Chapter 24

36 0 0
                                    

Nessa's POV

Nang nag-umpisa na ulit ang klase, nilagay ko na ulit si ken sa loob ng bag.

Last subject na nila ito pagkatapos ay mag uuwian na

Sa kalagitnaan ng klase..

"Ma'am excuse po. Ms. Villarama pinapatawag po kayo ni Ms. Asuncion sa Guidance Office" putol ng isang S.A. sa pagtuturo ng teacher namin

ano namang ginawa ko.

"nessa ? may ginawa ka ba ?" tanong ni jessica.

"oo nga ? kanina di ka sumabay samin sa pagkain." dugtong pa ni stela.

kahit ako nagtataka rin

"ano ba naman kayo baka naman good news yun. di lahat ng pinapatawag sa guidance office ay may kasalanan, yung iba running for honors." saad ni jake.

medyo gumaan naman ang loob ko sa sinabi ni jake.

"Ms. Villarama, pumunta ka na daw sa guidance office." saad ng teacher namin.

Kaya naman dali daling akong nagpunta sa Guidance Office para malaman ang dahilan. Dinala ko na ang gamit ko dahil nasa loob ng bag ko si ken.

Sa Guidance Office ..

O_O

Nagulat naman ako ng makita ko si Jenny na nakaupo din.

"Ms. Villarama paki-iwan na lang ng gamit mo dun sa lagayan sa labas" seryosong sabi ng Guidance Counselor

"Ahh. Ok po" sagot ko naman

Kaya lumabas ulit ako para ilagay ang gamit ko.

Dalawang pinto kasi ang dapat buksan bago makapasok sa Guidance Office. pagkabukas ng unang pinto ay makikita ang lagayan ng gamit pati na rin ang ibang papers sa school. At pagbukas ng pangalawang pinto ay nandun na ang office ng Guidance Counselor. Kaya ok lang na iwan ang gamit sa labas.

pagkapasok ko ulit.

"please take your seat" saad ng Guidance Counselor.

"thank you po ma'am" sagot ko

"Ok. Ms. Villarama. hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa.Is it true that you are flirting with a boy inside the school's comfort room??" Tanong ng Guidance Counselor at medyo tumaas yung boses nito

"Ms. I'm sorry to confront you pero, sino naman po nagsabi sa inyo?" Tanong ko na medyo tumaas din ang tono ng boses

"It is according to Ms. Reyes statement" sagot ng Guidance Counselor

"Totoo naman eh. Wag mo na kasing ideny. Rinig na rinig ko. May kausap ka sa loob ng cubicle. At lalaki pa" sabat ni jenny

"Hindi yan totoo. Bakit ? May ebidensya ka ba ??" Tanong ko na sumisigaw na

Hindi naman nakapag salita si jenny

"Ok stop. Ms. Reyes. Can you leave us alone. I want to hear Ms. Villarama's side" putol ng Guidance Counselor

At umalis na agad si jenny sa loob ng office ng Guidance Counselor

Sa labas ng office ng Guidance Counselor ...

Jenny' POV.

"Malakas ang pakiramdam ko may tinatago ang babaeng to." saas ko at lumapit sa bag ni nessa

Binuksan ko ito.

O_O

:)

"Tsss. May pagka-isip bata pala ang babaeng yun." Sabi ki na nata-tawa tawa pa. eh kase naman, may barbie sa bag niya. may lahi ata silang loka loka.

Kinuha ko ang barbie sa loob ng bag ni nessa.

"Palagay ko ito ang kahinaan ng babaeng to" saad ko at lumabas na ng tuluyan sa Guidance Office

Nessa's POV

Mabuti na lang, ako ang pinaniniwalaan ni ms. Patay saken ang jenny na yan.

Binuksan ko ang bag ko para tingnan si ken

O_O

"Ken? Nasaan na ba yun? Alam ko nandito lang yun eh" nagtatakang saad ko

Dali dali akong nagpunta sa loob ng room para tingnan kung naiwan dun si ken

Sa room

wala ng tao sa loob ng Classroom dahil naglabasan na

"Ken?? Ken?? Nasaan na ba yun ? Ken?!" Paulit ulit na tawag ko

Hinalughog ko na ang buong silid pero hindi ko pa rin makita si ken

"Eto ba ang hinahanap mo?"

Biglang may nagsalita

Nagulat naman ako

Tumingin ako sa direksyon kung saan nangaling ang boses

Si jenny pala

At hawak niya si ken

O_O

"Jenny, akin na nga yan. Ibalik mo saken yan!" Sigaw ko

"Hmmm.. kawawa ka naman. Akin na lang tong barbie mo huh. Ang cute kasi eh" pang iinis nito

"Akin na yan jenny. Ano ba??!!" Pagpupumilit ko

"Ibibigay ko naman sayo to eh. Sa isang kondisyon." Mataray na sabi nito

"Anong kondisyon?" Tanong ko

"Aminin mo lang kay Ms. na totoo ang narinig ko sa loob ng CR. Yun lang naman eh. Napakadali diba?" Paliwanag nito

"Sige. Pero paano ako nakakasiguro na ibabalik mo nga sakin ang barbie ko" desperadang sabi ko

"Wag ka mag-alala, tumutupad naman ako sa usapan eh. Hihintayin kita sa labas ng Guidance Office" saad nito at umalis na

Nagpunta naman agad ako sa Guidance Office para bawiin ang lahat ng sinabi ko. At aminin ang lahat ng sinabi ni jenny.

"I'm so disappointed with you Ms. Villarama. You are running pa naman as the batch salutatorian. But in this case, you are now expelled in this school. You can now leave" yun na lang ang nasabi ng Guidance Counselor pagkatapos ko magpaliwanag

Naiiyak na lang ako na lumabas ng Guidance Office.

Sa labas ng Guidance Office ..

Nakasandal sa isang poste ng school si jenny at nakangiti pa habang nakatingin saken.

"Eto ba ang kailangan mo? Edi sayo na!!" Sigaw nito habang papalapit ako sa kanya

"Oh ayan" sabi nito at pagpinagpira-piraso ang katawan ng barbie at umalis na tumatawa

"Jenny! Wag!!!!!" Sigaw ko

Tumakbo ako papunta kay ken.

Wala ng masyadong tao nun sa school kasi nag uwian na.

naiwan ako na nakaupo sa gitna ng hallway at umiiyak, hawak hawak ang pirapirasong katawan ng barbie na si ken

Tanggal ang mga paa at kamay at malabo ng maibalik pa sa dati

"keeeeeeeeeenn!!!!!!" sigaw ko and I was crying so hard.

sinubukan ko na gawing tao ulit si ken pero wala pa ring nangyayari.

[UNDER CONSTRUCTION] My BARBIE and METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon