Chapter 8- First Date ?? :)

67 1 0
                                    

Nessa's POV

Pagdating sa parking lot ng mall.

"magtext ka lang kung susunduin ka na ha. Ipapasundo kita sa driver" bilin ni mommy

"Opo" sagot ko na lang.

Sa loob ng mall..

San ko kaya siya pwedeng gawing tao ? nagmasid masid muna ako, hindi naman kase pwede sa girls restroom, lalo na sa boys noh, alangan pasukin ko pa.

isip

isip

isip.

Ah, alam ko na !

"Good morning mam. Pasok po kayo." Bati ng nagbabantay sa bilihan ng mga damit

"Ahh. Sige. May mga bago ba kayo dito?" tanong ko

" ahh opo. Kakadeliver lang po. This way mam." sagot niya

kumuha ako ng damit, kahit na ano na.

"Sukat nyo po mam. Dun po sa dressing room. Malapit sa mens section" turo niya

" ahh. Ok" sagot ko na lang.

Sa loob ng dressing room

" ken!" mahina kong sigaw.

" haay . Salamat tao na rin ako sa wakas." saad nito.

"bilisan mo, lumipat ka dun sa kabilang dressing room, tapos bumilang ka muna ng sampu bago ka lumabas ok ?" paliwanag ko.

lumipat na siya. lumabas na rin ako pagkalipat niya.

maya maya lumabas na siya sa dressing room.

"hindi mo na ako inantay. Anjan ka na agad sa pinto." reklamo nito

" eh baka kasi mahalata tayo. Tara na nga." sagot ko.

"Ahh. Mam wala po ba kayong napili??" Tanong ng saleslady.

"ahh eh. Wala eh. Sige bye."pagmamadali ko at hinila ko na si ken palayo sa store

Habang mabilis kaming naglalakad. Madami ang nakatingin samin.

"ang sweet naman nila. Naka holding hands pa" sabi ng babae na malapit samin

Bumitaw agad ako, hinila ko nga pala siya, so magka holding hands nga kami.

"halika. Bilisan mo. Ikaw naman kasi eh ang bagal mo maglakad yan tuloy napagkamalan pa tayong magboyfriend" reklamo ko

"hindi ko naman sinabing hawakan mo yung kamay ko ah. At tsaka pabor na pabor naman yun sayo. Akalain mo. Ganito ka gwapo, napagkamalang boyfriend mo. Maswerte ka pa nga eh." pagyayabang niya.

Tss . kapal ng face !

"ang kapal din naman ng mukha mo. Ano naman ang ibig mong sabihin ? Na pangit ako. Ganun ?" saad ko

" ikaw ang may sabi niyan. Hindi ako :)" sagot niya

>:(

"Ahhrghhh. Nakakainis ka talaga" irita kong sagot.

naglakad na kami papunta sa Department store, mas gusto ko kase dito mamili, dito magkakasama na lahat ng brands, kesa libutin ko pa yung mall noh.

pagkatapos namin mamili.

"Sandali nga." pigil niya

"Bakit ?" palinga linga lang ako, baka kase may makita pa kong magandang damit eh.

"hindi pa ako kumakain noh. Mula kanina pa. Kaya kumain muna tayo bago ka mamili ulit ng mga damit" saad nito.

ayan na naman siya sa katakawan niya. :/

[UNDER CONSTRUCTION] My BARBIE and METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon