CHAPTER LVI - 1st Lunch Date as a Couple

Start from the beginning
                                    

"Alam na..."panunukso naman ni Raven.

Imbes na sagutin ko ang tanong ni Alexis ay binigyan ko na lamang siya ng isang nakakalokong ngiti at saka tinanggal ko muna ang braso niyang nakaabay sa akin. At pagkatapos ay tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko.

"Una na 'ko! !"pagpapaalam ko sa kanila at saka nagsimula nang maglakad palabas habang nasa magkabilang  bulsa pa ng pantalon ko ang aking mga kamay.

"Kita mo 'tong taong 'to! Ni hindi man lang sinagot ang tanong ko! Hoy, bumalik ka nga rito, Jin Ren!"pahabol na sigaw ni Alexis.

"Hahaha! Hayaan mo na yung si Ren"ani ni Raven kay Alexis bago ako tuluyang nakaalis.

Ngunit di na ako lumingon pa sa kanila at sa halip ay itinaas ko na lamang ang kanang kamay ko at saka ito winawaygay--- tanda na nagpapaalam na ako sa kanila.

Habang naglalakad ako'y  hindi naman natanggal sa isip ko yung  huling tanong sa akin ni Alexis--" Kelan mo pa nagustuhan si Yuri?"

Kelan pa nga ba? Hmmn... marahil nga'y matagal ko na siyang gusto  simula pa nung nagsine kami't kumain sa ice cream parlor. Kaya lang masyado pa akong in denial nung mga panahong iyon at nakompirma ko nga lang talaga na gusto ko na siya nung nasa Terra Cota kami. Nung araw na naglaro kami ng volleyball. Nadiskubre kong gusto ko na pala siya dahil sa labis ang pagseselos ko nang si Fizz ang nilapitan niya. Nasaktan ako, nainis, at higit sa lahat ay nagselos ako. Sa sobrang pagkainis ko't pagseselos ay nagawa ko pa ngang suntukin si Fizz sa mukha at pagkatapos ay kinaladkat ko pa nun si Yuri't saka siya sinigawan. Nung una'y hindi pa masyadong malinaw para sa akin yung mga nangyari't mga nararamdaman ko. Bakit ba si Fizz ang nilapitan niya? Bakit si Fizz at hindi ako? Ako na sinasabi niyang mahal niya! At isa pa, bakit ba ako naiinis? Bakit ba ako nasasaktan? At higit sa lahat, bakit ako nagseselos? Matapos yung insidenteng yun ay ilang araw ko rin siyang hindi pinansin nang sa gayon ay makapag-isip-isip muna ako at maliwanagan sa mga nangyayari para naman matukoy ko kung ano nga ba yung tunay kong nararamdaman. Sa loob ng ilang araw ng hindi pagpansin sa kanya, dun ko nahanap ang mga sagot sa mga katanungan ko. Una'y kung bakit si Fizz ang nilapitan niya at kung bakit hindi ako? Na-realize kong likas na mabait at maawain si Yuri. Kaya naman, nung mga panahong iyon nang nakita niyang mag-isa lamang si Fizz at wala ni isa mang lang ang lumapit sa kanya upang alalayin siya'y marahil dala ng pagkamaawain at mabait niya'y mas pinili niyang lapitan na lamang ito kaysa ang lapitan na ako. Pero nakakainis pa rin kahit na ganun. Nakakainis talaga ang pagiging mabait niya. Alam niyo naman na kung bakit di ba? Kasi nga ayaw ko sa mga taong mababait. Pero hindi ko nga alam sa sarili ko kung bakit hindi ko siya magawang ayawan!

Tapos pangalawa naman, napagtanto ko kung bakit nga ba ako naiinis? Bakit ba ako nasasaktan? At higit sa lahat, bakit ako nagseselos? Simple lang naman ang sagot eh. Matagal nang andiyan sa harapan ko ang sagot. bagamat masyado lang akong mapagkunwari't ayokong tanggapin ito. Ayokong tanggapin na gusto ko na nga si Yuri. Pero simula nung araw na narealize kong gusto ko nga siya'y ipinangako ko sa sarili kong magpapakatotoo na ako sa sarili ko. Kaya naman, nung pag-uwi namin galing Terra Cota'y masayang-masaya ako dahil doon siya mamamalagi ng ilang araw sa bahay namin. Bagamat problemadong-problemado rin ako nung araw na yun. Kasi nga magkaaway kami. kahit na gusto ko na siyang lapitan nung mga panahong iyon ay hindi ko pa rin magawa buhat ng di ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya. Hanggang sa nauwi na lamang ako sa pag-snob sa kanya. Hanggang sa dumating yung oras na siya na nga mismo ang lumapit sa akin. Masayang-masaya ako nang binitawan niya ang katagang "saranghae" nung gabing yun. Kahit na alam ko na ang ibig sabihin nun, ay nagkunwari pa rin akong hindi ko alam at saka siya kinulit upang sabihin niya sa akin mismo ang ibig sabihin ng katagang iyon; upang magkaroon siya ng pagkakataong sabihan ako ng "I Love You". Kaya lang masyadong tuso ang babaeng yun at sa huli ay hindi ko pa rin siya narinig na magsabi ng "I Love You". Nagtataka ba kayo kung paano ko nalaman ang kahulugan nung katagang yun? Naalala niyo ba yung regalo niya sa akin nung kaarawan ko? Isang malaking puzzle picture naming dalawa na may nakasulat sa gitna na “Happy Birthday Jin Ren ko” at sa gilid naman nung puzzle picture eh may nakaukit na "사랑합니다". Nakita ni Ms. Jane yung regalo niya sa akin at napansin niya yung "marahil na salita" na nakaukit sa may gilid nung picture. Tinanong ko sa kanya kung ano ang ibig sabihin nun at sinabi niya namang "Saranghamnida" raw. Kinulit ko pa siya kung ano naman ang kahulugan nun, bagamat ang isinagot niya lang sa akin ay," Find out yourself!" saka nginitian pa ako ng nakakaloko. Kaya naman nauwi ako sa pagse-search nung kahulugan nung katagang "Saranghamnida" sa internet. Kaya ayun, napag-alaman kong Korean pala yun ng "mahal kita". Di lang yun, nalaman ko rin yung iba't ibang paraan ng pagsabi ng "mahal kita" sa Korean. kaya naman nung sabihan niya ako ng Saranghae ay napangiti na lamang ako. Kaya naman, napagdesisyunan kong bigyan siya ng pagkakataon pati na ang sarili ko na maging masaya pagkatapos ang examination namin. At ayun na nga--- sinagot ko siya! Hahaha. Hindi ko naman kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Kaya ayun, ganun ang naging ending! 

I'm Courting Mr. ColdWhere stories live. Discover now