"Kung ayaw mong maniwala eh di huwag mo. Basta masaya ako ngayon sa kung anumang meron kami ni Pangga." Putol ko sa sasabihin niya. Napabuntong hininga naman siya at pagkuwa'y tumayo.

"Hay naku. Mukhang nababaliw ka na yata sa Bryce na 'yan. Pinapaalala ko lang sa'yo Besh, baka sa huli umuwi kang luhaan sa ginagawa mong 'yan." Aniya at tuluyang tumalikod. Umirap lang ako at muling tiningnan ang repleksyon ko sa salamin.

Love is a business venture. Sometimes you gain, sometimes you lose. And your investment is your feelings. Wala namang masama kung ipagsapalaran ko ang damdamin ko kay Pangga. Kahit ano pa man ang mangyari sa darating na panahon, magkatuluyan man o masaktan namin ang isa't isa, ang mahalaga may matutunan ako.

"Smile to the world even if it gives you the scariest glare" wika ko sa sarili ko. Pinasadahan ko ng tingin ang buo kong katawan. I smiled with satisfaction. Isang fuschia pink Filipiniana gown ang pinili kong suotin sa party. Sa mahigit isang buwan kong pagsusuot nito ay di ko napansing nakasanayan ko na pala. It's not bad after all. Pakiramdam ko nga ang patriotic kong tingnan.

Tiningnan ko ang cellphone ko kung may text na galing kay Pangga pero wala pa rin. Hiningi niya kasi ang number ko bago siya umuwi ng mansyon kahapon. Ang sabi niya susunduin niya ako ngayon. Ilang oras na lang magsisimula na ang party. Nauna na rin sina Tatay Berting at Nanay Corazon dahil pareho silang tumutulong sa pag-asikaso ng mga ihahandang pagkain. Lalabas na sana ako sa kuwarto nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Si Pangga.

"Hello, Pangga?"

"I'm sorry, something came up but I'll be there in a while, okay?"

"Okay lang Pangga. Pero huwag mo na kaya akong sunduin. Sabay na lang kaming pupunta ni Besh diyan. Malapit lang naman eh."

"You sure?"

"Oo naman. Naiintindihan ko namang busy ka kaya huwag ka nang mag-alala sa'kin."

"Alright. Thank you, UK. Take care, okay?"

"Ayos! See you, Pangga!"

Narinig ko ang mahinang tawa niya sa kabilang linya bago ko pinutol ang tawag. Huminga ako ng malalim bago lumabas. Naabutan ko si Besh na tinitingnan ang ayos niya sa harap ng malaking salamin. Kumunot ang aking noo dahil nakasuot lamang siya ng simpleng polo shirt at fitted jeans.

"Bakit hindi ka pa nagbibihis, Besh? Hindi ka ba pupunta sa party?" Nilingon niya ako at kinunotan ng noo.

"Pupunta siyempre. Minsan lang sa isang taon magpapakain ang mga Villaceran, palalampasin ko pa ba?" Aniya.

"Pupunta ka ng party na ganyan ang suot mo Besh?" Tiningnan niya ako nang masama.

"Bakit? Ano bang mali sa suot ko?" Umikot ang kanyang mga mata.

"Huwag mo akong itulad sa kalokohan mo. Simpleng kainan lang ang pupuntahan natin. Walang cocktail tables o kung anumang sosyalin na palamuti kang makikita do'n. At saka mukhang bagay naman sa'yo 'yang suot mong Filipiniana kaya lubus-lubusin mo na. Tingnan natin mamaya kung hindi ka pagtitinginan ng mga tao do'n. Hindi 'yon kagaya ng mga party na dinadaluhan ng pamilya mo."

Napasimangot ako. Isinuot ko naman 'to para kay Pangga eh. Hindi ibig sabihin na okay na kami ay hindi ko na susuotin ang mga gusto niyang suotin ko. Opinyon lang naman niya ang mahalaga sa'kin. Wala akong pakialam sa iba. Bago kami umalis patungong mansyon ay nagtext muna ako kay Pangga na papunta na kami ni Besh. Nagreply naman siyang hihintayin niya kami sa bukana ng manyson.

"Oh? Naniniwala ka na? Sabi ko sa'yo eh." Napailing ako sa ibinulong ni Besh pagkarating namin ng mansyon. Hindi naman kasi siya nagkamali. Lahat nga ng mga mata nasa sa'kin. Hindi nga sila nagbubulung-bulongan pero para naman silang nakakakita ng alien sa katauhan ko. Hindi ko na lang silang pinansin at hinanap ng mga mata ko si Pangga. Mukhang sa malawak na bakuran ng mansyon gaganapin ang party dahil maraming mesa dito at pagkain.

The Scorned LoverWhere stories live. Discover now