Chapter 15 - Uhh-Ohh

11.8K 138 22
                                    

"Sige po, Tita. Mag-iingat po kayo, byee!" tas sinara ko pa yung pinto ng kotse at nagbabye

Pumasok na ako sa bahay namin. Haaay! namiss ko 'tong bahay namin! Ilang araw din kasi akong nandun kila Janella, nakauwi lang ako ngayon kasi pupunta sila ng province para ilibing yung Dad niya. eh syempre hindi na ako kasama dun.

"Oh bro! naligaw ka ata?" bati saakin ni kuya Rj pagpunta ko sa living room

"Namiss mo ba ko, bro?" tanong ko sabay upo sa tabi niya

"Oo, pakiss nga!" hinawakan pa siya yung magkabilang pisngi ko at ngumuso

tinapik ko naman yung kamay niya, "wag ka naman mabading brad!" tas nagtawanan kami

"Deej, you're here!!" 

napatingin ako dun sa nagsalita, "Hi Ma!" lumapit ako sakanya at bumeso

"Kamusta na si Janella?" tanong niya

"medyo okay na, pero parati pa din umiiyak"

tumango naman si mommy, "It takes time talaga para maka move on. Oh sige na, kumain ka na dun. kakatapos lang namin, di kasi namin alam na uuwi ka na eh"

"Sige po" at nagpunta na ako sa kitchen

Pagkatapos kong kumain, humilata na lang ako sa kama ko. Nakakatamad kumilos, lalo na't weekend bukas, parang gusto kong matulog lang buong maghapon!

Nung medyo nagtatalo na ang antok at diwa ko biglang may....

*tok tok tok tok*

Hudas barabas bayabas!!! sino ba yon!?!

bumangon ako para buksan yung pinto

"Ano balak gibain yung pinto?!" bulyaw ko dun sa kumakatok

"Aba! sinisigawan mo ako!" tuluyang nagising yung diwa ko nung nakita ko si mama na nakapamewang sa harapan ko

"Ano ba kasi yun ma?"

"Magayos ka, samahan mo ako kila Chandria"

napakamot ako ng ulo, "bakit?"

"Susunduin natin siya, wala kasi siyang kasama dun puro maids lang"

tumango na lang ako at inayos yung buhok ko tas sumunod na din ako kay mama

"Ano? ganyan na lang suot mo?" 

SiblingzonedWhere stories live. Discover now