Chapter 23

33 0 0
                                    

Nessa's POV

Kinabukasan

"Ken!" Sigaw ko

"Ngayon mo na ko dadalhin sa school niyo diba?" Tanong nito

"Oo. Kaya maligo ka na" sagot ko

"Oo na. Mabilis lang ako. Wag mo kong iiwan huh" sabi nito

"Oo. Sige na bilisan mo" saad ko

mas excited pa siya saken eh

"Ken. Nandito yung damit mo sa labas huh. Anjan na din yung twalya. Kunin mo na lang dito sa pinto" tawag ko mula sa labas ng banyo.

"Oo. Sige" sagot naman nito na nasa loob ng banyo

Pagkatapos niyang magbihis ay ginawa ko na siyang barbie ulit at nilagay sa bag.

"Oh ayan. Ok na yung mga gamit ko. Tara na" saad ko

- -

"Hi dad. Hi mom" bati ko pagkababa galing sa kwarto.

"Aba. Mukhang maganda ang gising naten ngayon ah?" tanong ni daddy

"Hindi naman dad. Masaya lang ako" sagot ko.

masaya ? bakit naman ako masaya ?

"Sige kumain ka na. Baka malate ka pa sa school" sabi ni mommy

"Ok po" sagot ko

Pagkatapos mag almusal ay umalis na ito at pumunta sa school

Sa school..

"Hi girl." Bati ni stela at jessica

"Naku girls. Wag muna kayong masyadong close saken. Baka maipit niyo ang bag ko" saad ko

"Bakit ano ba yang laman ng bag mo?" Tanong ni jessica

"Oo nga girl. Ngayon ka lang nagkaroon ng pakialam sa mga bag mo" dagdag pa ni stela

"Ah . Eh, bago kasi to eh. Tingnan niyo naman leather pa. Baka kasi ma-Deform lang yung shape ng bag" paliwanag ko.

tsk ! di bagay saken mag maarte ! sana di nila mahalata. I don't have care kase sa mga bags kahit designer bags pa yan.

"Ganun?" Sabi ni jessica

"Ang weird" dagdag pa ni stela

"Haay naku. Tara na nga. Baka malate pa tayo" aya ko

sa room.

"Oh ayan. Medyo bukas yung zipper huh. Para marinig mo at makahinga ka naman jan" bulong ko kay ken sa loob ng bag

"Sinong kausap mo jan?" Tanong ni jessica

"Ako? Wala ah." Sagot ko

Maya-maya pa ay dumating na yung teacher

after the long whole day, natapos din yung klase. umuwi na ko kagad sa bahay.

Sa kwarto ..

"Grabe. Ang dami kong natutunan" saad nito.

"Sus. Ano-ano naman yun?" Tanong ko

"Masyadong madami eh. Kung sasabihin ko pa sayo, baka abutin tayo ng umaga" sagot naman nito

"Hmp. Palusot" pang aasar ko

Umulit ulit ang mga ganitong pangyayari

Laging ko nang isinasama si ken sa school. wala namang nakakakita sa kanya eh.

- - -

Sa school

*kriiing*

"Haay salamat bell na. Nessa tara kain tayo" aya ni jessica

"Ok" sagot ko

Sa Canteen

"Ate, isa nga pong sandwich at tsaka juice" sabi ni jessica dun sa tindera

At inabot naman ito ng tindera

"Ate, ako po burger at softdrinks" sabi naman ni stela

"Sandali lang huh. Lulutuin ko lang" sabi nung tindera

Patay! Kung kakain pa ko at aantayin ko pa sila makatapos kumain, sigurado gutom na gutom na si ken

"Ate eto po oh" saad ko sabay abot ng bayad sa tindera

Kumuha nalang ako ng 2 chocolate drink at 2 sandwich.

"Ahm. Girls at tsaka jake, sorry huh. Hindi ako makakasabay ng pagkain sa inyo ngayon. Pupunta pa kasi ako sa library eh. May tinatapos kasi akong basahin na libro" paliwanag ko

"Haah? Bakit?" tanong ni jessica

"samahan na kita" saad ni jake.

"ah, hindi na, sige mauna na ko huh. bye" paalam ko at tumakbo na palabas ng canteen.

saan ko naman kaya siya gagawing tao eh wala namang lugar sa school na to na walang tao. di kase pwedeng lumabas ng school pag di pa tapos ang class hours.

naglakad lakad pa ko at umaasang makakatyempo ng lugar na walang tao. ng ...

napatigil ako ng makita ko ang CR sa Values Department. medyo luma na kase ito, at nababalita pang may multo daw kaya walang may balak na mag CR. dito. merin din namang nag ccr pero yung mga hindi lang naniniwala sa multo.

Sa CR ..

Pumasok ako sa isa sa mga cubicle

"Bahala na. Ken!" sigaw ko

"Gutom na ko" reklamo nito

"Oh eto. Pasensya ka na. Wala kasing lugar na pwede tayong magtago. Kaya dito na lang" paliwanag ko sabay abot ng pagkain dito

Malinis naman yung CR at hindi naman mabaho kaya hindi naman nakakadiri kung kumain man dun sa loob

[UNDER CONSTRUCTION] My BARBIE and METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon