Chapter 1

107K 1.1K 65
                                    

Chapter 1

Pumasok si Emily Gaca alias "Em" sa isang bukas na tent. Hinawi nito ang mga borloloy at kitang kita na niya ang babaeng maghuhula. (Pakitignan nalang sa right side yung picture ni Em. ------------------------>)

"Sigurado ka ba dito Pat?" sabi ni Em sa kanyang kaibigang si Patricia Pilapil alias "Pat" at diniretso nila ang manghuhula.

"Magandang Umaga sa inyo." Bati ng manghuhula sa kanila.

"Aah, hello po." Magalang na pagkakabati ni Em sa manghuhula at umupo na si Em at si Pat.

"Anong ipapahula niyo?" sabi ng manghuhula habang pinupunasan ang bolang crystal sa gitna ng lamesa.

"Aah hindi po ako siya lang po." Sabi ni Pat.

"Ako po." Nagsalita si Em at ngumiti sa manghuhula.

"Anong ipapahula mo?" sabi ng manghuhula.

"18 years old na po ako, pero hanggang ngayon hindi parin po ako nagkaka-Boyfriend simula ng pinanganak ako. Bakit po ba?" sabi niya sa manghuhula. Itinapat ng manghuhula ang dalawang kamay sa bolang crystal at pumikit ito at pinaikot ikot ang kamay sa bolang crystal.

"Hmmmm! Hmmmmm! Hmmmm!" ungol ng manghuhula na para bang naloloka ito. Umiikot ang kamay at pati ang katawan nito ay umiikot, gumagalaw.

"HAA!" sigaw nito na para bang nagulat sa nakita sa bolang crystal. Nakatigin ito sa itaas at unti unting binababa ang tingin kay Em.

"Ano pong nakita niyo?" kinakabahang sagot ni Em dahil first time niya lang magpahula at ganoon pala ang ginagawa ng mga manghuhula.

"May isang lalaki na magpapasaya sa'yo ililigtas ka sa mga biglaang aksidente at sakuna. Magiging masaya kayo. Aalagaan ka niya." Isa isang sinabi ng manghuhula kay Em ang mga nakikita sa bolang crystal. subalit parang may nakita siyang problema dito.

"Pero--" napangunahan ng pagtunog ng Cellphone ni Pat.

"Aah, saglit lang Em." tumayo ito, lumayo at kinausap ang tumawag sa cellphone.

"Pero ...." Hinimas ng manghuhula ang bolang crystal at binuksan ang nakapitkit na mata.

"Pero siya--"

"Em, halika na. may emergency sa bahay niyo. Yung lolo mo inatake daw sa puso." Sabi ni Pat at bigla naman tumayo si Em sa pagkakaupo, dinukot ang one hundred pesos sa bag at nilagay sa mesa ng manghuhula at mabilis na tumakbo palabas ng tent.  Hindi pa man niya narinig ang huling sasabihin ng manghuhula.

"Pero siya ay maglilihim sayo na isa siyang masamang tao." Pagsasalita ng manghuhula at sinabi nito ang dapat ay kanina niya sinabi.

Iba ang bilis ng kabog ng dibdib ni Em dahil sa nangyari sa kanyang lolo. Mabilis itog sumakay ng taxi at dumiretso kung saan dinala ang lolo niya.

~~ooOOoo~~

Hingal na hingal si Em at Pat, mabilis na tumakbo sila at tinanong sa isang Nurse kung saan ang room E-309 na tinanong nila kanina.

"Mag-elevator po kayo ma'am tapos po diretsuhin niyo lang po, makikita niyo na po 'yon." Sabi ng Nurse.

"S-salamat po." Hingal na sabi ni Em. Nang makita na nila ang kwartong E-309 agad nitong binuksan ang pinto at bumungad sa kanya ang kanyang lolo na nakahiga sa Hospital bed na kanina ay nasa Emergency Room at sa tabi nito ang mga aparato ng hospital. May nakakabit din sa kanyang lolo para masuportahan ang pagkain pati sa ilong at bibig nito bilang oxygen.

"Anak! Saan ka ba nanggaling?" sabi ng Mama ni Em. Pero hindi muna nito sinagot ang tanong ng Ina. Siya ang nagtanong sa ina.

"Ma, anong nangyari kay Lolo?" tanong nito.

Mafia BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon