Chapter 5

552 24 0
                                    

****Ito ay isalamang DRAFT. May mga pagkakamali kayong makikita dito.

***Maraming salamat po sa pagtangkilik ng kwento ko. Umabot ako ng chapter 5! Yehey!

Chapter 5

Naputol ang pagbabalik alaala ni Emerald ng biglang may pumasok sa kaniyang kwarto.

"Iha mabuti naman at gising kana. Gigisingin na nga sana kita kung naabutan pa kitang natutulog para makapaghapunan ka na. Dinala ko na dito ang pagkain baka kako di mo pa kayang bumaba. Aba'y nataranta kami lahat sayo kanina iha ng biglang kang mawalan ng malay." Walang prenong saad ni Manang Ester. May halong pag-aalala ang boses nito.

Bumangon siya at isinandig ang likod sa headboard ng kama.

"Pasensiya na ho Manang. Nag-iba lang ho ang pakiramdam ko kanina."

"Aba'y kanina ay nataranta din iyong bagong may-ari nitong hacienda. Mabuti na lang eh bago ka bumagsak ay kaniya kang nasalo."

Kay Cooper pala ang mga bisig na iyon.

"Ganoon ho ba Manang? Saan na ho siya ngayon?" Biglang bumilis ang pintig ng kaniyang puso.

"Andoon pa sa study room iha, magkausap sila ni Juliet. Kanina ay ipinulong niya ang mga tauhan dito. At sabi pa niya ay mamamalagi muna daw siya dito para makita at mapag-aralan niya kung anong pwedeng gawin para lumago lalo ang hacienda." Masayang balita sa kaniya ni Manang Ester.

"Ho?!" Hindi mapigilang sigaw ni Emerald. Kung mamamalagi ng ilang araw dito ang lalaki ay hindi niya alam ang gagawin. Ayaw niyang makita ito. Sumikip bigla ang kaniyang dibdib.

"Bakit iha?" Nagdududang tingin ang ipinukol nito sa kaniya. Kilala siya ni Manang Ester ngunit ayaw na muna iyang sabihin dito ang kanilang nakaraan ni Cooper. No one knows in her family that she was once married. At hindi niya kayang isiwalat ang kaniyang nakaraan sa matanda.

"Wala ho Manang. Kakain na ho muna ako." Pag-iiba niya sa usapan.

"Oh siya, sige. Iiwan na muna kita. Siya nga pala iha, ipinapasabi nga pala ni Mr Reynolds na kung maganda na ang pakiramdam mo ay gusto ka niyang makausap sa study room." Sabi ng matanda bago lumabas ng silid.

Inumpisahan na ni Emerald na kumain. Ngunit bigla din siyang nawalan ng gana ng maisip si Cooper. Ayaw niyang makita sa ngayon ito, ngunit mukhang wala siyang ibang pagpipilian.

Lumapit siya sa tokador at sinipat ang kaniyang ayos. Sabog ang kaniyang buhok at nawala na sa lugar. Napagdesisyunan ni Emerald na magbihis ng damit, she chose to wear jeans and a shirt. Itinirintas niya din ang kaniyang mahabang buhok. Pagkatapos mag-ayos ay isang malalim na hininga ang kaniyang pinakawalan bago lumabas ng pinto para tumungo sa study room.

Nasa harap na ng pinto ng study room si Emerald. Parang hindi niyang buksan ang pinto. Ilang sandali muna siyang nakatayo sa harap ng pinto bago kumatok. "Come in!" Isang sigaw ang kaniyang narinig bago pinihit ang seradura. Inihanda na niya ang isang seryosong mukha bago tuluyang pumasok.

Nakita niya ang lalaki na nakaupo sa likod ng mahogany desk. Maraming papeles ang nakakalat sa mesa. Patuloy pa rin ang ang pagbabasa nito at hindi man lang inabalang itaas ang ulo kahit nakapasok na siya sa loob ng silid.

Parang wala itong balak na kausapin siya. Kaya't siya na ang unang nagsalita. Tumikhim siya.

"Gusto mo daw akong makausap." Seryosong sabi niya.

Itinaas nito ang ulo mula sa binabasa. "Ah, yes. Please take a seat." Seryoso din ang anyo nito habang nakatunghay sa kaniya.

Hindi niya kayang salubungin ang matitiim na titig nito kung kaya ay yumuko siya at idinako sa ibang direksiyon ang tingin.

Loving You...The Second Time AroundWhere stories live. Discover now