Chapter 17- Beach Bonding :D

47 1 0
                                    

Nessa's POV

*kkriiiiiiinggg*

"ang lakas talaga ng alarm clock ko. 6am pa lang ah." nagising ako sa ingay ng alarm clock ko.

"so 6am na and Finally, its Saturday ! ibig sabihin? This is the day! excited na ko" saad ko

"ken!" ko

"oh, ang aga-aga pa ah." saad ni ken sabay kusot sa mata

"ano ka ba naman. ngayon yung beach bonding naten!" sigaw ko

"teka nga bat ka ba sumisigaw baka may makarinig saten" reklamo nito

"ikaw naman kasi eh." paninisi ko

"maligo ka na nga, baka mamaya aalis na tayo" pag iiba nito ng usapan

"maligo ka jan. sa beach tayo pupunta noh. eh di maliligo din naman dun, papaliguin mo pa ko dito!" sigaw ko

"hindi ba pwedeng hinaan yang boses mo? baka marinig tayo" mahinang nito

"oh ayan" sabay abot ko ng bag niya

"ano to?" tanong nito

"gamit mo, alangan naman basta ka na lang sumakay sa kotse mamaya. wala kang pamalit" paliwanag ko

"san mo ko susunduin?" tanong nito

"sa shed na, malapit sa park. abangan mo kami dun, papupuntahin ko din dun sina stela , jake at jessica para may kasama ka" sagot ko

"ok" pagsang-ayon nito

"oh siya, sa labas na lang kita gagawing tao ulit. Barbie!" sigaw ko

lumabas ako ng bahay at ginawa ko siyang tao.

"oh ayan, tao ka na. eto ang gamit mo. at tsaka ito yung sketch papunta sa shed, ok?" bilin ko

"ok, sige" sagot nito

At umalis na siya

"nessa anak, bat ka nanjan sa labas? aalis na tayo maya-maya. pumasok ka na" tawag ni mommy

"sige po ma, papasok na po ako" sagot ko naman

Makalipas ang ilang oras

"oh, anjan na ba ang lahat ng gamit?" tanong ni daddy

"oo, sige tara na" sagot naman ni mommy

kaya umandar na ang kotse at umalis na kami

Habang nasa byahe

"ah, dad daan po muna tayo ng waiting shed, yun pong malapit sa park, andun po ang mga kaibigan ko" saad ko

"ok" pag sang-ayon ni daddy

sa Shed

Ken's POV

"oh, ayan na yata yung kotse nina nessa oh" sigaw ng isang babae at kumaway kaway pa ito

"tongas! wag ka ngang kumaway, para kang engot jan eh" sagot naman ng isang babae at binatukan yung isa.

ang gulo nila, eto ba yung mga kaibigan ni nessa ?

"aray, naman pano tayo makikita ni nessa kung hindi ako kakaway" sagot ng isa.

"tara na, anjan na" seryosong sabi ko

hindi na sila nagsalita

huminto ang kotse sa tapat namin

bumukas ang bintana

"ano pang hinihintay niyo? tara na?" aya ni nessa na nakadungaw sa bintana ng kotse

kaya binuksan na ni nessa ang pinto at sumakay na kami.

[UNDER CONSTRUCTION] My BARBIE and METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon