." Napaluha na naman siya at agad itong pinunasan.

I held her hands, "I'm willing to wait."

Kumalas siya sa pagkakahawak ko, "Don't waste your time on me. I don't want to hurt you, not you na kaibigan ko. Siya kase talaga ang sinasabi nito eh." Sabay turo niya sa puso niya.

Napayuko ako, na friendzone ata ako. Ang sakit pala. Nagkaroon ako ng lakas ng loob pero bigla din namang binawi.

"Kean, okay lang ba kung mauna na ako? Pagod na kasi ako eh." Pagpapaalam niya.

"Ihahatid na kita." Pag ooffer ko.

Napangiti lang siya, "Kaya ko naman eh. Kinakaya ko naman. Gusto ko rin kaseng mapag-isa."

Wala akong nagawa kundi tumango nalang. Pero bago siya umalis, may sinabi siya sa 'kin na kina confuse ko naman.

"Ikaw ata ang manhid eh." Sabi niya habang nakatalikod sa 'kin.

Huh? "Anong ibig mong sabihin?"

Lumingon siya sa 'kin, "May isang taong handang magmahal sa'yo, hindi mo lang siya nakikita. Ni hindi mo nga napansin na wala siya eh."





QUEENIE'S POV

Nabigla ako nung niyakap ni Kean si Kara. Bakit pa nga ba ako nagulat eh alam ko naman na mahal niya si Kara, diba?

Gusto ko pa sanang icomfort si Kara pero nararamdaman kong naluluha na ako kaya nagdecide akong umalis nalang.

Hindi na ako nakapagpaalam pero parang hindi din naman nila napansin.

Pero hindi talaga ako umalis, nasa may entrance lang ako, nakatanaw sa kanila.

Kitang-kita ko sa mga mata ni Kean na nasasaktan siya para kay Kara.

Habang nakayakap si Kean kay Kara, napaisip din ako. Ano kaya ang feeling kung ako yung niyayakap niya ngayon? Lalo akong nalungkot sa inimagine ko.

"Ano ka ba naman, Queenie!" Kinakausap ko ang sarili ko. "Ano pa bang ginagawa mo dito, Queenie? Gusto mo talagang masaktan? Masokista lang?"

Pinagmamasdan ko lang sila habang hinahayaan ko ang sarili kong masaktan. Hindi ko na napigilang mapaluha nung sobrang lapit na nila sa isa't-isa habang nakahawak sila sa kamay ng isa't-isa.

"Ano, Queenie? Enjoy ka ba naman sa pinapanood mo? Ang puso, kumusta?"

Lalo akong nasaktan nung si Kara ang humawak sa mga kamay ni Kean. Nadedevelop na ba siya kay Kean? Parang dinudurog ang puso ko. Hindi ko na kinaya kaya umalis na ako.






KARA'S POV

Paglabas ko ng entrance, nakita ko si Queenie na pasakay ng taxi. Kanina pa ba siya nandun?

Biglang kinurot ang puso ko. Nasasaktan din ako kapag nasasaktan ang mga kaibigan ko, lalo pa't ako ang involved. Haaaaaaaaay. Ano ba naman 'tong love love na 'to. Andaming sinasaktan. Andami tuloy umiiyak ngayon. Nakakalito.

Umuwi narin ako. Pagdating ko ng bahay, deretso agad ako ng kwarto ko. Hindi narin ako nakapag dinner. Humiga ako agad at nakaidlip.

9:05PM

"Nak, open the door." Nagising ako sa katok ni Daddy.

Tumayo ako at binuksan ang pintuan, "Yes, Dad?"

"Bakit namamaga yang mga mata mo?"

"Nanood po kasi ako ng koreanovela, dad." Pagsisinungaling ko kahit alam kong hindi naman maniniwala si daddy.

Bigla niya 'kong niyakap, "Baby girl ko talaga. Hindi na baby." Lalong napahigpit ang yakap niya.

Napahug na rin ako. Pinigilan kong umiyak.

Kumalas na siya, "Hindi ka daw nag dinner. Hmm. Kumain ka na."

"Yes, Dad. Bababa na po."

"May bisita ka nga pala."

"Sino po?"

"Hi, Kara." Nagulat ako nang biglang may nagsalita sa may stairs sa likod ni daddy.

"Jeff? Kanina ka pa diyan?"



*to be continued

आप प्रकाशित भागों के अंत तक पहुँच चुके हैं।

⏰ पिछला अद्यतन: Aug 13, 2016 ⏰

नए भागों की सूचना पाने के लिए इस कहानी को अपनी लाइब्रेरी में जोड़ें!

I Think I'm Falling (ongoing)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें