3

9 1 0
                                    

" inay ! narito na po ako! " sigaw ni Lindsay pagdating niya sa kanilang bahay.

Naabutan niya ang inang nakahiga sa kwarto ng kanilang itay nuong buhay pa itoo, halata ang pagod sa mukha at bahagya pang nakauwang ang bibig nito, balewala rin ang malakas na ugong ng bentilador na niluma na ng panahon. Sinalat niya ang noo ng kanyang ina.

" inay .. nilalagnat ka " bulong niya rito.

Naramdaman naman niya ang presensya ng anak at unti unting iminumulat ang mga mata. Inalalayan naman siya ng anak upang makaupo.

" kanina ka pa ba anak? nakaidlip na pala ako .. may nilagang mais sa mesa at pangat na sapsap bigay ni Ate Lea mo " sabi ng ina na bahagyang nanghihina.

" kumain ka po muna inay, may binili po si Kyla para sa iyo, nakapamili na din po ako ng bigas at gamot niyo inay " saad ni Lindsay habang inaabot ang plastic at gamot. " every four hours po ang inom ng gamot ha "

Binuksan ni Aling Linda ang plastic at kinuha ang pagkain sa luob, inalok niya ang anak ngunit ayaw naman nito. " pakisabi kay Kyla, salamat ha "

" opo inay! alam mo po ibinili niya din po ako ng ganyan kanina, nahiya nga po ako eh, tapos po nagpunta kami sa mall, naglaro. " kwento niya sa ina.

" mall? paano kayo nakapunta duon anak? wala ba kayong klase? baka nag cutting kayo ha? kuh! pihadong mapapagalitan kayo ng adviser ninyo. " nagaalalang saad ni Aling Linda.

" si inay naman! syempre wala kaming klase, tsaka di po ako magcacutting 'nay, baka ipatawag kayo sa eskwelahan, nakakahiya naman po kung aabalahin ko pa kayo sa ginawa ko kung sakali " paliwanag ni Lindsay habang tinitipon ang pinagkainan ng ina sabay abot ng gamot dito. " inumin niyo po iyan at magpahinga muna para gumaling ka po agad. "

Napangiti na lamang siya sa katwiran ng anak. Batid niyang hindi ito gagawa ng ikakapahamak niya. Tiwala siya rito na hindi gagawa ng hindi maganda.

Natahimik na lamang siya ng maalala ang mga labada para bukas, nanghihinayang si Aling Linda sa kikitain kila Madam Guada, galante kasi ito magbayad, kung hindi three hundred fifty ay four hundred makakadagdag din kasi itong pambayad  sa ilaw at tubig, balak niya din sanang bilhan ng bagong sapatos ang anak dahil nakita niyang malapit ng mawakwak ang swelas nito. Naisip niya na tama ang anak, kailangan niyang makapagpahinga upang gumaling agad at makapaglabada.

Napansin naman ni Lindsay ang biglang pagtahimik ng kanyang inay, alam na niya ang inaalala nito, ang paglalabada nito bukas sa subdivision. Tuwing ikalawang linggo kasi ay naka schedule itong maglaba rito.

" kung ang inaalala niyo po ay ang labada kila Madam Guada, wag na po kayo mag-alala, ako na ang bahala " sabi niya sa ina at saka ngumiti.

Napatingin ang kanyang ina sa kanya, " pe-pero anak, hindi mo yun kaya, magaling na ako bukas, wag kang mag alala. tulog lang ang katapat nito "

" inay, kaya ko na iyon, hindi ba't may washing machine at dryer sila Madam, madali na lamang po iyon inay, alam ko din naman ang lugar nila sa subdivision, di ba't sinama niyo na po ako dati ruon? "

Batid naman ng ina niya na kaya may ganuong appliances ang amo ay maramihan ito kung magpalaba, may kasama pa minsan itong bed sheets o kaya naman ay kumot pa.

" anak, baka di mo kayanin, maramihan iyon, mapapagod ka lang "

" kaya ko ho iyon, kung mapagod man ay magpahinga, sabado po bukas kinabukasan, linggo ay makakapagpahinga naman po ako,isa pa'y martes pa naman ang pasok dahil holiday sa lunes, magpahinga na lamang po kayo dito para makabawi ng lakas "

Hinawakan ni Aling Linda ang kamay  ng dalaga. " Salamat anak " naluluha niyang sabi.

" si inay talaga oh, ayos lang po yun, kaya ko naman po eh, magpahinga na po muna kayo at magsasaing po muna ako "  inalalayan ang ina na makahiga saka lumabas na ng kwarto.

Nasundan na lamang niya ngtingin ang anak, siguradong pinagmamalaki ka ng iyong ama Lindsay, napaka buti mong bata. naibulong niya sa sarili at dahan dahang nakaidlip habang nasa isip kung gaano siya ka swerte rito.

Kinabukasan ..

Maaga pa lang ay dahan dahan ng bumangon na si Lindsay sa higaan, iniiwasang matabig ang ina, sa tabi muna siya ng ina natulog upang mabantayan ito. maingat na  sinalat ang noo ng ina at naramdaman niya na bahagya na lamang ang init nito.

Nagtungo na siya sa paringasan, mag iinit muna siya ng tubig gamit ang takoreng alabre na lamang ang pinangdugtong sa hawakan. Nang kumulo ay inilagay sa thermos, upang may ipangkape ang kanyang ina. Matapos ay inilugaw niya ang ang isang sandok ng kaning lamig upang makain nila sa almusal, nilagyan niya ito ng konting asin, nang kumulo ay isinalin sa tig isang mangkok. Ang natira sa bahaw ay kanyang isinangag para makain pa sa pananghalian upang maiwasan ang pagka panis at saka prinito ang tuyo na binili kahapon. Kumain na muna siya pagkatapos. Inayos na din niya ang pagkakatakip ng plato na ipinantakip sa lugaw at dun niya ipinatong ang gamot, kasama dito ang sachet ng instant coffee na kalahati na lamang ang laman.

Natapos na niya ang gawing bahay, at saka niya kinuha ang mangilan ngilan nilang maruming damit at inilagay sa bayong na kanyang dadalhin balak niya itong dalhin at labhan na ruon, sinulyapan muna niya ang lamesa kung saan sila kumakain upang makasiguro na maayos ang pagkakahain dito, at saka sinilip muna niya ang inang tulog pa din aalis na po ako inay ... bulong niyabago tuluyan ng umalis ng bahay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 12, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Boyfriend kung GenieWhere stories live. Discover now