Chapter 8

470 24 2
                                    

Gusto ko lang pasalamatan ang mga nagbabasa nito, kung hindi dahil sa inyo ay wala akong drive para ipagpatuloy ang kwento. Asahan niyo ang regular kong uploads. Maraming, maraming salamat po sa suporta. :)

Maraming salamat din kay Linen Mae sa patuloy na pagbibigay ng mga ideya.

*********************************************************************

LULAN ng bus si Emerald na biyaheng Maynila. Mahigpit niyang hawak ang dalang backpack na tila may biglang aagaw niyon sa kaniya. Isang simpleng puting t-shirt at maong jeans lamang ang kaniyang suot, walang mag-aakala na dati siyang haciendera.

Puno ang bus at ang ibang mga pasahero ay halos nakatayo na. Nagsisiksikang nakatayo ang iba pa sa may dulong bahagi ng bus.  May nakaatang pang mga bagahe at basket sa daraanan. Maswerte na nga lang siyang nakaupo  dahil maaga siyang nakarating sa terminal ng bus sa bayan kanina.

Maaga siyang gumising kaninang madaling-araw. Matapos ang dali-daling pagbibihis ay kinuha niya agad ang backpack na nasa ilalim ng kaniyang kama na kagabi pa niya inayos. Ang tangi niyang nagawa ay ang mag-iwan ng sulat para kay Manang Ester na nagsasabing huwag itong mag-alala sa kaniya. Sana nga lang ay maintindihan nito ang ginawa niyang pag-alis. Hindi niya kayang magpaalam ng harapan dito dahil ayaw niyang makitang iiyak ang matanda dahil parang ina na ang turing niya dito. Hindi din naman siguro ito paaalisin ni Cooper lalo na ngayon at fully operational na uli ang hacienda.

Sinipat niya ang suot na relo. Alas singko na pala ng umaga. Isang oras na siyang lulan ng bus. Huminga siya ng malalim. May galit siyang nararamdaman sa sarili dahil hindi niya napigilan ang nararamdaman para sa dating asawa. Unti-unti ay may namuong luha sa kaniyang mga mata ngunit dagli niya iyong pinalis. She made her choice and that is to leave everything in the past behind.

Dalawang oras pa ang mabilis na lumipas bago narating ang destinasyon. Pagkababa niya sa bus ay mabilis siyang pumara ng taksi at mataimtim na nagdasal na sana doon pa nakatira ang kaibigan sa dati nitong bahay. Ilang taon din kasi ang lumipas na hindi nakita ni Emerald ang kaibigang si Joshua. Ito ang isa sa mga naging matalik niyang kaibigan noong nag-aaral pa siya sa Maynila.

Naging kaklase niya si Joshua Rodriguez sa iilang subjects sa kolehiyo ngunit dahil sa marunong itong makisama, lalo na sa mga babae, ay madali niya itong nakagaanan ng loob. Mabait ito at maginoo. He was also handsome and have that athletic-type of body. Magkasundong-magkasundo sila nito sa halos lahat ng bagay. Parati nga silang tinutukso ng mga kaklase nila. Ngunit alam nilang dalawa na hindi sosobra sa pagkakaibigan ang kanilang relasyon. He's gay. Inamin nito iyon sa kaniya nang minsan ay may mabigat itong suliranin sa naging boyfriend nito. Hindi ito isang ladlad na bading. Kahit ang pamilya nito ay walang ideya sa pinaggagawa ng kaibigan. Pormal itong manamit at kung hindi mo talaga ito kilala ay baka pagpantasyihan mo ito.

Humantong siya sa isang moderno ngunit di-kalakihang bahay sa isang eksklusibong subdivision.  Matapos bayaran ang driver ay bumaba mula sa taksi si Emerald. Eksakto namang palabas ang isang pulang toyota civic mula sa gate. Huminto ang sasakyan at bumaba ang sakay nito.

"Emerald?" Nakasuot ito ng isang long sleeves polo na nakaipit ang manggas hanggang sa may bandang siko at naka-maong lamang ito. He was a real hunk and knows how to dress to impress people.

"Josh! Thank God at naabutan pa kita!" Maluha-luha siya at saka ay mabilis itong nilapitan. Kumunot ang noo ng kaibigan pagkakita sa dala niyang backpack.

"I will explain everything. But please I badly need your help, Josh. Ikaw ang bigla kong naisip na pwede kong hingan ng tulong."

He waived his hand. "Nonsense. Of course, I will help you. Ikaw pa, ang lakas mo sa'kin. Sandali lang at ibabalik ko na muna itong sasakyan sa garahe. Stay there." Mabilis itong bumalik sa sasakyan at iniatras papasok ang sasakyan sa garahe. 

Loving You...The Second Time AroundМесто, где живут истории. Откройте их для себя