PROLOGUE

12 1 1
                                    

" ano ba naman Linda?!? halos mag iisang buwan na yang utang mo sa akin, hindi mo mabayad bayaran! aba! maka ilang beses na yang pangako mong yan ah! "

Nagising ako sa ingay na naririnig ko mula sa labas, dinig na dinig ko ang sigaw na madalas kung naririnig nung mga nakaraang araw sa mga kapitbahay namin. Boses ni Aling Ofelia, naniningil na naman siya ng pautang sa kapitbahay,  sa lugar namin kilala siyang nagpapautang at tinutubuan niya ng malaking halaga. May kaya si Aling Ofelia, nasa abroad kasi ang mga anak niya. Ugali na niyang gipitin ang mga taong nagkautang sa kanya ng kahit maliit na halaga lang.

Naalala ko pa nuon, nung nangutang ng trenta pesos si Ate Lea para makabili ng bigas, di niya ito pinahiram hanggat hindi pumapayag si Ate Lea na maging singkwenta pesos ito pag binayaran na niya. Napaka tuso talaga ni Aling Ofelia, sa pagkaka alam ko ay nakakatanggap siya ng kinse mil isang buwan mula sa mga anak, ng hindi pa niya ito mabayaran makalipas ang isang Linggo ay sumugod na ito sa bahay nila, kesyo ganito, kesyo ganyan. Mahirap lang din katulad namin sila Ate Lea, may 5 anak, nagkataon naman kasing nagkasakit si Kuya Mario kaya't wala pa silang maipambayad.

" ay nako Linda! puro ka dahilan! magbayad ka na! wala akong paki alam kung wala kang labada ng mga nakaraang araw, kasalanan ko ba iyon? "

Linda?? di yata't pangalan ng inay iyon ah ..

Napabalikwas ako ng tayo, isinuot ko ang tsinelas ko at agad lumabas ng kwarto, tama nga ako! si inay nga ang inaaway ni Aling Ofelia. Naabutan ko si inay na nakatungo at parang iiyak na sa sobrang hiya. Nasa labasan na rin ang ibang kapitbahay, nakikiusyoso. Kita ko ang mga ekspresyon sa mga mukha nila, mga naaawa, may pailing iling, kilala na din naman kasi nila ang bibig ni Aling Ofelia, kung pano magsalita na akala mo'y tatakbuhan mo siya at talagang ipapahiya ka niya. Dali dali akong lumapit kila inay, Di na kasi ito makaimik.

" magandang umaga po! ano pong problema Aling Ofelia? " magalang kung tanong.

" problema?!? problema ba kamo?!? yang nanay mo, utang ng utang di naman pala magbabayad!?! pangako ng pangako! aba! antagal tagal na niyan ah! " pasinghal na sagot niya sa akin.

Napalunok na lang ako sa gulat sa taas ng boses ni Aling Ofelia. Hindi kasi ako sana'y nasisigawan, ni hindi iyon ginagawa sa akin iyon ng inay.

" Ma-magkano po ba ang utang ng inay?? " kinakabahang tanong ko ulit

" huh?!? magkano?!? dalawang daan lang naman!?! bakit?!? mababayaran mo ba?!? ahaha!! tatanong tanong mo pa, hindi mo naman babayaran " panunuya niya sa akin.

" ah .. saglit lang po. "Agad agad akong tumakbo papunta sa kwarto, pumunta sa lagayan ng mga damit ko, hinawi ko ito at kinuha ang parang palayok na alkansya. agad agad ko itong binasag. at binilang ang ipon ko,

Naku .. one hundred ninety five lang ito, pano 'to? saglit akong nag isip. kulang kasi, hindi naman paniguradong papayag si Aling Ofelia kung kulang ang ibabayad ko.

aha! may limang piso pa pala ako sa bulsa ng palda ko! Dali dali ko iyong kinuha at agad na lumabas.

" Aling Ofelia .. eto na po! " sabay abot ko ng perang inipon ko sa kanya. Nakita kong napatingin si inay sa akin.

Binilang niya muna ito ng mabuti animo'y diskumpyado sa perang ibinayad ko, Kinakabahan pa ako at baka kulang o kaya'y namali ako ng bilang, nagmamadali kasi ako.

" oh siya! aalis na ako " tumalikod at naglakad na palayo si Aling Ofelia,  umalis na siya.

nagsibalikan na din ang mga kapitbahay namin sa mga bahay at ginagawa nila.

Ginaya ko na si inay sa may upuan sa bandang kusina namin. Inalalayan ko siya upang makaupo at inabutan ng tubig.

" ayos lang po ba kayo inay? " tanong ko matapos kong makitang nainom na ni inay ang tubig.

" a-anak " malungkot na naman ang mukha ni inay. " bakit mo ibinigay ang ipon mo? hindi ba't pambili mo iyon ng damit na sinasabi mo? "

" inay, ayos lang po iyon, pera lang naman po iyon inay, napapalitan. mag iipon na lamang po ulit ako. " sabi ko.

" pasensya ka na sa inay anak, hindi ko maibigay ang mga pangangailangan mo, pasensya ka na at mahirap lamang tayo, pasensya ka na talaga anak ha? " naluluhang sabi ni inay.

Naluha na lamang ako ng maalala ko ang kalagayan namin. " inay naman .. wag ka na po mag salita ng ganyan, ayos lang naman po eh, basta po magkasama tayo, masaya na po ako. wag niyo pong sisihin ang sarili ninyo, makakaraos din naman po tayo eh ". Nakangiti kong sinabi.

" napaka swerte ko talaga sa iyo anak ko, kung sana'y narito pa ang itay mo paniguradong mas masaya tayo kaso ay .. " Naluha na naman ang inay.

Niyakap ko na lamang si inay, " tama na po inay, wag na po kayong umiyak, mas malulungkot si itay kung ganyang nakikita kayong umiiyak. bahala ka inay, huhulas na ang ganda mo, papangit ka na po niyan "

" ikaw talagang bata ka, pangit naman talaga ang inay mo, binobola mo pa. " Nakangiti na ang inay.

" si inay talaga oh! dinadown pa ang sarili niya, magugustuhan ba kayo ni itay kung pangit kayo? " tumayo ako sa harap ni inay " at kanino ako mag mamana kung ganun? "

" kung sabagay anak may punto ka dyan, mag almusal na nga lang tayo, gutom lang yan, nako! malamig na ang kape ko. " sabi ni inay.

At sabay na naming pinagsaluhan ang kamoteng nilaga ni inay habang kaninang natutulog ako.

Ang Boyfriend kung GenieWhere stories live. Discover now