Chapter 4 - Date date din pag may time

14.4K 162 10
                                    

"Uy ate ikaw muna bahala sa mga bata ah!"

"Oo na!!" winasiwas niya yung kamay niya na parang tinataboy kami ni Kath, "Dali na, alis na kayo! Enjoy your date!" medyo kinikilig pang sabi

napailing na lang ako at hinawakan yung kamay ni Kath

"Bye Nash, Derrick and Princess. wag kayong pasaway ah!" paalam ni Kath sa mga bata

"Byee mommy!" sagot naman nung tatlo

"Shoo shoo!" at halos itulak na kami ni ate palabas ng bahay

Inalalayan ko na si Kath pasakay sa kotse, naka semiformal kasi siya at malamang naka high heels! kaya naman todo alalay ako, mahirap na baka mapano 'tong dyosa kong asawa!

"saan ba tayo pupunta?" tanong ni Kath habang nagdadrive ako

nagsmile lang ako

hinila-hila niya yung braso ko, "Uy san ba tayo?"

"Basta!" sagot ko na lang

nakita ko naman sa peripheral view ko na nagpout siya. kung di lang ako nagdadrive kiniss ko na tong dyosang to!

Maya maya lang nakarating na kami sa aming destination. inalalayan ko din siya pababa ng sasakyan.

Nung una tinakpan ko muna yung mata niya

"Dami mo talaga alam! kapag ako nadapa dito!!" sabi ni Kath

"Wag ka mag-alala, kapag naman nadapa ka sa sahig lang ang bagsak mo. matakot ka kung kapag nadapa ka bigla kang lumutang!" 

kinurot niya yung kamay kong nakatakip sa mata niya, "aray!! joke lang! brutal ka ah, ipabantay bata kita eh!"

"Pshh! wag kang feeler! ang tanda mo na!"

natawa na lang ako 

pagpasok sa venue, sinenyasan ko yung mga kaibigan ko na patayin na yung ilaw.

inalalayan ko muna si Kath paupo. at pagkatanggal na pagkatanggal ko ng kamay ko sa pagkakatakip ng mata niya eh tumakbo ako kaagad palayo.

"Dj?" luminga-linga siya sa paligid, "Oy asan ka?"

*Kathryn's POV*

Nakakainis talaga 'tong si DJ! iwanan ba naman akong mag-isa dito sa madilim na lugar -_-

Ayon sa aking instincts, nasa isang room ako na may chairs and tables. at pakiramdam ko hindi lang ako yung tao dito :/ feeling ko may nakapalibot saakin pero di ko lang makita kasi madilim! ay ewan!

SiblingzonedWhere stories live. Discover now