Chapter 7

6.8K 92 3
                                    

Chapter 7

Daniel's POV

"You're welc-" sasabihin ko na sana sa kanya kaso nung dumiretso na ako ng tayo, nagulat ako sa aking mga nakikita. Siya ba talaga ito?

"Z-Zharm?" Oo, si Zharm Arriola. Siya lang naman ang nag-iisang controversial girlfriend ni Batman. Hahaha. Well, aaminin ko; hindi ako masayang nagkita ulit kami.

"Oh what a coinscidence, Daniel." sabi niya. Nakakaasar lang. Nginitian ko na lang siya. Ano naman ang ineexpect niyang isasagot ko?

"Bakit ka narito?" tanong ko. Siyempre, gusto ko rin naman malaman kung anong ginagawa niya rito. Titingnan ko kung magkakasalubong kami these next days.

"Uhm...I'm here kasi magswiswimming kaming magkakaibigan with some new members of the barkada." sagot ni Zharm.

"Ah sige Zharm, una na ako. May gagawin pa kasi ako eh." nagbulaan na lang ako para makaalis na roon sa harapan ni Zharm.

Zharm's POV

Hi, I'm Zharm. Zharm Arriola. I bet you all know me because ako lang naman ang tinaguriang "The Controversial Girlfriend" ni Daniel Padilla.

Bakit naging controversial? Well, okay lang ba sa inyo na mapahaba ang POV ko? Kung gusto niyong malaman ang kwento namin ni Daniel, magtiis kayo! Hahaha. Peace tayo :">

Anyways, controversial kasi yung relationship namin ang pinakatinutukan ng medias at paparazzis nung kami pa ni Daniel. Okay lang naman sa akin na alam ng mga tao na kami ni Daniel pero sabi niya, he doesn't want to give me a life like that. Yung bang pinakikialaman ang bawat galaw mo.

Alam ng mga tao na ako yung first ni Daniel pero actually, I'm the third at sa akin lang nagseryoso si Daniel. Sobrang saya ko noong mga araw na kami pa ni Daniel kasi feeling ko I'm beautiful when I'm with him. I feel safe when I'm with him. I feel protection in his arms and I feel warmth whenever he smiled down at me. I'm so lost in his eyes pero ngayon...wala na. Madilim na ang mundo ko.

I used to be a nice and responsible girl but ever since na dumating yung mga new additions sa barkada namin ni Daniel pero hindi na niya kino-consider as barkada ngayon. He has new friends na kaya ako na lang ang nagstay sa barkada. Yung mga new additions kasi mga party-goer which I'm not. Umiinom sila ng alcohol pero I'm not like that. They have vices and some are already influenced.

Ang sabi ko sa sarili ko, hindi nila ako maiimpluwensyahan pero I was wrong. Dumating ang araw na na-tempt akong i-try hanggang sa nakasanayan ko. Nalaman 'to ni Daniel at iyon na rin ang reason why he broke up with me.

Sabi niya, ayaw niyang makarelasyon ang tulad ko. Isang party-goer na kapag nakainom ay hindi na ma-control ang sarili. I admit, I'm regretting everything. Tinigil ko na ang mga pag-iinom ko, hindi na rin ako masyadong umaattend ng mga parties kasi ang akala ko, kapag binalik ko yung dating Zharm...babalikan ako ni Daniel.

Pero sa mga nakita ko kanina, halata naman sa mga mata ni Daniel na wala na akong pag-asa. Malabo ng maging kami ulit. Kailangan ko siyang makausap kaya hinabol ko siya.

"Daniel!" sigaw ko habang tumatakbo. Mabuti naman at tumigil siya.

"Oh bakit?" tanong niya sa akin. Tumigil na ako ng malapit na ako sa kanya.

"Uhm...pwede ba kitang makausap?" tanong ko. Tinatago ko yung mga kamay ko kasi naka-cross fingers ako. Magkbilang kamay pa!

"Zharm, wala kasi akong oras eh." sabi niya. Alam ko, nagsisinungaling siya.

"Ganun ba? Pero Daniel, pwede tomorrow?" tanong ko.

"Ano bang pag-uusapan natin?" tanong niya. Seryoso na yung boses niya. Sa tinagal-tagal ba naman naming mag-on, bakit hindi ko pa siya makikilala? Basta pag seryoso na ang boses niya, naiinis na siya.

Superstar :">Where stories live. Discover now