Chapter 9

463 23 2
                                    

Matagal-tagal din akong hindi nakapag-upload. Maraming, maraming salamat nga pala sa mga sumubaybay sa kwento nina Emerald at Cooper. Pinapasalamatan ko rin ang mga bago kong mambabasa. :)

Jean, salamat sa suporta. Sa susunod, story mo naman. :)

ROUGH DRAFT

*********************************************************************

Paalis na sana ng kaniyang inuuphang apartment si Emerald nang sa pagbukas niya ng pinto ay tumambad sa kaniyang harapan ang isang nakangiting mukha ni Cooper. Maaliwalas ang mukha nito at mukhang bagong ahit. He was such a good view. Nakasuot ito ng isang itim na polo shirt at nakapantalon lamang, pero bakit parang ang lakas ng dating nito? She sighed at the thought of it.

Sa kanang kamay ay hawak nito ang isang coffee holder na naglalaman ng dalawang grande size na Starbucks coffee, habang sa isang kamay nito ay hawak nito ang isang kahon na may parehong tatak na marahil ay naglalaman ng pagkain.

"Good morning, I brought you some breakfast." Sabay taas nito sa mga mga hawak. Even his lips and smile looked like foods, tempting to hold and kiss.

She was speechless. She didn't expect him to do such thing. Parang may humaplos na kung ano sa kaniyang puso. Alam niyang kung papaalisin niya ang lalaki ay hindi rin naman iyon gagawin ng huli. She can still remember how persistent he was. Kaya ang ginawa niya ay niluwagan na lamang niya ang pinto pinapasok ito.

Pagkalapag nito sa mga dalang pagkain ay mabilis nitong binuksan ang kahon at inilabas mula doon ang apat na pirasong waffles na may blueberry syrup. Bigla siyang nakaramdam ng gutom dahil wala pa siyang agahan at ang balak niya sana ay sa restaurant na mismo kumain dahil maagang dumarating ang kanilang cook na nagluluto agad ng mga pang-agahang pagkain para sa mga empleyado na maagang dumarating.

Ngunit mas nangibabaw sa kaniya ang mga tanong na kagabi pa niya iniisip. Nilapitan niya ang lalaki at matiim na tiningnan sa mga mata. "Why are you doing this, Cooper? Hindi pa ba sapat sa iyo na umalis ako sa hacienda at sinundan mo pa talaga ako hanggang dito?"

Tumigil ito sa ginagawa at humarap sa kaniya. Seryoso ang mukha ni Cooper ngunit may kung ano sa mga mata nito. Affection? Love? She was not sure. "I told you last night I will make things right. At ito nga ang ginagawa ko. You might doubt my intentions but I'm very serious, Em."

"What are you talking about? Hindi ko talaga maintindihan kung bakit mo pa ito ginagawa sa akin. We're through, remember? I'll send you again the divorce papers and please sign them. I want to make a new start, Cooper. I want to have a peaceful life. Can't you at least give it to me?" Hindi niya mapigilan ang pagtulo ng mga luha mula sa kaniyang mata. Dagli siyang tumalikod para hindi na makita ni Cooper ang marahan niyang pag-iyak. Ilang Segundo ring namayani ang katahimikan sa paligid.

Naramdaman niya ang marahang dantay ng kamay ni Cooper sa kaniyang balikat. She heard him sighed. When he talked, his voice cracked. "I'll leave these foods here, and please eat them, babe. Susunduin kita mamaya sa restaurant and please wait for me. Okay?" Masuyo ang boses nito sa huling sinabi.

She didn't answer him back. She can't. Naramdaman na lamang niya na sumara na ang pinto ng kaniyang apartment. Doon na niya pinakawalan ang kaniyang pinipigilang mga hagulhol.

COOPER can't think straight while driving his car. Kaya pinili na lamang niya na puntahan ang kaniyang mama na nasa bansa ngayon. Minsan lang kung umuwi sa bansa ang kaniyang ina. She lived in Japan after her husband died. It was a very tragic event in her life.

Pagkababa niya mula sa sasakyan ay tumambad sa kaniya ang isa sa mga mararangyang bahay sa Corinthian Gardens. Pagkapasok niya sa loob ay nakasalubong niya ang kanilang katulong.

"Ang mama?" Tanong niya dito.

"Nasa dining area ho, Sir." Iyon lang at malalaking hakbang ang kaniyang ginawa papunta sa dining area.

"Oh, ang aga mo naman 'atang nakabalik. Where's my daughter-in-law? Ang sabi mo ay kapag babalik ka dito ay kasama mo na siya?"  Mukhang galit ang kaniyang ina but he knew better. Maganda pa rin ito kahit 61 na ang edad. Mababanaag pa rin ang angkin nitong kagandahan na pinaglipasan na ng panahon.

"Miss kita, masama ba iyon?" Tila nagtatampo niyang tanong. Nilapitan niya ito at saka hinalikan sa noo. "I missed you, Ma."

"Wasus, kung alam ko lang – Is everything okay?" Biglang nagbago ang mood ng kaniyang ina na tila nararamdaman ang pinagdadaanan niya ngayon. He sighed and told her mother what happened.

Ang alam lamang ng kaniyang ina noon ay nagpakasal siya at ang plano niya sana ay dalhin si Emerald sa Japan para pormal na maipakilala sa ina. Ngunit biglang nagbago ang lahat matapos ang aksidente. Umuwi siya ng Japan at halos ilang buwan din na hindi makausap. His mother had no idea what happened to him at hindi na rin nag-usisa pa. Instead, his mother helped him in any way para maibalik sa dati ang buhay niya. Months ago ay tinawagan niya ang ina and told her everything that happened kung bakit sila naghiwalay na mag-asawa. That was the time that he's determined to win her again.

Matapos maikwento sa ina ang mga nangyari ay bigla itong tumawa. Kumunot ang noo niya.

"Di ko akalain na ang anak na pinalaki ko ng maayos ay kulang sa diskarte." Umiiling na sabi nito.

Kumunot pa lalo ang kaniyang noo. "What do you mean, Ma?"

"Anak you're not doing it the right way. She's your wife, hindi ang babaeng nililigawan mo. You have your rights over your wife but you're giving her the right to reject you. What I'm trying to tell you is that you should use your rights as her husband. Don't give her the option to reject you. You love each other kaya nga kayo nagpakasal noon. At ang pag-ibig ay hindi basta-bastang nawawala. I know for sure na meron pang natitirang pagmamahal sa kaniya. Babae ako kaya ko nasasabi ito. You love her, don't you?" Mabilis pa sa alas-kwatro ang kaniyang tango. "Why don't you give her reasons to love you back? Give her reasons why should she love you and don't give her the option to reject you." Suhestiyon nito.

"Like what, Ma?"

"Show her how much you love her. Kaming mga babae, madali kaming mahulog sa mga lalaking alam namin na mahal kami at sinsero ang hangarin sa amin. A man who would do anything for us, who would love us unconditionally, who would protect us from anything. And most importantly, a man who would love only one woman in his life. You're smart, handsome and charming, use those characteristics to win her."

"But what if she doesn't love me anymore, Ma?" May pangamba niyang tanong.

"And what makes you think that?" Ganting tanong nito sa kaniya.

Wala siyang maapuhap na sagot sa tanong na iyon. Bakit nga ba biglang nagbago ang kaniyang asawa noon? They were very happy and very much in love before. That was before... At hindi niya alam kung ano ang nagging dahilan ng biglang pagbabago nito. Was it because of the baby they lost? Maybe, ngunit ang sabi naman ng doktor na tumingin sa kaniyang asawa ay maaari pa itong magbuntis. Maraming tanong sa kaniyang isip ang walang sagot. But he's sure of one thing, he will not fail.

Loving You...The Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon