Chapter 5

6.3K 100 2
                                    

Chapter 5

Kath's POV

Nakipag-meet na kami ni Julia sa team namin sa volleyball. Nga pala, mga teammates ko; Diego, Julia, Kiray, EJ, Neil at Yen. Tuwing volleyball practice lang naman kami nagkakasama sama. Pero ang barkada ko lang talaga ay si Julia at Diego.

Anyways, bali-balita rito sa resort na may gig daw ang Parking Five kaso di na raw nagpush through kasi kulang ng isang member, yung vocalist na si James Reid.

Awwww. Sayang naman. Tinawag na kami ni Coach Ortega kasi magstastart na yung practice.

Daniel's POV

"Sige, maglalakad lakad lang ako. I need some fresh air." sabi ko sa isa kong kamember sa Parking Five, si Sam.

"Sige." sabi ni Sam.

Lumabas na ako ng hotel at pumunta sa may beach. May nagprapractice nga ng volleyball eh. Mapanood nga. Nanonood lang ako dun without anybody recognizing me. Hay, mabuti na lang. Ang galing galing nila maglaro parang mga professional na.

Napapasarap ako ng panonood nang may biglang sumigaw. "Kath, serve!" sigaw nung isang babae. Coach siguro nila yun. Napatingin naman ako sa babae. Wait, si morena girl! Tama, siya nga! Napangiti ako ng wagas. Kath pala pangalan niya. Maganda at bagay sa kanya.

Buong practice nila nakatingin lang ako kay Kath. Grabe, hindi lang pala maganda...magaling din siya sa volleyball! Hinding hindi ko pagsisisihan kapag naging kami. Wait wait wait, hindi naman ata pwede yun. Di bale, si Lord naman ang may alam kung kami talaga para sa isa't isa.

Tapos na nga pala yung volleyball practice. Sinusundan ko sila kasi narinig ko sabi nung isa niyang kaibigan na babalik na sila sa kanilang hotel room kaya yun! Sinundan ko.

Lakad.








Lakad.









Lakad.




Yun! Nakadating na rin kami, I mean sila pala sa kanilang hotel room. 365. Wait, 366 ang hotel room ko ah! Swerte ko naman! Nakita ko silang pumasok na sa room nila kaya ako naman pumasok na rin sa akin.

"Oh, nadito ka na pala." sabi ni Sam.

"Pare, hindi ka maniniwala sa sasabihin ko." sabi ko sa kanya habang umuupo sa harapan niya.

"Ano yun?" tanong ni Sam.

"Natatandaan mo ba yung babaeng kinukwento ko sayo?" tanong ko sa kanya para to make sure na makakarelate siya sa mga sasabihin ko.

"Oo. Yung may ari ng locket?" sabi niya.

"Shit! Ibabalik ko pa nga pala yan sa kanya." sabi ko.

"Eh paano mo naman ibabalik yan?" tanong ni Sam.

"Yun na nga ang sasabihin ko sayo. Nalaman ko na ang pangalan niya at alam mo ba, katabi lang natin ang room niya!" sabi ko.

"Weh? Talaga? Paano mo yan ibabalik? I mean, personally or magpapaka-anonymous ka?" tanong ni Sam.

"Hindi ako magbabalik personally or anonymously." sagot ko.

"Eh ano?" tanong ni Sam.

"As Batman." sagot ko. Napatawa naman si Sam.

"Batman? Mahahalata ka niyan dude!" sabi ni Sam.

"Hindi kaya. Sa dinami-rami ng mga nag-aasam na maging Batman, iisipin ba ni Kath na ako yung Batman na yun?" sabi ko.

"Sabagay." sabi ni Sam.

"Alam ko na! Para hindi niya malaman na ako yung Batman na yun, ikaw magsusulat nung message para hindi niya macompare yung handwriting dito dun sa handwriting ko nung nagpapirma siya nung Fans Day ko." sabi ko kay Sam.

"Sure sure. Ano, san ako magsusulat?" tanong ni Sam.

Ahhh...hanap hanap. Yun! Kinuha ko kaagad yung paper tapos inabot ko na siya kay Sam. "Oh heto, isulat mo lahat ng sasabihin ko." sabi ko kay Sam.

"Ano nga?" tanong ni Sam.

Kath's POV

*Ding! Dong!*

"Julia, ako na magbubukas!" sabi ko kay Julia. Nagshoshower na kasi si Diego eh.

"Sige." sabi ni Julia.

Pagbukas ko, walang tao pero may box na nasa sahig. Pinulot ko then tumingin ako sa paligid baka makita ko pa yung nagbigay sakin. Wala naman kaya sinarado ko na yung pinto.

Binuksan ko yung box then WOOSHOOO! yung locket ko! "Julia, yung locket ko oh!" sabi ko then si Julia ang laki ng ngiti habang pumupunta sakin.

"Oo nga noh. Pero ano 'to? Basahin natin." sabi ni Julia sabay kuha nung card.

Message:

Dear Kath,

Hi! Hindi ako magpapakilala sayo pero nais ko lang ibalik sayo itong locket mo. Napulot ko siya sa parking lot kahapon. Sorry kung ngayon ko lang siya nabalik. Nahirapan akong hanapin ka eh. Mabuti na lang natagpuan kita rito sa Rivero resort. Ingat palagi, ha? Smile palagi, bagay sayo eh ;)

Batman.

*end of message*

"Aaaahhhh!!" si Julia wagas maka-irit!

"Siguro siya yung naririnig ko kahapon sa parking lot na sumisigaw. Siguro siya yung nakapulot nito. Kailangan ko siyang mahanap." sabi ko kay Julia.

"Dapat lang. Kailangan mo siyang pasalamatan noh tsaka nagpakilala pa siya as your Batman. Wait, di ba si Daniel, Batman ang tawag sa kanya. Hindi kaya si Daniel yan?" sabi ni Julia.

Oo nga noh! Sabi niya natagpuan daw niya ako rito sa resort eh di ba si Daniel nasa resort din! "Asan na yung picture ni Daniel na may sulat niya and signature?" sabi ko kay Julia.

Si Julia naman tumakbo para hanapin yung picture. "Heto oh." sabi niya. Pinag-compare ko. Awww. Hindi sila magkatugma :(

"Hindi si Daniel 'to. Ibang lalaki yan. Pero hahanapin ko pa rin siya." sabi ko kay Julia with smiley face.

***

Ngayong nahanap na ni Daniel si Kath, si Kath naman ang maghahanap sa kanyang mysterious Batman. Mahanap kaya siya ni Kath? At ano pa kaya ang mangyayari sa dalawa sa resort?

ABANGAN :))

Sorry po kung maikli lang :D

Superstar :">Where stories live. Discover now