Chapter 10

474 20 2
                                    

Maraming, maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa kuwento nina Cooper at Emerald. :)


**********************************************************************

PASADO alas-onse na ng gabi. Si Emerald ang huling lumabas mula sa pinapasukang restaurant. Dahil nga malapit lamang ang inuupuhang apartment, naisipan na lamang niyang maglakad. At para na rin makapag-inat-inat siya dahil sa buong maghapon niyang pagkakaupo.

Kanina pa niya nararamdaman na parang may sumusunod sa kaniya simula pa noong lumabas siya ng restaurant. Hindi siya sigurado kung imahinasyon niya lamang ba iyon ngunit nang bigla siyang lumingon ay may nakita nga siyang isang malaking bulto ng lalaki na nakasuot ng baseball cap, ang dalawang kamay naman nito ay nakapaloob sa magkabilang bulsa ng suot nitong pantalon. Nakayuko ito ngunit iba ang dating nito sa kaniya, kung kaya ay binilisan na lamang niya ang kaniyang mga hakbang. Wala pa naman siyang nakikitang ibang tao sa kalye na iyon na maaari niyang hingan ng tulong kung may gawin man itong masama sa kaniya.

Ngunit sa muli niyang paglingon ay bumilis din ang paglalakad na ginawa ng taong sumusunod sa kaniya.

"Lord, please help me." Taimtim niyang dalangin. Lakad-takbo na ang kaniyang ginawa ngunit sa bigla niyang pagliko sa kanang bahagi ng daan ay bigla siyang natapilok at natumba.

Lumingon siya muli para tingnan ang sumusunod sa kaniya. Her heart was beating fast and the person who was following her was really near. Nang dalawang dangkal na lamang ang layo nito mula sa kaniya ay akmang kukunin na sana ng lalaki ang kaniyang bag. Napahigpit ang hawak niya sa dalang bag subalit may biglang humila sa lalaki mula sa likod nito. Tila iyong napapanood niya sa mga pelikula ang mga sumunod na nangyari.

Inundayan ng malalakas na suntok ang lalaking sumusunod sa kaniya. Hindi niya masyadong maaninag ang mukha ng kaniyang tagapaligtas dahil may kadiliman ang bahaging iyon ng daan. Ngunit mababanaag pa rin niya ang dalawang malalaking bulto na naglalaban sa daang iyon.

Nang sa wakas ay natumba ang lalaking nakasuot ng baseball cap, noon lamang siya nakahinga ng maluwag. Isa pang sipa ang ginawa ng kaniyang tagapagligtas bago nito pinabayaan ang lalaking nakahandusay sa daan. Mabilis siyang nilapitan ng kaniyang tagapligtas at noon lamang niya napagtanto na si Cooper pala iyon.

She was really speechless at that moment but felt relief at the same time.

"Are you alright?" Puno ng pag-aalala ang boses nito. Masuyo siyang inalalayan nito. Nang makatayo siya ay dinukot ni Cooper ang cellphone mula sa bulsa ng pantalon nito at may tinawagan.

"Hello? Rodrigo, puntahan mo ako dito malapit sa pinapasukang restaurant ng asawa ko. Oo, dito nga. Hanapin mo ang taong nakabulagta at dalhin mo agad sa presinto. Ipakulong mo na at magsasampa ako ng kaso. Bilisan mo." May diin ang bawat pagkakabigkas nito sa mga salita.

Hindi nakaligtas sa pandinig ni Emerald ang katagang binitiwan ni Cooper. Asawa ko. It was like forever since the last time she heard those words. Hindi niya malaman kung bakit ngunit parang kay sarap pakinggan ang mga katagang iyon.

Tinapunan muli niya ng sulyap ang lalaking nakabulagta ngunit nakahiga pa rin ito. Mukhang nakatulog ito dahil sa malalakas na suntok at sipa na ibinigay ni Cooper dito. Medyo nanginginig pa rin ang kaniyang katawan dahil sa muntikan ng pagbiktima sa kaniya.

"Are you alright? Please answer me, babe." Puno pa rin ng pag-aalala ang mukha nito.

"I-I'm okay." Sinubukan niyang maglakad ngunit bigla siyang nakaramdam ng sakit sa kaniyang kanang paa. She winced.

"May masakit ba? Ano ang masakit? Saan?" Hindi magkandaugagang tanong nito sa kaniya.

"I-Iyong paa ko kapag nagagalaw ay sumasakit." Pumipiyok ang kaniyang boses sa sakit.

Loving You...The Second Time AroundWhere stories live. Discover now