Chapter 14

5.4K 81 8
                                    

Chapter 14

Julia's POV

So today na ang Championship game namin against St. Dominic. Nakadating na nga ang mommy ni Kath, mga pamilya ng iba kong kateammates pero si daddy, wala pa :((

"Julia, darating din ang daddy mo. Baka naman nata-traffic lang or baka busy pa sa trabaho." sabi sa akin ni Diego.

Ngumiti na lamang ako sa kanya. "Sana nga Diego. Ayoko ng ako lang ang walang magulang dito." sabi ko naman sa kanya.

Hinamas naman niya likod ko tapos niyakap niya ako. "Darating siya, alam ko." sabi sakin ni Diego.

Napabuntong-hininga na lamang ako tapos kumalas na ako sa yakap ni Diego.

Diego's POV

Nakita ko si Julia na nakatayo dun sa may beach volleyball court tapos parang may hinahanap siya.

"Julia, darating din ang daddy mo. Baka naman nata-traffic lang or baka busy pa sa trabaho." sabi ko sa kanya to make her feel a little hope.

"Sana nga Diego. Ayoko ng ako lang ang walang magulang dito." sabi ni Julia.

Sa totoo lang, naawa na ako kay Julia. Ever since her mom passed away, daddy niya na lang ang kanyang inaasahan, palagi niyang kasama at best friend niya na rin ang kanyang daddy.

Kaso simula ng magkaroon ng opportunity ang daddy niya na maging manager ng isang kompanya, lahat ng atensyon ng kanyang ama ay napunta na sa trabaho at kaunti na lamang ang natira para kay Julia.

Sa gabi na lang sila nagkikita palagi. Kakain lang ng hapunan ang kanyang ama tapos magpapaalam na dahil magpapahinga na raw siya.

Kaya nga minsan hanggang gabi sinasamahan ko si Julia para malaman niya na kahit na ganun na ang kanyang ama ay mayroon pa siyang kaibigan at boyfriend na handang magpasaya at tumulong sa kanya araw-araw.

"Darating siya, alam ko." sabi ko na lang sa kanya kahit ako na boyfriend niya ay alam ko sa sarili kong malabo ng dumating pa ang daddy niya.

"Diego! Julia! Halika na kayo. Magsisimula na tayong magwarm-up." sigaw samin ni Coach Ortega.

"Halika na." niyaya ko na si Julia para magtungo na sa kinaroroonan ng Sun Spikers.

Kath's POV

Today is the day!! Ngayon na ang araw ng laban ng Sun Spikers sa St. Dominic. Kaya ko 'to! Lalo na't narito si mommy para manood.

"Galingan mo anak ha? Nandiyan lang ako sa tabi nagch-cheer sayo." sabi sakin ni mommy.

Tumango naman ako. "Opo mommy, para po ito sa inyo ni daddy. Teka, nasan po si daddy?" sabi ko with a smile.

"Hindi raw siya makakapunta. May emergency daw sa company." sagot ni mommy.

"Ahh...sige mommy, punta na po ako dun ha?" sabi ko kay mommy.

"Sige anak, good luck." sabi naman sa akin ni mommy tapos nai-kiss niya ako sa forehead ko.

Naglakad na ako papunta sa teammates ko. "Kath!!" may sumigaw.

Tiningnan ko naman kung sino. "Oh DJ." sagot ko naman.

"Good luck." sabi niya.

"Sige, punta na ako dun." sagot ko naman. Alam niyo mga ineng, pa-cool lang ako pero sa loob loob ko, nagtatatalon na ako sa tuwa at sa kilig.

Nagstart na nga ang game. Ako yung unang magseserve.

BAM!!! Pasok!

"Nice Kath!" sigaw ni Coach Ortega.

Superstar :">Where stories live. Discover now