Chapter 3

6.6K 130 2
                                    

Okay, 2 lang ang nag-vote last time :( Anyways, heto na. Double update. Sana naman i-vote niyo itong story ko. Comment na rin then like. Heehee.

Chapter 3

Julia's POV

"Hello, Tita. Si Julia po ito. Uh...ipagpapaalam po namin si Kath na manood po ng movie sa mall." sabi ko sa phone.

"Julia, sorry ha? Kung may kinalaman yan sa Fans Day ni Daniel, hindi ko siya papayagan." sabi ni Tita. Napa-pout ako tapos tiningnan ko si Diego.

"Ano sabi?" tanong ni Diego kaso walang sound parang mouth lang niya ang gumalaw.

Humindi ako using my head. "Eh tita, alam po namin na hindi niyo po pinayagan si Kath na pumunta sa Fans Day kaya po hindi namin siya dadalhin dun. Different mall naman po then kasama po namin si Deigo with his driver po." sabi ko kay Tita. Sana pumayag na :(

"Ahh sige sige. Basta, sa oras na malaman kong sa Fans Day pala kayo nagpunta, nako! Malalagutan kayo sa akin lalo na si Kath." sabi ni Tita.

"Opo, Tita. Sige po. Aalis na po kami, thank you na rin po sa pagpayag kay Kath." sabi ko kay Tita with matching lambing.

"Sige, ingat kayo ha?"

"Sige po."

Then binaba ko na yung phone kasi ready to go na si Kath.

Kath's POV

Nako! Mabuti na lang at pumayag si mommy. Pero ang hindi alam ni mommy, same mall kami kung saan magaganap yung Fans Day ni Daniel ko. Okay, inangkin ko na naman si Daniel.

"Ano, let's go na?" tanong ko sa dalawa.

"Let's go!"

[FAST FORWARD]

Tapos na kaming mag-malling at nakikita ko ng ready na ang stage para sa Fans Day ni Daniel. Nako, kinikilig ako! "Julia, anong oras na?" tanong ko kay Julia.

"Quarter to 5 na." sagot niya.

"Tara na! Para makapwesto tayo sa may unahan." sabi ni Diego tapos hinila niya kaming dalawa ni Julia. Mukhang mas excited pa ata si Diego kaysa sa akin ah! Anyways, ang ganda ng pwesto na kinuha ni Diego para sa aming tatlo. Talagang front row para raw maganda ang view ko sa aking "future husband" ;) Oh diba, pati si Diego boto sa aming dalawa ni Daniel?

Okay, enough na. Heto na may lumalabas na sa stage pero hindi siya si Daniel. Mukhang yung host nung event.

Salita siya ng salita bago pa lang niya pinalabas si Daniel. Heto na, napahawak ako kay Julia sa sobrang kaba. "Heto na Julia! This is the moment!" sabi ko sa kanya.

"Oo nga! Gwapo pala siya, noh?" sabi sakin ni Julia.

"Ehem!" Nako, nay nagselos!

"Siyempre ikaw din, gwapo." pakipot ni Julia kay Diego.

Masyado ata akong nalibang sa sweetness nung dalawa na hindi ko namamalayan na nasa harapan ko na pala si Daniel.

Wow! Ang tangkad tangkad niya tapos naka-leather jacket pa siya. Payat nga lang pero okay lang yun! Patatabain ko siya once na naging kami. Nai-greet niya muna yung kanyang mga fans at siyempre kami ni Julia, wagas ang pag-irit.

May lumapit kay Daniel na lalaki na may hawak na gitara. Inabot niya yung gitara kay Daniel at umalis na. "This is dedicated to all girls out there. Alam ko, isa sa inyo ang matagal ko ng hinahanap; ang magiging Batgirl ng buhay ko." sabi niya sabay strum nung strings ng gitara.

"Batgirl, hinahanap hanap kita." sabi ni Daniel sabay lip bite.

Natutunaw na ako. Hinahanap niya ako. No! Erase erase. Wag mag-assume. As if naman ako si Batgirl...in your dreams, Kath!

Nagsimula ng kumanta si Daniel. Nakatutunaw ang kanyang boses. Hindi man lang siya tumitingin kung saan kami nakaupo nila Julia.

[FAST FORWARD]

Tapos na ang Grand Fans Day at kasalukuyan kaming nakapili para magpa-autograph kay Daniel at siyempre magpapicture. Ilang tao na lang at turn na namin.

[After almost ten minutes]

"Hi!" sabi ni Daniel pero hindi siya tumingin samin. Nakatungo kasi siya kasi pinipirmahan niya yung poster ko na dinala ko. Nung tumingin na siya samin, ngumiti ako sa kanya at napansin kong napatitig siya sakin. Okay, never assume. Nagi-imagine ka lang Kath.

"Sige, thank you." sabi ni Julia matapos naming magpapicture at magpa-autograph.

Umalis na kaming tatlo tapos nilingon ko ulit si Daniel tapos busy siya sa pagpipirma.

Author's POV

Saktong pagkalingon ni Kath kay Daniel, bumalik na siya sa kanyang pagpipirma at pagpapapicture. Nang hindi na nakatingin si Kath, si Daniel naman ang tumingin sa kanya.

Daniel's POV

Nako, na-love at first sight ata ako dun sa fan ko. Tatlo sila eh. Dalawang babae at isang lalaki. Yung dalawa mukhang mag-on tapos yung isa na mahaba ang buhok then morena siya, mukhang single.

Tingin talaga ako ng tingin sa kanila. Gusto ko kasi malaman ang name nung Morena na girl. Ang ganda kasi niya. Napatingin ako sa line ng fans ko na magpapapirma. Nako, ang haba! Di bale, minsan na lang ako makakita ng ganung kagandang babae. Hahabulin ko na siya.

Tumayo ako at tumakbo ako kung saan nagtungo yung morena girl. Yun, di pa siya nakalalayo!

"Daniel!" may sumigaw. Paglingon ko, si Mommy, manager ko rin kasi siya eh.

Sorry mommy pero once in a lifetime lang ito eh. Naks! Kung maka-once in a lifetime eh. Hala! Nawala sina morena girl. Di bale, tuloy tuloy lang. Maya maya nahanap ko na sila, papalabas na sa parking lot.

Sinundan ko pa rin. Papasok na siya sa kotse kaya sumigaw na ako. "Excuse me!" sigaw ko. Hindi nila ako narinig.

Sinundan ko pa rin yung kotse nila tapos sigaw pa rin ako ng sigaw.

Kath's POV

Wait. May sumisigaw ata. Nilingon ko tapos wala naman. Napakibit balikat na lamang ako.

Daniel's POV

Malas! Nalaglag ko phone ko. Pagkatingin ko sa kotse nila, parang may luningon sa kanilang tatlo pero hindi ata ako nakita kasi nakayuko ako. Malas! Baka si morena girl yun.

Bahala na nga! Babalik na ako dun sa event ko na nilayasan ko.

***

Ano kayang mangyayari kay Kath? Kay Daniel? Hahanapin kaya ni Daniel si Kath o kakalimutan na lang ni Daniel ang magandang mukha ni Kath?

ABANGAN :)

Superstar :">Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon