1

27 1 0
                                    

" Lindsay! eto oh, pasulat ako ah? salamat " sabay abot ng bente pesos sa akin.

" ako din ah! eto bayad ko, ipit ko na dito sa notes ko "

" here's mine, Linds, thankie."

" ok sige, lagay niyo lang dyan, tapusin ko lang tong kay Janice " sagot ko sa kanila habang nagsusulat.

Absent kasi si Sir, may iniwan namang lecture, medyo mahaba haba ang isusulat kaya siguro tinatamad sila, kasunod nito, break time na. tapos vacant period tapos uwian na. Dinig ko nga half day pa, my seminar daw kase lahat ng mga teacher eh, galing no? sayang araw kase isa lang subject, pero ok lang yun, kumikita pangka buhayan naman. hehehe!

" Say! tulungan na kita best! " sabi ni Kyla, ang bff ko.

Napa angat ako ng ulo at saglit na tumigil magsulat. " ay Kyla wag na! ako na lang. kaya ko na yan. patapos na din naman ito eh. " saka ako nagsulat muli.

Gusto ko man na tulungan niya ako kaso ay pinangunahan na ako ng hiya sa kanya. Alam kong hindi ito sanay magsulat ng maramihan, baka magkalyo o magpaltos ang kamay niya, mukha pa namang malambot ang mga kamay nito, di katulad ng akin na magaspang at puro kalyo.

Anak kasi ng may kaya si Kyla, may pwesto sila sa palengke na pag aari ng kanyang mama, mini grocery at mayrun din silang pwesto na nagtitinda ng manok, baboy at baka. ang papa naman niya ay kontraktor sa mga malalaking project at ang mga kuya niya sa abroad nagtatrabaho, tatlo silang magkakapatid, nagkataong bunso siya kaya't lahat ng gustuhin niya ay makukuha niya, kaya di na ko magtataka kung bakit chubby siya  pero sa kabila nun ay humble pa din ang maganda at mabait kung bestfriend.

" kaya ko din naman yan Say eh! ayaw mo lang akong pasulatin. " nakanguso nitong sabi.

Natawa ako sa itsura niya. " ayaw ko lang naman kasi mamaltos kamay mo eh "

" nako! ikaw talaga bestfriend! o cge, libre na lang kita ng meryenda ah? break time na oh, wag ka ng tumanggi. ramdam ko gutom ka na, gutom na din naman ako. wait lang ah, " sabay tayo niya at dali daling lumabas papuntang canteen.

Di na ako umimik, gutom na din naman kasi ako kaya't nahatid ko na lamang siya ng tanaw. Napaka swerte ko talaga sa kaibigan ko, mabait at maalalahanin pa. Di pa namimili ng kaibigan, lalo ng ako. alam niya ang kalagayan ko sa buhay pero di niya ko iniwasan kagaya ng ibang mayayaman na kaklase ko.

Taga skwater lamang kasi ako, wala akong bagong gamit at damit gaya nila. madalang din akong mag-recess dahil wala naman akong dalang pera, inaabala ko na lamang ang sarili ko sa pagbabasa ng notes kapag break time na namin. Nagkakapera lang ako kapag may nagpapasulat ng lecture sa akin sa mga kaklase kong nawalan ng sipag sa pagsusulat. Kahit masakit at nakakangawit sa kamay ay tinitiis ko na lamang para makaipon ng pera, dun na din ako kumukuha ng pampa gawa ng project at kung pambayad sa kung anu anu pang kailangan sa school, ayaw ko naman kasing humingi kay inay ng pera, naglalabada lamang kasi ang ikinabubuhay ni inay, kahit minsan ay binabarat na ang bayad sa labada ay kinukuha niya na upang may pang gastos. alam ko na pagod na ang inay pero pinipilit pa din niya para mairaos lamang ang pang araw-araw kaya't tuwing sabado at linggo ay tumutulong naman ako sa paglalabada.

Wala na akong ama, wala na si itay. Iniwan na niya kami ni inay. Na-hit and run ang itay, at ang nakasagasa ay hindi na nahuli, dahil sa mahirap lamang kami ay hindi na naiusad ang kaso, dating construction worker ang itay nuong nabubuhay pa siya. Medyo nakakaluwag kami nuon, dati'y nakakabili pa kami ng karne ng baboy twing sasahod, ngunit ngayon hindi na, kung hindi magbibigay o magbabaon si Kyla ay hindi ako makakatikim. Madalas na ulam namin ni inay ay gulay o kaya ay isda na binebenta sa murang halaga kung malapit ng mabilasa. Minsan pag walang labada at walang pera ay kamote o kaya'y pinakuluan ng dahon ng malunggay na nilagyan ng asin ang kinakain namin.

Napakihirap ng buhay ano? mahirap mabuhay lalo na kung mahirap ka lamang, isang kahig - isang tuka o kaya'y minsan ay wala, pero nagpapasalamat pa din ako dahil buhay pa ako, habang may buhay may pag-asa yan ang laging sinasabi ni inay.

" Say? "

Bumalik lang ako sa realidad ng marinig ko ang boses ni Kyla. Lumilipad na pala ang isip ko.

" ay nako! sabi na eh! gutom ka na, tulaley ka na dyan eh, eto oh! " inabot niya ang hamburger at coke sa akin. " eto pa, spaghetti yan, fave mo. akin palabok, tara na kain, "

Napanganga ako, andami naman kase. Dapat pala tumanggi na ko gaya ng ginagawa ko dati, nakakahiya. nagutom kasi ako kaya't di na ko nakatangi, kagabi pa ko ko di nakakain ng medyo maayos bumili lang ang inay ng dalawang tinapay na may peanut butter na tig limang piso, kaninang umaga naman ay kamote na bigay ni Aling Kuring, umani yata sila sa mga tanim nila at bumili lang si inay ng instant coffee at naghati kami.

" uy Say! tulala ka na naman dyan! kain na no " aya niya ule.

" Kyla .. magkano 'to? andami kasi .. nakamagkano ka dito, nakakahiya naman sayo " medyo nakayuko ako, parang ayaw ko kasing galawin eh. Nakakahiya.

" hahaha! nako ka Say! anung magkano? nabili ko na yan eh, di mo na mabibili, ano ka ba, wag ka na mahiya, kain lang ng kain " sabay subo ng palabok niya.

" salamat Kyla ha? nakakahiya talaga sayo, andami nito eh, ang mamahal pa. " inumpisahan ko ng kagatin ang burger ko. " kay inay na tong spaghetti ko, pasalubong ko na lang sa kanya "

" urhm ..  " Nilunok niya muna ang kinakain niya. " kainin mo na lang yan, ibinili ko na si tita oh! " sabay taas ng plastic na may burger at styro, may softdrinks pa!

Naluha na ako sa galak. Na-touch kasi ako sa kaibigan ko, kaya mahal na mahal ko to eh, pati si inay inaalala niya. Di ko lang siya madala sa amin, kasi baka mangati lang siya sa lugar namin pero naikkwento ko na siya kay inay.

" Kyla .. sa-salamat ah? pag naka ipon ako, ikaw naman libre ko ah. "

" hala! wag ka umiyak! ano ka ba? pati ako naiiyak eh, wag ka na iyak best, wala yan, ako ang meron eh, kaya ako ang taya, kapag ikaw naman meron, edi ikaw naman manlibre, tahan na ha .. " pag-alo niya sa akin.

Napatingin ako sa kanya, naluha na din pala siya. Pinupunasan na niya mata niya, tinanggal na din niya glasses niya.

Nagkatinginan nalang kami at sabay na nagtawanang dalawa.

Ang Boyfriend kung GenieWhere stories live. Discover now