Chapter 2

6.7K 103 2
                                    

Chapter 2

Wala na talaga akong gana simula nang hindi ako pinayagan ni mommy na pumunta sa Grand Fans Day ni Daniel. Nag-ayos na ako ng sarili ko. Nagtoothbrush na ako, sinuklay ko na ang mahaba kong buhok tapos naitali ko. Bumababa ako ng hagdan nang may narinig akong boses. Pamilyar siya. Sinilip ko kung sino...

"Diegooooo!" sigaw ko habang mabilis na bumababa ng hangdan. Muntik na nga ako mahulog eh.

"Kath!" sigaw din niya.

Niyakap ko siya then umupo na ako sa tabi niya. "Asan si Julia?" tanong ko.

"Susunod na lang daw siya kasi may sasabihin daw kayo sa'kin eh." sabi ni Diego.

"Ha? Wala akong natatandaan na sasabihin namin sa'yo eh." sabi ko sa kanya. Then biglang dumating si Julia.

"Hi guys!" sabi niya sabay pasok ng bahay. "Asan sina Tita?" tanong niya.

"Umalis." sagot ko.

"Then madali lang pala..." sabi ni Julia sabay halik sa pisngi ni Diego.

"Oy kayo, ah! Tigilan niyo nga yan...naiinggit tuloy ako. Ang tagal kasi dumating ni Daniel eh. Siya na lang naman ang hinihintay ko." sabi ko dun sa lovebirds.

"Sus! Ang sabihin mo...umaasa ka na makikilala ka ni Daniel at susuklian niya yang undying love mo para sa kanya." sabi ni Diego.

"Diego, ano ba. Hayaan niyo nga akong mangarap dito." sabi ko kay Diego.

"Okay, nalalayo na tayo sa dapat nating pinag-uusapan ngayon." sabi ni Julia sabay tayo tapos dun na siya umupo sa tabi ko then across samin si Diego.

"Ano nga ba yun, Julia? Parang wala akong natatandaan na sasabihin natin kay Diego." sabi ko kay Julia.

"Basta." bulong niya sakin. "Diego..." sabi niya.

"Bakit?" tanong ni Diego.

"Uhm...diba kanina tinanong kita kung sasama ka sa Grand Fans Day ni Daniel tapos si Kath sasama kaso..." sabi ni Julia.

"Hindi siya pinayagan?" tanong ni Diego. Nag-nod lang si Julia. "Sabi na nga ba eh." dagdag pa ni Diego.

"Kasi naman si mommy eh...sabi baka raw kung ano pang masama ang mangyari sakin." sabi ko sa kanila.

"Sinabi mo ba na kasama mo ako?" tanong ni Diego.

"Oo kaso wala talaga eh. Ayaw talaga." sabi ko kay Diego.

"Tapos naisip ko na kung pwede tumakas si Kath. I mean, itakas natin." sabi ni Julia.

"What? Julia, mahirap yan." sabi ni Diego.

"Yun na nga eh." sabi ni Julia.

"Hindi ako papayag, Julia. Mapapahamak tayo lalo na si Kath. Itatakas nga natin siya kaso sinusuway naman niya ang gusto ng mommy niya." sabi ni Diego.

"Diego, sige na. Ngayon na nga lang magkakaroon ng opportunity si Kath na makita si Daniel eh. Sige na, para 'to kay Kath." sabi ni Julia. Nanahimik na lamang ako at hayaan ko na lang magusap ang lovebirds. Sa loob loob ko sana pumayag na si Diego.

Napabuntong-hininga si Diego. Ang lakas lakas eh. Nakita ko siyang napakamot sa ulo niya at tsaka kami tinitigan ni Julia. "Okay...basta-"

Naputol ata ang sasabihin ni Diego dahil parehas kaming umirit ni Julia. "Basta ano, Diego?" tanong ko.

"Basta, uuwi tayo ng maaga para hindi mahalata nila Tita. What time ba sila babalik?" tanong ni Diego.

"Mga gabi na. Siguro mga 8, 9 ganun." sagot ko.

"Great! 5pm yung Grand Fans Day ni Daniel then matatapos siya ng mga 7 kung sasama pa tayo dun sa parang autograph signing and picture taking." sabi ni Diego.

"Yey! Siyempre sasama ako dun sa autograph signing." sabi ko sa kanila.

"Sige, Kath. Ano, okay na? Itatakas ka na namin." sabi ni Julia.

"Sige sige, excited na ako!" sabi ko sa kanila. "Thank you guys!" sabi ko then hinug ko silang dalawa.

"Oh sha sha, enough na." sabi ni Julia tas kumawala siya sa group hug.

"Sus, if I know ayaw mo lang na may ibang kayakap si Diegs." sabi ko kay Julia sabay kiliti ko sa kanyang tagiliran.

"Kaaaath." sabi ni Julia na parang bata.

"Hay nako. Kayong dalawa, malapit na mag-lunch. Paano tayo kakain?" satsat ni Diego.

Oo nga noh. Wala si mommy at wala kaming yaya kaya naman walang magluluto para samin. Ah, alam ko na!

"Kain na lang tayo sa labas. Para diretso na sa Fans Day ni Daniel kooo!" sabi ko sa kanila.

"Sis, pagmamay-ari mo ba si Daniel?" tanong sakin ni Julia.

"Hindi pero malapit na." sagot ko sa kanya with matching wink pa. Taray!

"Sus, tara na. Magbihis ka na at aalis na tayo. Kami na bahala magpaalam sa parents po." sabi ni Diego.

"Sige. Thank you talaga!"

***

Ano kaya mangyayari sa tatlong magkakaibigan? Paano kapag nalaman ng parents ni Kath na umalis siya ng bahay?

ABANGAN :))

***

Malapit na lumabas si Daniel! Please I need 5 votes before I post the next Chapter :))

Superstar :">Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin