Chapter 22 - The other side of me

10.6K 133 26
                                    

Maaga akong pumasok ngayon kasi gusto kong abangan si Julia. Nabasa ko kasi sa fanpage niya na maaga siya kung pumasok. Nakatambay lang kami ni James dito sa tabi ulit ni manong guard. 

"Pare, ano bang itsura nun?" tanong niya

"wag mo na alamin, baka agawan mo pa ako!"

"Sayung-sayo na pre!" sabi niya

Tinignan ko siya at tinanguan, "Magaling!"

Hindi rin nagtagal at nakita ko na si Julia, may kasama siyang batang babae na sa tancha ko eh nasa mga 10 years old. Sinundan namin siya papasok ng campus. Pumunta muna siya sa elementary department para ihatid yung bata na kapatid siguro niya.

At dahil don, nakaisip ako ng bright idea. nagkunyari ako na makakasalubong niya kami. pero ang totoo nakatayo lang kami ni James sa hallway at nung nakita namin siya tsaka lang kami lumakad. Nagtama ang tingin namin, natigilan ako, lalo na nung nginitian niya ako. 

Paglagpas niya saakin, siniko ako ni James

"Hayup ka, bro! Inlove ka na!" asar ni James, "Pero mukhang binabawi ko na yung sinabi ko kanina na sayo na siya"

binigyan ko siya ng death glare

"May the best man win pre!" tas inoffer niya yung kamay niya

"Sige, nang manghiram ka ng mukha sa buwaya!" angil ko sakanya

tumawa naman siya, "De joke lang pare, alam ko naman na walang akong panaman sayo!"

"Buti alam mo!" sabi ko at nagsimula nang maglakad pabalik sa campus namin 

Pagdating namin sa room, pinairal nanaman ni James ang pagiging hayop niya. Ipinagsigawan ba naman na, "Inlove na si Deej!!!!"

Ayun, naintriga tuloy ng mga kupal! minsan napapaisip na rin ako kung pamintang buo ba talaga tong mga 'to eh, kalalaking tao kasi ang hihilig mang-intriga!

Nagsimula na yung klase namin pero puro si Julia pa rin ang nasa isip ko. Hindi mawala sa vision ko yung ngiti niya kanina, napapakanta tuloy ako ng 'you got that smile, that only heaven can make' 

"Mr.Gil, are you listening?" nabalik ako sa realidad nung naging monster yung teacher namin

"Opo naman yes!" sagot ko

"Sige nga. please explain the Bernoulli's Principle!"

napakamot ako ng ulo, "It is a principle made by Bernoulli"

SiblingzonedWhere stories live. Discover now