Chapter 6

504 23 0
                                    

***Dalawang kabanata sa isang araw! Hooray!

Chapter 6

Natapos ang pagbabalik alaala ni Emerald. Limang taon na ang lumipas ngunit hindi niya pa rin magawang kalimutan ang mga nangyari. Napakalamig ng tubig na humahaplos sa kaniyang balat. Niyakap niya ang sarili at ang tangi mong maririnig ay ang lagaslas ng tubig at ang kaniyang mahihinang hikbi.

Kinabukasan ay maagang gumising si Emerald. Gusto niyang mag-empake at umalis nalang sa lugar na iyon ngunit hindi maaari dahil may pinirmahan siyang kontrata.

"Ano ba itong napasukan ko." Mahina niyang usal sa sarili. May namumuong luha sa kaniyang mga mata ngunit dagli rin niya iyong pinunasan.

She would not lose this battle. Kung kailangang tikisin niya ang nararamdaman ay gagawin niya.

Mabilis siyang naligo at nagbihis. Medyo namamaga ang ilalim ng kaniyang mga mata dahil sa pag-iyak kagabi kung kaya't nag-apply siya ng concealer. Nilagyan narin niya ng lipstick ang kaniyang mga labi. Nang makuntento sa nakikitang repleksiyon sa salamin ay lumabas na siya ng silid.

Pumunta siya sa may kusina at naabutan roon si Manang Ester na nagluluto.

"Iha, ang aga mo namang nagising ngayon." Masiglang bati ni Manang Ester sa kaniya.

"Oho manang. Kailangan ko hong puntahan ngayon si Caloy. Mag-uusap kami tungkol sa mga aanihing mga mangga."

Si Caloy ay ang isa sa mga tauhan ng hacienda na labis niyang pinagkakatiwalaan. Ito ang halos namamahala sa mga pananim. Matagal na din itong naninilbihan sa kaniyang pamilya.

Ang isang bahagi ng hacienda ay ang ilang ektaryang mga mangga at pinya. Ang malaking bahagi naman nito ay natataniman ng palay na ilang buwan pa ang bibilangin bago maani.

"Aba'y kumain ka na muna anak bago ka umalis." Anyaya sa kaniya ni Manang Ester.

Sinilbihan siya ni Manang Ester ng kape. Umupo siya sa dining table at saka kumuha ng tinapay at kinain. Sakto namang bumaba sa Juliet.

"Em, kumusta ka na. Ok na ba ang pakiramdam mo?" May pag-aalala ang boses na tanong nito.

Tumango siya at ngumiti sa kaibigan. Ayaw na niyang palawakin pa ang kanilang pag-uusap tungkol sa nangyari kahapon. "Sabayan mo akong kumain Jules." Anyaya niya.

Kumakain silang dalawa at masayang nagkukwentuhan tungkol sa pag-aani ng mangga ng biglang pumasok si Cooper sa kusina.

"Good morning!" Masayang bati nito to no one in particular. Tumingin ito sa dako niya at nagkatitigan silang dalawa. Iniiwas niya ang kaniyang tingin at tumayo na mula sa kinauupuan.

"Jules mauna na muna ako. Mamaya nalang ulit." Pamamaalam niya sa kaibigan.

"Okay Em. See you later. Pupunta kami maya-maya ni CJ doon." Sagot naman ni Juliet.

Tumango siya at saka naglakad palabas ng kumedor. Nang nasa tapat na siya ni Cooper ay tumigil siya.

"Mr Reynolds, mauna na muna ako." Seryosong sabi niya. Malamig ang kaniyang boses at wala kang mababanaag na emosyon. Pagkasabi ay nagmamadali na siyang naglakad palabas.

Muntik na siyang madapa sa pagmamadali. Nang makalabas na ng mansiyon ay pumunta siya sa garahe kung saan naroroon ang truck na ginagamit sa paglilibot sa hacienda. Binuksan niya ang pinto at pagkatapos ay pumasok. Isinandal niya sa upuan ang kaniyang nanlalambot na katawan.

How can she ignore Cooper when everytime she sees him, she feels like intoxicated by his presence.

Kanina ng makalapit siya sa lalaki ay nasamyo niya ang mabangong amoy nito. That same scent 5 years ago. Sa isip niya.

Loving You...The Second Time AroundWhere stories live. Discover now